Chapter 15: Nostalgic

43.8K 815 54
                                    

Natatawa ako sa reaksyon ni Derick so maybe yun din ang dahilan kung bakit hindi nahirapan yung photographer sa pagkuha sakin ng mga pictures with different poses dahil maganda na daw ang ngiti ko. Paano ba naman kasi, kanina pa inis na inis si Derick. Ang ine expect niya kasi magkasama kami habang pictorial but turned out na individual shots pala. Kaya ayun siya nakaupo sa likuran ng photographer at masama ang tingin sakin dahil kanina ko pa siya pinagtatawanan.

"Uhm, pwede bang ibaba mo yang jacket hanggang siko mo?" sabi sakin nung photographer na medyo nag alangan pa ako yet naisip kong I am being paid by doing this. Isa pa, professional naman kasi sila.

So ibinaba ko nga yung jacket kaya kita yung bra na suot ko na product din naman ng Sizzlers.

"Aish!" napalingon yung photographer dahil sa outburst na yun ni Derick. Pabalya kasi siyang tumayo kaya yung upuan niya tumaob that caught everyone's attention

"May problema ba Mr. Lusterio?" tanong nung photographer sa kanya na nagtataka. Umiling lang siya. Oh, mukhang tinotopak na naman ang loko.

"Talaga bang ganyan na masagwa ang pose niya?" asik niya at itinuro pa ako. Ugh, gets ko na. Naiinis siya dahil sa ayos ko ngayon. Hindi ko maiwasan mapangiti. Hanggan ngayon pala ganyan pa din siya..

"What's masagwa there? Okay naman ah? Sexy naman si Ms. Erica" singit ni Ms. Dianne at appreciative na tumingin sakin

"Yes, hindi naman kabastos bastos tignan. Isa pa, she's posing for the bra in this part" sabi ni Mr. De Vera na nangailam na rin.

Maybe Derick realized na masyado siyang nag over react so umupo na lang ulit siya at nanahimik. My pictorial resumed na parang walang nangyari. Hindi ko mabilang kung pang ilang shot ko na to pero sa tingin ko mga pang twenty na. Sa totoo lang pagod na ako dahil nakakailang palit na rin ako ng damit at hairstyle. Maging yung make up ko ilang beses na rin in adjust

After the undergarments, sumenyas yung photographer na mag break muna. I sighed in relief dahil kanina pa ako nauuhaw at masakit na din ang mga paa ko because of the high heels

"Umupo ka muna dito" inalalayan ako ni Derick sa upuan na katapat lang nung kanya and offered me a glass of water na hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin. Ini straight ko yun ng inom.

Lumapit naman si Ms. Dianne at nagpatong sa mga balikat ko ng silk robe. Itatali ko na sana yung robe pero naunahan ako ni Derick

"You bare so much skin!" he gritted between his teeth habang tinatali ng maigi yung robe ko

"Trabaho to eh. May magagawa ako?" masungit kong balik sa kanya.

"Kung alam ko lang na ganito, sana pala hindi ko hinayaan. I should've recommended other models kahit na makihati ako sa pagbabayad"

"Cant do it now. Nakapirma ako ng kontrata. Alam mo ang OA mo talaga noh? Ikaw nga kanina mas masagwa yung shoot mo" sabi ko dahil yun naman ang totoo. Maraming pagkakataon na naka topless siya sabay medyo mababa yung pants niya na nakikita yung V line niya. Sa totoo lang mas grabe nga ang make up niya kaysa sakin kasi kahit katawan niya meron. Kinailangan din kasi takpan yung tatts niya.

Sakto naman na dumating si Mr. De Vera and clasped his hands sa balikat namin ni Derick. Nakakawala ng pagod yung ngiti niya dahil alam kong so far hindi siya na disappoint

"Wala akong na miss na shot and I can say you're both brilliant. Lalo ka na Ms. Erica. For a first timer, you're extremely good. Kung siguro na discover mong may talent ka sa ganito nung nasa US ka maybe naging prodigy ka pa ni Tyra Banks"

"Oh sir, that's too much" namumulang sabi ko dahil grabe naman talaga yung compliment niya

Tinawanan niya ako "But I am not kidding. You're really good at this. I admit nung una nagdadalawang isip ako sayo yet upon seeing you last time.. Well, I say na mas lalo ko pang pagkatiwalaan si Dianne"

The Wicked Liar 3: The Lying OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon