CHAPTER THIRTY FIVE

1.9K 40 20
                                    

HINDI MAKAPANIWALANG naka-tingin ako sa kanya. Nakaupo kaming dalawa dito sa carpet at nakasandal sa sofa habang nanunuod pelikula. Pero bigla niya nalang sinabi sa akin ang dahilan ng biglang pagkawala ni Trevor at bakit sobrang gulo ng bahay pati narin ng mansion.

"Paano ka naman nakakasigurado na yung mga taong yun ang kumuha sa kanya?" Tanong ko.

"I'm a mage Yarah, I saw traces in their and I felt a spell was used in there. I don't know why, did they took him and what are they looking but I know you're not safe." He said to me.

"Mage?" Tumango naman siya.

"Yes. Our world is called Magus." He snapped his hands and the whole place became dark and he press something under the table then a hologram came out. "This is our world, Magus, for us it's just a normal world but I know for you it's magical. Maybe that's the reason why it was called Magus." He said.

Marami siyang sinasabi pero ang mga mata ko ay naka-focus lang sa hologram na nasa harapan ko. Hindi ko alam pero, iba ang nararamdaman ko habang nakatitig ako sa hologram. Parang may kung ano sa loob ko o baka hindi lang ako makapaniwalang may ganito pala talaga.

Parang video ito ng mundo nila at talagang sobrang ganda nito. May mga bagay na nakalutang at may mga islang nasa himpapawid. Nahahati ito sa limang grupo, may mga nakikita akong mga hayop ma lumilipad. Kaya naman sobrang namamangha talaga ako.

"This is the Earth Kingdom and the Water Kingdom." Turo niya sa nasa kaliwang bahagi ng hologram. Magkatabi lamang ang mga ito. Ang Earth Kingdom ay may kulay berde na kastilyo na sobrang laki at ito ay nasa gitna ng kagubatan. Masasabi mo talagang earth people ang mga narito basi narin sa dami ng halamang nakapaligid sa kanilang kastilyo at ang mga may simbolo rin sa pintuan nito na parang espada na may nakapulopot na baging.

Samantalang, ang Water Kingdom naman ay parang katulad lang ng Earth Kingdom. Akala ko base sa pangalan nitong Earth kingdom ay tubig ito pero kastilyo parin ito, ang kaibahan lamang nila ay maraming tubig ang naka-paligid dito at may malaking ilog rin sa harapan ng kaharian. Ang sagisag naman nito ay parang falls at kulay asil yun.

Sunod naman akong napatingin sa isang bahagi ng ituro niya iyon. "Ito ang Ice Kingdom." Ito talagang mahahalatang ice kingdom kasi ang kastilyo ay kulay puti at napapalibutan ang buong kaharian ng yelo at marami ring mga parte ng kastilyo ang may tubig. May sagisag rin sa pintuan nito na parang isang kalasag at kulay puti iyon. May ilog rin rito na naka-konekta sa Water Kingdom.

"Ito naman ang kaharian namin." Sabi ni Keith kaya napa-lingon ako sa kaniya bago tiningnan ang tinuro niya.

May halong asul at pula ang kaharian napapalibutan rin ito ng mga apoy pero kunti lang naman. Medyo mas malaki ito sa tatlong kaharian pero ang kakaiba rito ay ang kakaiba ang pagkakaporma ng kastilyo. May sagisag rin ito sa pinto na parang pana at may apoy sa palibto nito.

"Ang huli naman ay ang Magia." Napa-kunot ang nuo ko ng wala naman akong makita ang nakikita ko lang sa harapan ko ay isang makapal na ambon. Kaya tiningnan ko siya.

"Apat lang naman toh. Nasaan ang ikalima?" Sabi ko sa kaniya, tumango naman siya.

"Hindi mo yun makikita dito kasi may nakapalibot ritong isang barrier na dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi parin nagigising ang mga tao dun. Ang Magia ang pinaka-centro ng mundong toh, ito rin ang nagpapatibay sa proteksyon ng mga kaharian pero, unti unti na iyong humihina dahil hindi pa nakakabalik ang tagapagmana."

"Tagapagmana?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya at tumingin hologram.

"Ilang taon na ang nakalipas ng mawala ang anak ng Hari at Reyna. Nang panahong manganak ang reyna ay sinalakay ng mga Black Magician ang kastilyo at sa tulong ng kanilang diyos ay napasok nila ang loob nito. Dahil narin sa pagtataksil sa kapatid ng hari, he was jealous when the girl he love likes his brother. They stole the princess and until now we can't find her. The Gods won't even tell us." Sabi niya.

Moon Princess (Legendary Fighter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon