01

51 0 0
                                    

"Cheersss!" Sigaw naming magkakaibigan, dahil finally gagraduate na kami ng high school.

It was a long journey, we shed tears, laughs, breakdowns, stress and heartbreaks. All those experiences aren't forgotten to remember.

"Shuta beh ang pangit mo pala umiyak no!" Natatawang sabi ni Nanon kay Love.

Umiyak lalo si Love kaya inakbayan ng jowang si Milk.

"Bunganga mo Nanon baka ibato ko sayo tong baso." Nagbabantang sabi ni Milk kaya pigil tawa namn itong si Nanon.

"I can't hold my tears, isang buwan nalng magkawatak watak na tayong lahat." Naiiyak na sabi ni Love, nalungkot namn ako don dahil alam kong iba iba ang gusto nilang pasukin na university, tatlo lang ata kami sa parehong university e, ako, si Tay at First.

"Wala e, that's life, minsan we need to separate ways for ourselves and future. Kung may time edi magkita-kita tayo." Sabi namn ni First habang uminom ng beer.

"Tama! we find time for each other pwede namn yon, kung miss na miss talaga natin ang isa't isa." Sabi namn ni Earth habang nakatingin sa beer na hawak niya.

Hindi ko sila masisisi kung bakit ganito sila kaemotional ngayon, halos 6 na taon kaming nagsasama-sama e.

Si Tay ang pinakaunang bestfriend ko, simula kinder magkaibigan na kami at siguro simula pagkaluwal ko magkaibigan na kami e, yung nanay ko at nanay niya kasi magbestfriend din kaya ganito nalng ang closeness namin sa isa't isa, hanggang sa dumami kami.

Nakilala ko si Nanon nong grade six pa lang kami, umiiyak siya non tapos may sipon pa siya, inaway daw kasi ng kaklase niya, sabi niya binubully siya kasi lonely person daw siya, kaya ayon kinaibigan ko siya kasi nagsasawa nadin ako sa pagmumukha ni Tay e.

Pinakilala ko siya ni Tay, nong una ang awkward pa kay Nanon dahil hindi siya sanay na may kasama, hanggang sa pinaalala ko sa kanya na mabuti at masaya ang may kaibigan dahil kung may problema ka man o wala may taong andiyan palagi sayo.

Hanggang nakilala nadin namin si First, transfery siya non kaya nilapitan namin dahil nagiisa din siyang kumain noon.

Hanggang pati narin si Earth, basagulero yan lagi nalang naguguidance dahil palaging may kaaway, minsan takot kami sa kanya pero hanggang sa nakita ko siyang umiyak dahil wala na pala ang mama niya, naawa ako non. Pigil sarili kong yakapin siya baka kasi bigla nalng akong suntukin, pero nabigla nalng ako na sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, sinasabing nagsisisi siya sa lahat ng ginawa niya sa school baka parusa daw ito sa kanya. Ang sabi ko sa principal, teacher at sa mga nasaktan ka magsosorry at laking tuwa ko dahil ginawa niya talaga.

Nabuo kaming lima, at nang tumungtong kami sa high school, labis nalng ang saya ko dahil hindi lang kami magiging lima kundi nadagdagan pa kami.

Nakilala namin si Love, Milk at Phuwin. Nagkakilala kami sa isang coffee shop, ang ingay kasi ni Nanon at Tay e, kaya nagalit sila. Nagulat ako non akala ko magsasabunutan sila pero mas lalo akong nagulat ng biglang yumakap si Phuwin sa akin.

"Ang cute cute mo!" Sigaw niya pa non. "Sensya, may naalala kasi ako parang ganyan kasi sayo ang mukha at height niya." Lumayong sabi niya.

Akala ko yun na yung huling pagkikita kita namin, hanggang sa nagkita ulit kami sa coffee shop, pero lumipas ang mga araw hindi na sila nagalit sa amin kundi lumapit silang tatlo para nasa iisang table kami, naiinggit kasi sila kasi ang ingay namin palagi. Sa pinakadulo kasi yung long table sa coffee shop good for family and friends yon.

Simula noong araw na 'yon palagi na kaming dito nakatambay, dito magrreview ng sabay sabay, dito magsstudy, dito din magkikita kita kung merong broken sa circle tapos bibili kami ng beer sa labas dahil alangan namn diba magkakape at magsshake kami. Hindi kasi sila nagtitinda ng beer dito, at kapatid namn ni Milk ang may ari nito kaya pinayagan niya kaming dito iinom kaysa sa club. Mabait kami e.

Golden Scenery Where stories live. Discover now