Prologue

1K 23 0
                                    

"Goodbye, Ma'am Bridget!"


Napangiti ako nang makita ang mga bata na nagliligpit ng kani-kanilang mga gamit. Some of them are talking to their seatmate while arranging their things. Ang iba sa kanila ay nagtatawanan at nag-uunahan na makapunta sa pinto. Marahan kong nilapag ang gitara ko at pinagmasdan ang mga bata sa kani-kanilang ginagawa. I wish I could have kids. Napangiti ako nang maliit nang maalala na sana ay may anak na ako ngayon kung hindi lang sana... kami naghiwalay. I choose to stay away from him to choose my peace. 


"Okay ka lang?" tanong ni Harmony. 


Ngumiti ako at pinagmasdan ang mga bata. "Ayos lang. Nakakatuwa na makita ang mga bata ngayon. Marami sila ngunit nakikita kong mabait na sila hindi katulad dati, nas-stress ako kakadaldal."


Tumawa s'ya. "Alam mo, sanayan na lang talaga 'yon. Pinili mo maging kindergarten teacher kaya panindigan mo 'yon."


Natawa ako at napailing na lang. Agad kong inayos ang mga gamit ko pagkatapos ko silang ihatid isa-isa sa labas. Tinignan ko ang classroom at mabilis na naglalakad papunta sa faculty ng mga teacher. 


"Good evening," bati ko. 


"Tapos na ang klase mo?" tanong ng co-teacher ko sa Filipino. 


"Tapos na kanina pa. Sila ang huli kong klase sa araw na 'to. 5 pm na natapos ang klase ko—kakatapos lang actually," nakangiting sagot ko. 


I set my belongings on the table along with the test materials, folders, and notebooks. Because I am more at ease with that subject, I chose the Filipino course. I was cautioned by several teachers not to try to teach college students, but it would be great if college was less stressful. I noticed that I had a schedule to follow when I looked at my cell phone.


"Malapit na pala ang foundation day ng mga bata. Nakahanda na ba ang mga plano niyo para sa mga booths?" tanong ni Ma'am Lily. 


"Kami ni Bridget ay gumawa na ng plano. Kasama ba dito ang mga high school?" tanong ni Harmony. 


"Indeed, that's all I know. According to Ma'am Che's statement that high school is also included, the college, she added, cannot be included due to other obligations," sabi naman ni Sir Max. 


I ignored them and checked my students' assignments right away. As I saw their responses to the question, "What do you want to do when you grow up?" Some of them specified that they wanted to be teachers like me, which made me grin. Several of them were soldiers and police officers, and I laughed when a pupil responded. He indicated that all he wanted was to meet them in the future and play with his small toys.


I shook my head. 


"Ano oras ka uuwi, Bridget?" tanong ni Sir Max. "Gusto mo ba sumabay sa akin? Nandyan lang ang kotse ko."


Ngumiti ako at umiling. "Mag-c-commute lang ako, sir. May pupuntahan pa ako."


Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon