Chapter 25: Strange Dream

44.7K 880 86
                                    

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa'min ni Erica, sana pala hindi ko na lang ginawa yun. Two months. Two months kong tinago na alam ko na ang katotohanan for that dramatic night. Sa mga panahong yun nagpanggap ako na wala pang alam at pinlano yung mga nangyari nung gabing yun. Sinadya ko na hindi sila makatunog kahit na gustong gusto ko na sigawan si mommy at sakalin naman si Cathy. Tiniis ko yun para ma corner sila at hindi na makawala.

Ang akala ko pagtapos nun magiging okay na kaming dalawa. Ang akala ko kapag nalaman niya na hindi ko naman ginusto talaga ang nangyari samin seven years ago, mapapatawad niya na ako. Akala ko babalik na kami sa dati. Never had I realized na mas magiging malala pa pala. Bumalik na naman siya sa dating Erica na minahal ko nung high school. Yung takot sa sasabihin ng iba.

Alam kong mali pero sa totoo lang nakakaramdam ako ng kaunting galit sa kanya. Fuck, I love her and I should not feel this way pero hindi ko mapigilan. Ang selfish niya lang kasi eh. Masyado niyang sinosolo ang lahat. Akala niya ata sa mga nangyayari siya lang ang nasasaktan. Akala niya siya lang ang apektado. Paano naman ako? Hindi niya ba naisip that I am hurting as much as she does?

Mabuti pa nga siya kahit paano buhay ang mga magulang niya. Yung totoo niyang magulang. Hindi man niya nga siguro mapapatawad ang mga yun but atleast they know na siya ang anak ng mga ito. Eh ako? Yung mama ko ba nasaan na? Wala na. Hindi man lang niya nalaman na ako ang totoo niyang anak.

Si papa? Yung totoo kong papa? Hindi ko alam kung haharapin ko pa ba siya. He knew all of this. Hindi ko pa alam ang rason nang pagpayag niya sa gusto ni mommy na pagpalitin kami ni Erica but one thing for sure is, it will be hard for me na patawarin siya.

Kasal pa naman kami ni Erica. Pinanghahawakan ko pa rin naman ang katotohanang yun pero hindi ako kontento sa ganun lang. Maraming nasayang na taon sa buhay namin. Buong buhay namin namuhay kami sa kasinungalingan pero hindi naman na kami makakabalik sa panahon dito. We can obsess and obsess on how things ended - sa ginawa ng mga magulang namin na maling desisyon, but there's no much of a point already! Tapos na ang mga yun! It's not like it'll change anything kapag nagpa apekto pa kami.

Yung sa anak namin? Siya lang ba ang nawalan? That's my baby too! Kung pwede nga lang na magpalit kami ng pwesto ng anak kong yun matagal ko nang ginawa! I never wanted that to be happen.. I never meant that to happen..

I was really sick of being in the dark, malungkot, mag isa and like something inside me is missing. Then here, natapos na nga ang mga yun dahil naalala ko na ang mga nangyari sakin, I am back on being the Derick Lusterio I used to. Pero siya lumayo na naman.

I closed my eyes and bring the heel of my hand to rub my eyes. Suddenly, I feel so tired. Ngayon pa lang lubos na nagsi sink in sakin na alam na namin lahat ang katotohanan and any moment magbabago ang mga buhay namin. All the lying has caught up to me and I know I am going to pay dearly for it pero kailangan namin ni Erica yun. We deserve to know the fucking truth.

But as I saw kung paano siya sumuko na naman samin dalawa, suddenly I want to take it all back at kalimutan na lang na nalaman ko ang mga yun. That I just want to believe that fucking lie we lived up, wag lang kaming masirang dalawa. I love her that fucking much.

Pinanood ko lang si lola na kunin ang dalawang kamay ko at ikulong sa palad niya. Hindi siya kamukha ni mama so I am assuming na si lolo ang kamukha niya but this will do. I have never been this glad that there's actually someone who wants me for who I am.

"Ang sabi mo sa'kin singer ka. Pasensya ka na hijo, hindi naman mahilig makinig ang lola sa mga music ngayon pero ganumpaman, pinagmamalaki kita. Sabi mo rin na matatapos na ang kontrata mo doon sa agency na humahawak sayo kaya ano na ang plano mo?" she asked

The Wicked Liar 3: The Lying OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon