Chapter 6

242 10 0
                                    

Bridget's Point of View:

Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi para maghanda dahil papasok na ako sa trabaho. Ang natira kong two hundred pesos ay para na lang sa panggastos para sa sarili ko. Bumuntong hininga ako at agad na naglalakad papunta sa bahay namin. Paakyat na ako ng hagdan nang marinig ang mga boses na nag-uusap. Kumunot ang noo ko at huminto para pakinggan ang mga sinasabi nila. 

“Nasa teritoryo ko ang batang ‘yon. Nang mawala s’ya ay ako ang nag-alaga dahil nakita ko kung saan s’ya tinapon.”

Sinong tinapon?

“Alam niya ba ang tungkol sa pagkatao niya? Balang araw ay kailangan niyang malaman. Isa s’yang anak ng isang assassin.”

Tito Rome chuckled. “Balang araw. Kapag buo na ulit ang organisasyon ay kailangan ko lang ng konting oras. I will train her if that’s what we need.”

Umakyat ako at tatlo silang natigilan ng makita ako. Nagtataka ko silang tinignan ngunit bumati na lang ako. The man with blonde hair looked at me from head to toe while the other man looked at me in amazement. 

“S’'ya si Bridget, pinsan ko,” sabi ni Tito Rome. “S’ya ang sinasabi ko sa inyo na nag-aaral at kasama sa scholarship.”

“Magandang gabi po,” mahinahon na sabi ko. 

“Ilang taon na s'ya?” tanong ng blonde ang buhok. 

“She's twenty-one years old. Ilang beses na s’yang nag-stop sa pag-aaral at ngayon na may pagkakataon, pinag-aral namin," mahinahon na sabi ni Tito Rome. Tinapik niya ang balikat ko. “Sige na, pumasok ka na sa loob.”

Tumango ako at tinignan ang dalawang lalaki na hanggang ngayon ay nakatingin sa akin. Iba’t ibang tattoo ang nakita ko. Mabilis akong pumasok sa loob at nakita si Auntie Alma na kumakain kasama ang mga anak niya. Nagmano ako at agad s’yang tumango at bumalik ulit sa pagkain niya. I waved, and he immediately nodded and went back to his food. I went upstairs and couldn’t get the two men out of my mind. I grew up with Tito Rome because, as he said, he saw me in an orphanage, and because he felt pity for me, he took me in and raised me properly.

[Bilisan mo na. Jusko! Hindi na namin kaya ang mga tao dito. Sobrang dami.] Natataranta na sabi ni Ate Abby. 

“Papunta na po ako, Ate Abby. Kakatapos lang po ng klase ko,” kalmadong sabi ko. 

[Sige, hihintayin kita dito.]

Mabilis akong nagbihis ng itim na polo t-shirt at isang slacks. Mabilis kong kinuha ang maliit kong bag at nagmamadali na lumabas ng kwarto. Bumaba agad ako at naabutan na nag-iinuman sila Tito Rome at ang mga lalaki kanina. Ngumiti ako at agad na nagpaalam sa kanya. 

“Mag-ingat ka. Umuwi agad,” nakangiting sabi ni Tito Rome. 

I smiled and nodded my head. “Opo. Mauna na po ako.”

Mabilis akong bumaba at agad na naglakad papunta sa labas ng malaking gate. Pumara agad ako ng tricycle at agad na sumakay papunta sa coffee shop. Fifteen na bukas at sa wakas, may sahod na rin ako para mabili ang mga kailangan ko. Nang makarating ay agad akong pumasok at nagulat sa dami ng tao dito. Mabilis akong nag-suot ng hairnet at agad na tumulong. 

“Pupunta raw dito si Ma’am Athena para tignan ang kalagayan ng coffee shop,” sabi ni August.

“Talaga? Gusto ko s'yang makita!” masayang sabi ko habang naglilinis ng lamesa.

“Kaya nga e, kada buwan lang nagpapakita si Ma’am Athena dito. Madalas ay si Killian talaga ang pumupunta dito,” sabi ni August. 

Ilang minuto lang ang dumaan ay agad na naming nakita ang isang motor. Natigilan ako at napatingin sa pinto nang may isang babaeng maganda ang pumasok. She's wearing skinny jeans, white halter neck top, and combat boots. She walked gracefully and full of authority. 

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon