CHAPTER FORTY TWO

572 15 2
                                    

NAPALINGON AKO kay Erica ng pumasok ito sa kwarto. Simula ng magising ako kahapon hindi nila ako pinayagang lumabas at magpa-hinga raw muna. Napansin ko rin na isang linggo pa lamang ang dumaan simula ng makatulog ako pero duon sa lugar na iyon ay tatlong buwan na. Magka-iba pala ang takbo ng oras sa mundong to at dun.

"Here's your breakfast ate." Sabi nito tapos ay inilagay iyon sa kama.

"You don't have to do this. Hindi na nga ako lumalabas kayo pa ang nagdadala ng pag-kain ko." I said to her. Nahihiya rin naman ako kahit papano. Hindi ko pa naman to bahay at wala na ring magluluto ng agahan ko-I sighed at that thought.

"It's nothing ate." She said.

Napansin kong kunti lamang ang nararamdaman kong tao sa bahay na to. "Umalis na ba sila?" I ask her, tumango naman siya.

"Oo, mabuti nalang talaga ate at ikaw na mismo ang nagsabi kay kuya. Hindi kasi nakikinig sakin yun." Sabi nito.

Napangiti naman ako sa pagmamaktul nito. Sinabi niya kasi sa akin na ilang beses niya na raw sinubukang pilitin ang kuya niya na bumalik muna sa mundo nila kahit saglit pero ayaw raw nitong makinig. Kaya naman ako na ang kumausap dito. Ayaw pa nga sana nitong pumayag, pero mabuti na lang at napilit ko ito.

"Bakit nga pala hindi ka sumama sa kanila?" Tanong ko sa kaniya.

"Kasi, mas lalong hindi si kuya aalis kapag wala kang kasama ate." Napatawa naman ako sa laki ng ngiti nito. "At saka, babalik rin naman kami dun. Kaya dito muna ako." Sabi niya tapos tumabi sa akin at yumakap.

"Kailan ang balik niyo dun?" Tanong ko sa kaniya. Sinusuklay ko ang buhok niya dahil nakahiga siya habang naka-upo ako.

"The day after tomorrow po." Sabi nito.

Nagpatuloy na lang kami sa pag-uusap hanggang sa makatulog si Erica. Hinayaan ko na lamang siyang nakayakap sakin kasi mapapansin sa mga mata niya na wala siyang tulog. Hindi ko alam pero umalis ito kagabi kasama ang iba pa. Si Keith lamang ang naiwan, saka si Lester na hanggang ngayon wala pa ring malay.

Matapos akong kumain ay inayos ko ang pagkakahiga ni Erica sa kama bago lumabas. Wala akong magawa kaya napag-desisyunan ko na lang na maglibot sa mansiyon. May iilang katulong akong nakikitang naglilinis. Sabi ni Erica wala naman daw talagang tao rito maliban na lamang sa linggo kasi may pumupunta rito para maglinis, tulad ngayon.

Nang makarating ako sa dulo ng pasilyo na dinaanan ko ay napadpad ako sa oarang isa garden nila na may fountain sa gitna. Malawak ito, sinuri ko ang buong lugar bago naglakad papunta sa fountain. Pagtapak pa lamang ng paa ko sa garden agad ko ng naramdaman ang isang kapangyarihan na nakapalibot dito.

Simula kasi ng magising ako agad kong tiningnan ang kamay na kung saan ko hawak ang ibinigay ni Beckett sakin. Kaya ng makita kong hawak ko nga ito, alam ko ng hindi yun panaginip. Sa tingin ko ay hindi makakakapit dito ang normal na tao. Kaya imbes, na tumigil ay mas lumapit pa siya. Pinagmasdan niya ang pagkinang ng tubig. Siguro dahil sa ibinigay na kapangyarihan ni Selene ay nakikita niya na ang mga ganitong bagay.

Agad siyang bumalik sa dinaanan niya ng marinig ang mga yabag na paparating. Dumiretso siya sa isang paliko bago sinalubong kung saan niya naririnig ang mga yabag. Nang makalabas sa mahabang pasilyo sa dining area na siya nakalabas. Dahil alam niya na kung sino ang mga ito agad niya itong sinalubong ng deritso.

"How was it?" Tanong niya kay Keith ng makita ito sa kusina na naka-palumbaba at nilalaro lang ang apple gamit ang kutsilyo.

Nang marinig siya nito ay agad itong tumayo sa pagkakaupo at yumakap sa kaniya. Niyakap niya naman ito pabalik, minsan niya lang itong makitang umakto ng ganito kaya alam niyang may problema ito. Hinaplos niya ang buhok nito habang nakayakap parin ito sa kaniya. Ilang minuto pa silang nakatayo sa gitna ng dining area bago siya nito binitawan.

Moon Princess (Legendary Fighter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon