03

9 0 0
                                    

Sa huli ay hindi ko sinabi kay Pond ang totoo, I don't want to ruin his relationship between my Dad. At saka sabi ko nga kaya ko pa naman ihandle ang sakit ng pananalita ni Daddy sakin e.

I'm used to it, anyway.

Habang inuubos namin yung cookies at juice ay tinawag na si Pond ni Tita para umuwi na, at gaya ng nasa isip ko pinipilit niyang dito muna matulog at sasamahan niya ako. Pero hindi ako pumayag, walang kasama si Tita e.

Sa huli sumama narin siya sa Mommy niya pauwi, hinabilin niya sakin na kung may mangyari tatawag lang ako at pupuntahan na niya ako sa isang tawag o text lang.

Pond is caring and loving person, ganito siya sa lahat nang mahal niya. Minsan iniisip ko na pano kaya kung may girlfriend na ito? ganito din ba siya kasweet at caring? o sobra pa? Aba malamang Javen!

Natulog na ako pagkatapos ng pagpapaalam kila Tita. I'm mentally and physically exhausted. I want to rest.

Dahil narin siguro sa pagod ay nakatulog agad ako.

"You're smiling like an idiot." Nawala ang ngiti ko sa narinig.

Lord, bakit ba sulpot nang sulpot to?! nakakasawa na kaya pagmumukha niya! nakakainis pa!

Umirap akong napatingin sa lalaking nakangisi, at gusto ko nalang tawagin ang lahat ng santo para pigilan ang inis ko sa kanya.

"Fuck off." Sabi ko habang tinignan parin siya, napatawa naman siya doon at mas lalo lang uminit ang ulo ko!

"Words darling. You know what you're so cute when you pissed off." Tumabi siya sakin, at umirap nalang ako para pigilan ang ngiti sa sinabi niya. Cute daw ako?

Natahimik kami pagkatapos niyang sinabi yon, pinapakiramdaman ang isa't isa. Putcha nman hindi ako sanay na ganito kami kaingay, we used throwing jokes each other until someone gave up at para narin pikunin ang isa't isa, and yeah that's always me.

Pero eto?! hindi ko kaya to!

Mas lalo akong kinabahan nang bigla siyang lumingon sakin at titig na titig sa mukha ko na para bang ako yung pinakamamahaling bagay na nakita sa tanang buhay niya. O mali ako?

"You're beautiful." Nanginig ako nang bigla nalang niyang nilapit ang mukha niya!

Mura ako nang mura nang bigla siyang pumikit at mas lalo akong nainis dahil bakit din ako pumikit?!

I can smell his manly scent and that's driving me crazy!

Fuck.

Naghihintay ako na lumapat ang labi niya sakin, hanggang sa paghihintay ko. . .

"Javen Kherl!"

Punyeta ang sakit ng pwet ko! gago nahulog ako sa kama! inis kong tinignan yung tumawag sakin.

"Ano ba! natutulog yung tao e!" Inis na sigaw ko sa kapatid ko.

Umirap naman siya.

"Para ka kasing tanga, ano bang ibinubulong mo habang natutulog ka?" Tanong niya at sumandal sa pintuan ng kwarto ko.

Naginit ang pisngi kong naalala ang panaginip ko. That wasn't the first time I dreamt about that. . . that man. . . that man always appeared in my dream. I suddenly touched my lips, what the fuck was that? that was too close!

Narinig ko ang pagsinghap ni Janhae.

"Oh My God! may kahalikan ka sa panaginip mo?!" Nagulat siyang lumapit sakin. Bwisit na babaeng to ang ingay!

Golden Scenery Where stories live. Discover now