Chapter 29: If Ever

44.4K 727 118
                                    

Huminto kami sa tapat ng malaking gate and I am assuming na bahay ang pupuntahan namin ni Minho though I am not still sure kung kanino dahil nung tinanong ko siya he just kept on telling me na secret lang daw muna.

"We're here" he said with all smiles

"Exactly, nasaan tayo?" tanong ko na medyo may authority na. Kasi may hinala na rin naman ako pero gusto ko muna i confirm

Huminga siya ng malalim at inabot ang kamay ko "This is our house" sabi niya

Kahit naman inaasahan ko na yun still hindi ko pa rin napigilan ang pagkabigla. Ugh! Hindi man lang ako nakapag ayos ng husto!

"I know you're worried about what you're wearing but let me tell you, you're already perfect. Hindi mo naman na kailangan ng magarbong damit at makapal na make up para masabing maganda. You're perfect just the way you are"

Pakiramdam ko medyo namula ako sa sinabi niya. Mas nangingibabaw pa rin kasi sakin yung kaba. Kung sana kasi nagsabi siya sana nakapaghanda ako. Naka simpleng dress lang ako ngayon at flat shoes. I braided my hair too tapos naglagay lang ng powder sa mukha and lip gloss. Hindi naman ako worried sa kung anong sasabihin nila sakin. Nag aalala lang ako dahil baka si Minho ang mapagsabihan ng masama ng parents niya. Masyado kasi akong plain para sa kanya.

"Mabait ang parents ko. You dont have to worry" he reassured pero hindi ko pa rin talaga magawang maging panatag.

"Pwede bang bukas na lang?" suggestion ko at nagbabaka sakali akong papayag siya. Ayoko lang kasi talaga sumabak sa giyera na hindi ko pinaghandaan

"We're already here. Ine expect na rin nila tayo"

"Huh?"

"Yes, habang nagbibihis ka kanina natawagan ko na yung kapatid ko na pupunta tayo sa bahay ngayon. My parents are also there for sure"

Natutop ko ang noo ko when I realize how hopeless our situation is. Nagplano siya na hindi man lang ako ininform! I love surprises kaso wag naman sana yung ganito! "Ikaw naman kasi eh! Bakit naman ba hindi mo sinabi sakin na dito tayo pupunta? Sana nakapag ayos man lang ako"

Ngumiti siya ng matamlay "Hindi ka nakikinig sa sinabi ko kanina. I said you're already perfect"

Huminga ako ng malalim at kahit paano binawasan na ang pagkainis ko sa kanya "Yet.. Hays, or I should atleast have something to give them like flowers or what" I said at totoo yun. Sana bago man lang kami pumunta dito, bumili muna ako ng something na pwede ibigay sa kanila like cake.

Ngumiti siya ng nakakaloko "Yung pananalita mo ngayon para bang girlfriend na kita. Sinasagot mo na ba ako?" nang aasar na sabi niya

"Nyenyenye" I rolled my eyes and childishly stuck out my toungue

"Yun naman pala eh. Wala kang dapat ipag alala. Pagpasok natin ipapakilala kita as yung babaeng nililigawan ko. Yun lang then we'll do our business. Hindi mo naman sila kakausapin all the time unless they'll ask questions"

"Hays, hindi ko talaga alam.." I frustratedly said at umiling na lang. Maya maya narinig ko siyang tinatawa so I looked at him na nagtataka

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko at kinailangan ko pa nga siyang hampasin sa braso para tumigil dahil mas lalong nakakainis

"Naalala ko sabi ni Derick dati nung magkakasama pa kami na may pagka maarte ka raw. Nung una hindi ko ako naniniwala dahil hindi ko naman nakikita pero ngayon na realize kong totoo ang sinabi niya" he said pagtapos ay umiling

"Heh! Hindi naman to pag iinarte! Sadyang nag aalala lang ako. What if they dont like me?"

"E di hindi. Though alam kong hindi mangyayari yan, but just in case wala naman akong pakialam" biglang seryoso niyang sabi

The Wicked Liar 3: The Lying OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon