Chapter 14

176 16 0
                                    

Sandra pov.

"Anak, dalian mo na riyan at aalis na tayo. Mas a alas sais na." Rinig kong sigaw ni mama sa baba.

"Opo!" Binilisan kong mag gayak saka bumaba na.

"Tara na po" lumaba na nga kami ng bahay. Nilock muna ito ni mama pati na rin ang gate. Naghahanap kami sa labas ng trycicle. Nang may tumigil.

"Sasakay po ba kayo?" Tanong ng driver.

"Oo" sagot ni mama tsaka ako hinila pasakay sa loob ng trycicle.

"Saan po tayo?" Tanong ng driver habang nag da drive.

"Alam mo ba kung saan banda rito yung mamahalin na restaurant? Yung sikat. Kung alam mo."

"Ah yung spiral manila? Buffet restaurant?" Pasigaw niyang tanong, hindi kasi marinig kapag hindi mo lalakasan. Mabilis na nag da drive si manong.

"Ah oo don" saad naman ni mama, hindi na umimik si manong at patuloy lang sa pag da drive. Mga 25 minutes kaming nagbyahe bago makarating sa pinag ta trabauhan ni mama. Nagbayad na nga si mama sa trycicle driver tsaka umalis.

"Dito ka nag ta trabaho ma?" Manghang manghang tanong ko.

"Oo, gusto mo ba pumasok o dito ka na sa labas?"

"Papasok ako siyempre " wika ko.

Malaki ang restaurant, ang ganda naman ng interior design. Napaka epensive nga talaga.

"Maupo ka muna riyan, nandiyan yung boss ko." Nilingon ko nman sa counter. May dalawang babae. Nginitian naman nila si mama. Iniwan ako ni mama saka pumunta sa kanila, binati niya ito ng good morning. Rinig ko pa. Habang nakaupo, nakasulyap sa direksyon nila mama. Kausap nito ang isang babaeng medyo nasa edad na. Siya siguro ang nag mamay ari nitong restaurant na to. Napansin kong tumingin sila sakin, ngumiti lang ako. Siguro may ikinukuwento si mama sa kanila. Nagpaalam na nga si mama sa kanila at lumapit sakin.

"Tara na, anak." Saka kami lumabas.

"May nakuha ka ma?" Tanong ko. "Oo, lika na."

Naghanap ulit kami ng masasakyan papunta sa savemore. Ako naman ay patingin tingin lang sa paligid ko baka kasi may magnanakaw e. Madami pa naman daw mag nanakaw dito yun ang usap usapan sa cebu noong nandon pa kami.

"Anak, sakay na." Agad naman akong sumakay.

"Mama, nagugutom na ako" sabi ko sa kaniya ito naman ay hindi umimik. Hindi niya yata narinig sa sobrang ingay ba naman kasi ng trycicle.

Kringgggg.....kringggg

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko, tumatawag si alexia.

"Helloo, bakit ka napatawag?" Pasigaw kong tanong.

"Sino yan, anak?"

"Si alexia po."

"Huy, hello?" Tanong ko ulit.

"Nasaan ka?bakit ang ingay nama ata diyan, nandito ako sa gate niyo. Nasaan ka ba?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Ah eh, mag g grocery kami. Sayang hindi pala kita naisama. Sorry" i said at liningon ko si mama. Nakatingin lang ito sa labas.

"Okay langg, uwi nalang muna ako."

"Sgee." Saad ko tsaka pinatay ang tawag.

"Nandito na po tayo." Aniya ng driver. Bumaba nama kami at nagbayad rito.

Destiny's Love |(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon