06

5 0 0
                                    

Umuwi ako nang medyo magaan ang pakiramdam dahil sa pag kain ko ng ice cream. Hinatid ako ni Tay sa tapat ng bahay namin dahil nagtext si Kuya Ron na hindi niya ako masundo dahil may pinuntahan siya dahil inutusan siya ng tatay ko.

Nang makaalis at makapagpasalamat kay Tay ay pumasok na ako sa loob at binati naman ako ng dalawang butler at binati ko din naman sila pabalik.

Ganon parin sa pagkapasok ko ng bahay namin, tahimik at parang walang buhay ang mga tao, kung hindi lang dahil sa mga naglalakihang chandeliers, mga mamahaling vase, malalaking portrait at sa center nando'n kami buong pamilya ngunit wala do'n si Mix, mga kumikinang na diamond sa mga mesa at mamahaling ibang desenyo ng bahay ay walang kabuhay-buhay na talaga ito.

I sighed.

This mansion will never be my home.

"Anak!" Napalingon ako sa tumawag at napangiti nang si Mommy 'yon.

Lumapit naman ako at hinalikan siya sa sintido.

"Hi mom."

She pouted. I smiled for her cuteness, 45 years old na si Mommy pero kung tingnan ito ay para siyang dalaga pa dahil narin sa suot at postura niya. Mahaba ang pilik mata, at kulay tsokolate ang mga mata niya, manipis pero may kapulahang labi kahit hindi niya ito nilalagyan ng lipstick, maayos ang pagkaporma ng kilay, at ang shape ng mukha niya, at dahil narin sa healthy niyang buhok ay hindi talaga ito mapapansin na nasa 40's na siya.

Nakuha ko ang porma ng kilay, shape ng mukha at ang kulay ng mata niya at ang iba ay nasa tatay ko na.

"How's your day?"

"Okay naman ma." I lied.

Tumango naman siya do'n.

"By the way, is Janhae already home?" Biglaang tanong ko nang mapansing wala siya sa living room, kadalasan kasi ay nandoon siya habang nag-pphone o kung hindi nasa room niya.

My mom looked down at her phone.

"Well, she texted me that something came up on their school so she said she might be late to get home."

Kinakabahan ako do'n. Ano kayang nangyari?

"Oh okay. . ." Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa kaba. Tungkol ba'to sa group report nila? Or maybe it is about my sketch?

I sighed deeply. Sana hindi 'to tungkol do'n.

"Sige ma, akyat na ako—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan. It must be my Dad. I scoffed as I think of that.

Makikita ko na naman siya.

Aakyat na sana ako nang biglang sumigaw si Janhae na galit na galit. Hinahanap ako.

Fuck.

"Javen! where the fuck are you?!"

I calmed down myself as I stood straight, ready for her hurtful words.

Nang makita niya ako ay biglang nadurog ang puso kong nakita siyang galit na galit sa'kin.

Lumapit si Mommy sa kanya pero hindi niya ito binalingan ng tingin. She stared at me darkly. She seemed to be really. . .furious.

"Janhae your words! What is your problem?!" Umangat ang boses ni Mommy. Napahinga ako ng malalim ng binalingan niya ito ng tingin.

She chuckled sarcastically. Nakikita ko kung pa'no niya kinuyom ang kamao na para bang pinipigilan ang nararamdamang galit.

"What is my problem?" Sabi niya at binalingan ako ng tingin. "Siya."

Naguguluhang tumingin si Mommy sa'kin.

Golden Scenery Where stories live. Discover now