Chapter 15

197 21 0
                                    

Someone's pov.

Paalis na ako sa bahay, pupunta ako kila lolo Jet. Kakamustahin ko lamang ito, huli kong nakausap ito last last week pa. Hindi ko rin siya nakikita sa school. Sa sobrang busy niya at ako rin. While driving, someone is calling me. So i answered the phone.

"Hello? Who's this?" I asked.

"It's Aica! Btw, where are you?? Nandito ako ngayon sa house mo." Aniya sa kabilang linya.

"Too bad, kakaalis ko. Why? Bakit bigla mo ata akong binisita?"

"Nagtatampo ako sayo!"

"Para saan?"

"Hindi mo na ako inaaya lumabas e!"

"Okay fine, umuwi ka muna sainyo, labas tayo mamayang gabi. I'll catch you later. Okay bye." Pinatay ko na ang tawag.

Huminga ako nang malalim nang nasa gate na ako nila lolo, magiging kontrabida nanaman ako sa mata ni kurt.

I rang the doorbell until someone came to let me in.

"Where's lolo jet?" Tanong ko sa maid.

"Nasa office po siya, sir. This way po"

"No no, alam ko na. Thank you nalang."

Binati ko ang mga katulong nila, malaki ang bahay ni lolo. Dito ata gaganapin ang reunion sa feb 16, feb 13 na ngayon. Magkikita nanaman kami ng mga pinsan ko lalo na si kurt. Hindi kami close ng isang yon. Habang papunta sa office ni lolo. Kinausap ako ng isa sa mga katulong rito.

"Sir, long time no see po" aniya ng lalaki. I smiled at him. Ang last na punta ko rito ay noong nasa grade 9 palang ako, grade 12 na ako ngayon. Medyo naninibago ako sa bahay ni lolo jet, madaming pinagbago.

Nasa harap na ako ng pinto, napabuntong hininga muna ako bago ako kumatok.

"Come in." Sigaw ni lolo. Binuksan ko naman iyon at busy siya sa pagbabasa.

"Hi, lo!" Bati ko at agad naman siyang napatingin sakin. He smiled at dali daling tumayo sa swivel chair niya at niyakap ako.

"Long time no see, apo. Buti dinalaw mo ako."

I laugh. Tawang mahinhin.

"Of course, saka wala rin kasi akong ginagawa." 

Lolo jet just sigh.

"Wala ka bang assignment,  apo?" Natatawang tanong ni lolo.

I laughed.  "Siyempre lo, tapos ko na 'yan." Natatawa naman akong pinalo ni lolo.

Tumingin tingin ako sa loob ng office ni lolo, madaming libro. Halos lahat ata libro na ang laman ng office niya. Parang gusto ko tuloy humingi. Aniya sa sarili

"Kumusta na kayo ng pinsan mong si kurt, apo?" Pagtatanong niya.

Napalunok naman ako. "Hindi kami nag uusap, lo. Alam niyo naman po si kurt.Hindi marunong makipag usap."  I paused. " and lo, nabalitaan niyo na po ba kung anong nangyari noong friday?"

Kunot noo siyang tinignan ng kaniyang lolo jet. "Why? Anong nangyari?"

Kinuwento ko sa kaniya ang lahat. Siya naman ay nagagalit na.

"Ang batang yon, hindi pa nag babago." Seryoso niyang sabi.

"Lolo, hindi naman sa pasipsip ako sayo ha. Maging ako nahihiya na sa kagagawan niya. I'm also worried about him, baka mamaya may makatapat siya riyan. Baka mas malala pa kaysa sa kaniya." Wika ko.

Destiny's Love |(On-going)Where stories live. Discover now