Chapter 2

341 15 0
                                    

Bridget's Point of View:


Kinuha ko ang mop at agad na nilinisan ang sahig sa coffee shop. Gabi na ngunit may pasok pa ako bukas pero dahil kailangan ko ng pera ay kailangan kong mag trabaho. Sabi ni Tito Rome kailangan daw magbayad ng tubig at ilaw sa bahay. Enrolled na rin ako under scholarship ng mga Buenaventura at nagpapasalamat ako doon dahil hindi ko na kailangan pang gumastos ng malaki. 


"Bridget, ihatid mo naman 'tong order sa table 8," ani ni August.

 

"Okay," nakangiting sabi ko. Kaagad kong nilagay ang mop at walis sa lalagyan para ilagay sa cleaning room. 


Maraming tao ngayon dahil Monday. Some of our customers are students and some of them are businessmen. Ang coffee shop na ito ay pagmamay-ari ng isang Buenaventura kaya din dito ako nag-trabaho ay malaki ang sahod. Eight thousand per worker ang binibigay sa amin, sapat na para sa pangangailangan ko. Ito rin ang unang pagkakataon na nag-trabaho ako sa isang malaking coffee shop dito sa bansa. 


"Table number 8," sabi ko sa counter. 


"Espresso and coconut bread," sabi ni Ethan. "Ingatan mo."


Tumango ako at agad na kinuha ang tray na naglalaman ng coffee. May sariling lalagyan ang mga coffee dito once na nag-order ka. May dalawang uri ng lalagyan ang coffee shop isa doon ay ang glass straw cup coffee with lid para sa mga customer na gusto na may takip. Pangalawa naman ay ang transparent coffee cup.


"Sir, this is your order," sabi ko sa isang costumer na katapat ng aircon. May kasama s'yong batang babae na kumakain ng cake marahil galing sa bake shop sa tapat.


"Where is the ice coffee I ordered earlier?" pormal na tanong niya.


"Huh? 'yon lang po ang nakalagay sa papel na binigay sa akin," sagot ko.


Nagtaas s'ya ng kilay at nag-angat ng tingin. Natigilan ako nang makita ang mukha niya. He has marble gray hooded eyes, pointed nose, orange ginger hair, and bow arrowed lips. His eyes are cold and intimidating na parang ilang segundo lang ay mawawala ka na sa harapan niya. He has a silver necklace on his neck and a curved watch. Tinignan ko ang damit niya at halatang kakauwi niya lang galing sa school—schoolmate kami based on his uniform. 


"Excuse me?" Nakataas ang kilay niya. "Call your manager."


"H-Huh? Okay po... please wait," natataranta na sabi ko. 


Kaagad akong pumunta sa manager namin at agad kong sinabi sa kanya ang problema. Unang pagkakataon na maka-encounter na ganung tao. Anak mayaman ba s'ya? Naglakad kaming dalawa ng manager ko papunta sa table 8 at ganun na lang ang gulat ko nang kurutin niya ang braso ko nang palihim. 


"My apologies Mr. Sandoval," natataranta na sabi ni Ate Abby. Pinanlakihan niya ako ng mga mata kaya napakunot ang noo ko sa kanya. "Please, if you can wait for a minute, we will process your order. We're sorry for what happened."


"It's okay. We're going home. Hihintayin na lang namin ang order," pormal pa rin na boses ni Mr. Sandoval.

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon