Chapter 12: Definitely

43.1K 946 135
                                    

***

Author's Note:

I made a book trailer you can watch it ^^^

"Dad she was really cool!" napangiti na lang ako at napailing then returned with what Im doing. Writing another song.

I dont know what's with me but I am inspired. Actually pangalawang kanta ko na nga tong naisulat ngayong buwan and I am close on finishing it.

"Hey dad, are you listening to me?!"

"Yeah baby. Kabisado ko na nga yung kwento mo eh. Nag swimming kayo, kumain ng maraming siomai doon sa restaurant, nag basketball, tinuruan ka rin niya mag volleyball, she let you play unlimited games sa arcade then as finale, kumain kayo ng ice cream" I enumerated gaya ng kwento niya that he did for like twenty times already today

"You forget that I kissed her on the cheek and she did the same to me"

I rolled my eyes "Baby, bata ka pa saka na yang kiss kiss na yan" at isa pa, kay daddy na yun..

Natawa lang siya at umupo sa harapan ko. All night he's been telling me yung mga ginawa nila doon sa hotel. Actually alas tres pa ang usapan namin ni Erica na ihahatid ko si Clarence but the latter one was so excited na hindi nga nakatulog the night before. Pagtapos naman namin mag usap nun ni Erica, umuwi ako at pagdating ko sa bahay sinabi ko kaagad kay Clarence and he started packing his things. At kinabukasan ten am ko siya hinatid sa hotel. Mabuti na lang wala naman problema kay Erica.

"I wish she's my mom.." Clarence said dreamily

"Baby, hindi magandang sinasabi mo yan. You already have a mom" sabi ko in a serious tone. Kahit naman ganun si Cathy ayokong alisin kung ano yung karapat dapat na kanya

"But mom doesnt love me" he pouted his lips at umiling

Gusto ko sana mag reason out na hindi totoo yun. But I am suddenly stuck between telling a lie and the truth. Yung mga pinapakita ni Cathy sapat naman ng ebidensya na hindi niya mahal ang anak namin yet ayoko naman na sakin manggaling yun. After all hindi pa naman huli ang lahat. Malay ko baka bigla na lang saniban ng mabuting espirito si Cathy at magbago na

Binitawan ko na muna yung lapis na hawak ko and spread my arms "Come here.." lumapit naman kaagad sakin si Clarence and immediately I wrapped him in a tight hug.

"If you think mommy doesnt love you, palagi mo pa din tatandaan na kailangan mo siyang i respect. Okay? And one more thing, mahal na mahal ka naman ni daddy."

He just nod and gave me a wet kiss sa pisngi "I've seen the magazine dad but I always forget to ask you. Is Tita Erica your girlfriend?"

"Ano ba naman tanong yan, baby" uncomfortable kong sagot. Ugh, kanino ba nagmana tong anak ko at bakit ang observant masyado?

"Just asking kasi bakit siya nakahalik sa cheek mo sa picture?"

Huminga ako ng malalim "Not because she kissed me on the cheek ibig sabihin girlfriend ko na siya. Like what I said last time, you're too young to know about kisses. Marunong ka na ba mag count ng one to ten?"

Namumula siya na umiling. Hindi ko naman mapigilan matawa. Itong anak ko mas nauna pang matutunan ang makamundong bagay kaysa sa mga dapat niyang matutunan. Natatakot tuloy ako na baka casanova siya paglaki. Wag naman sana..

"Sinabi ba ni Tita Erica kung kailan kayo magkikita ulit?" tanong ko dahil nung sinundo ko si Clarence sinabihan si ni Erica that they'll meet again next time.

"Hmm, I can go to the hotel daw anytime basta tatawag muna ako"

"That's great"

Sakto naman na dumating si Percy. Clarence loosened from my hug at tumakbo palapit sa kanya para magmano.

The Wicked Liar 3: The Lying OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon