07

10 0 0
                                    

The cold breeze, the full moon, the stars, and the place was enough for me to give me a comfort.

Malayo sa bahay, malayo sa pamilya, malayo sa gulo.

Kanina para akong sinasakal sa nararamdaman pero ngayon mas lalo!

Potangina, ano 'yon?!

Kanina pa ako nakaupo habang si Matt, nakatayo at nakasandal sa may poste. Walang nagsasalita matapos siyang kumalas sa yakap, parang nabibitin tuloy ako.

Pinaglalaruan ko lang yung kamay ko at alam kong nakatitig siya sa'kin ngayon dahil ramdam ko! para akong tinutusok, hindi ko kayang tingnan siya dahil baka makita niya mukha kong wala sa ayos na itsura, sino ba namang hindi 'diba? bigla-bigla nalang siyang susulpot tapos yayakapin ka.

Magpapasalamat ba ako? pota ayoko, baka sabihin niyang may utang na loob ako sa kanya dahil lang sa isang yakap!

"What are you thinking?" Nagulat ako sa biglaang tanong niya.

Kalma Jav, kalma lang.

I cleared my throat as I turning my gaze on him. At gusto ko nalang magmura sa klase ng pagtitig niya, para akong nahihipnotismo!

May pagka-singkit ang mga mata niya, maayos ang pagkaporma ng kilay, may matangos na ilong na bagay na bagay talaga sa buong mukha niya, maayos din ang pagkashape ng mukha niya. Bakat na bakat din ang adams apple niya, kaya napalunok ako, bakit ngayon ko lang napansin na gwapo pala si Matt?

Pota ano ba 'tong nasa isip ko!

"So you're just gonna stare at me forever?"

Punyeta Jav, nakakahiya ka.

Bumuntong hininga ako ng paulit-ulit, inayos ang nararamdaman.

"Narealize ko lang na ang pangit mo pala."

Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko, hala mali 'yung nasabi ko! pero ayokong bawiin, baka asarin pa ako e.

"How dare you Jav, ikaw lang talaga ang may kayang sabihin ang mga ganyan sa'kin. Aren't you scared of me?" Tumaas ang kilay niya.

Parang kanina lang ang sarap titigan ng mata niyang nag-aalala pero ngayon nagiging strikto na. Tanga Jav, kasalanan mo.

"Why would I? baka ikaw? hindi kaba takot sa'kin?"

"No." Simpleng sagot niya at umiwas ng tingin.

Oo nga naman, bakit naman siya matatakot 'diba?

There was another silence after that.

"Hindi kapa uuwi?" I asked while looking up in the night sky.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya, pero hindi ko na siya binalingan at nananatiling sa langit ang mata ko.

I heard him heave a deep sighed.

"Ikaw? hindi pa? it's getting late, I'm sure hinahanap kana ng parents mo." Sabi niya gamit ang mababang tono.

Gusto kong matawa sa huling sinabi niya, ako hinahanap? napakaimposible, kahit nga siguro hindi ako umuwi ng isang araw hindi padin nila ako hahanapin, siguro si Mama lang. Pero sa nangyayari ngayon, malabo.

"Hindi 'yan. Pero ikaw, umuwi kana, naabala na kita masyado." Tinignan ko siya, pero binalik ko nadin ang tingin ko sa langit nang hindi na siya nakatingin.

"Wala rin namang naghahanap sa'kin kasi ako lang mag-isa sa bahay e. Kaya, pwede ba kitang samahan?" Nagulat akong tumingin sa kanya. Wala siyang kasama?

"Oo. Ako lang mag-isa sa bahay, I chose to live on my own, I don't know I just feel peace and free." He added.

Napalunok akong tumango sa sinabi niya.

Golden Scenery Where stories live. Discover now