04

5 0 0
                                    

Ako lang at si Nanon ang naiwan sa table gusto ko ngang sumama sa kanila kaso hindi sila pumayag parang balisa daw kasi ako at sila nalang daw bahala mag-order sakin.

Sinong hindi mapakali eh nandito yung lalaking nambastos sakin!

Ramdam na ramdam ko yung titig niya sa'kin.

Hindi ba niya pansin na naiilang ako?!

"Huy okay ka lang?" Tanong ni Nanon na mapansing nagpapadyak ako ng paa. Napalakas ata.

"Oo naman." Sagot ko nalang at kinuha ang phone ko para maglaro nalang ng ML at hindi isipin yung napakalagkit na titig niya. Pero ganon nalang ang mura kong lowbat ako! nakalimutan ko palang icharge kagabi!

Lord, ano bang kasalanan ko sa inyo? bakit niyo ba ako pinarusahan ng ganito?

"Eto nalang gamitin mo, kawawa ka naman." Sabi ni Nanon nang mapansing lowbat ang phone ko at kinuha niya yung kanya.

Kinuha ko nalang din para mawala yung ilang ko habang hinihintay namin yung iba pa naming kaibigan, ano ba yan magmumukbang ba sila?

"Mythic kana pala?" Tanong ko habang pinindot yung classic.

Ako kasi hindi pa, madalang lang akong makapaglaro pagbored na talaga.

"Oo wag ka lang sa rank baka mabawasan yung stars ko isa nalang yan para Mythical Glory na ako." Natatawang sabi niya habang nakacross arms at sumandal sa upuan.

Umirap naman ko do'n, anong akala niya hindi ako marunong?

"Hindi ka masyadong marunong Javen." Putol niya sa pagiisip ko at tinignan ko naman siyang nanlilisik na tingin.

Tumawa namn siya.

"Joke lang, hindi ka mabiro e." Sabi niya pa habang tumingin sa kabilang mesa.

"Haha funny naman ng joke mo Nanon." Sarkastikong sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalaro dahil may tinitingnan siya hindi ko naman nilingon baka kasi mahagip ko naman ang mga mata nong lalaking yun.

"Eto na order niyo." Biglang dumating ang mga kaibigan ko at nagpasalamat naman ako do'n.

"Kumain kana, mamaya na 'yan." Sabi ni Tay at kinuha ang phone ni Nanon at umupo siya sa tabi ko.

"Hoy! sayang maniac na sana!" Sabi ko pa at pilit inagaw ang phone sa kanya, tinaas naman niya ang kamay.

"Javen Kherl don't be hardheaded, eat." Sabi niya at binulsa ang phone ni Nanon, hindi ko naman makuha, sungit naman nito.

Bumuntong hininga nalang ako at kumain na.

"Jav, kanina ko pa napapansin." Biglang sabi ni First kaya umangat ang tingin ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Ano?" I asked in curiosity.

"Kanina kapa tinitignan ni Matt." Nagulat ako sa sinabi niya dahil kilala ko ang name! yun yung lalaki diba kanina? hindi ko makakalimutan ang ginawa niya!

"Namamalik-mata ka lang Uno." Sabi ko at binabalewala ang sinabi niya, I mean ramdam ko yung titig niya pero ayokong aminin!

"Anong namamalik-mata e hindi lang ako ang nakapansin." Tumigil ako sa pagsubo at tiningnan ko yung mga kaibigan ko, titig silang lahat sakin na para bang may ginawa akong issue.

"Grabe kayo makatitig ah." Sabi ko nalang at yumuko, baka kasi makita nilang hindi ako mapakali sa sinabi ni First.

Tumikhim si Tay.

Golden Scenery Where stories live. Discover now