Chapter 12

72 1 0
                                    

Bridget’s Point of View:

Nagsimula kami sa training na sinasabi ni tito. Hindi ko alam bakit kailangan kong mag-training. Para saan? Hindi ko talaga maintindihan. Ang sabi niya lang sa akin ay para sa kaligtasan ko. Hinahati ko ang oras ko sa pagiging first year collage ko at ang training.

“Ayan, marunong ka na,” sabi ni tito. 

“Para saan ba talaga ’to tito? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit natin 'to ginagawa,” sabi ko. 

Bumuntong hininga si tito. “Bakit ang dami mong tanong? Sinabi ko na… para sa kaligtasan mo ang ginagawa ko. Alam mo kung gaano kadelikado ang mga tao ngayon dito sa atin.”

Hindi ko na lang pinansin. Mabilis namin tinapos ang training. Bumuntong hininga ako dahil dalawang araw kong ginawa ang training na sinasabi ni tito. Ni kailangan ko pang mag-paalam sa mga boss ko na kailangan ko mag-leave ng dalawang araw para sa hindi malaman na dahilan.

“Sa susunod ulit na Sabado at Linggo. Kutsilyo naman ang ituturo ko sa 'yo,” mahinahon na sabi ni tito. 

“Tito? Dati ka bang sindikato?” tanong ko. 

Natawa si tito at ekspertong pinaglalaruan ang baril. “Ano bang sinasabi mo? Porque tinuturuan kita e, sindikato na?”

“Nagtatanong lang ako. Biglaan kasi ang training na ‘to,” sabi ko.

“Basta… may dapat lang tayong paghandaan na mga tao. Hindi natin masasabi ang panahon ngayon,” sagot ni tito. 

Tumango na lang ako at agad na pumasok ng bahay. Oras na ng trabaho ko dahil hindi ako pinayagan na mag-day-off kapag Linggo sa araw na ‘to. Nagbihis ako at mabilis na inasikaso ang mga gamit ko. Bukas ay may pasok na naman. Napatingin ako sa wallet ko nang makita na ilang libo na lang ang natitira sa akin.

“Pambayad pa ng project at ilaw,” mahinahon na bulong ko. 

Kaysa isipin ang mga bayarin sa bahay ay mabilis akong lumabas ng kwarto. Agad akong bumaba at hindi na lang pinansin sila lola na naglalaro na naman ng baraha. Lumabas ako agad at mabilis na pumara ng tricycle at naisip ang ilan sa mga interaksyon namin ni Killian. Hindi naman sila masama para sa akin. Kaya anong sinasabi ng mga tao sa school?

“Nandito na tayo, Bridget,” sabi ng driver. 

Napa kurap si Bridget. “Uh… salamat po. Hindi ko napansin. Ito po ang bayad ko.”

Tumango ang driver. Bumaba ako at agad na pumasok sa loob. Agad kong nakita si Killian na nakaupo sa palagi niyang table habang hawak ang menu. Kumunot ang noo ko. Ang aga naman niya ata? Napailing na lang ako at ngumiti. 

“Mabuti at nandito ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Killian,” sabi ni Abby. 

“Huh? Bakit naman?” tanong ko. 

Nagkibit balikat si Ate Abby. “Hindi ko rin alam. Siguro dahil ikaw lang nakakagawa ng paborito niyang coffee.”

Tumango ako at tiningnan si Killian na may kausap sa cellphone. Ngumuso ako at agad na tumango kay Ate Abby. Sinimulan kong gawin ang kape na gustong-gusto ni Killian at naglagay pa ako ng quote. Nang matapos ay agad akong lumabas dala ang tray at cup para sa kanya. 

“Sir, here’s your order,” sabi ko. 

“My favorite?” Nag-angat ng tingin si Killian. 

Ngumiti ako. “Oo. Sabi ni Ate Abby e, kanina ka pa raw dito.”

Halatang natigilan si Killian at agad na tumikhim. “Yeah… uh, kanina pa nga ako dito kasi inutusan ako ni mommy.”

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon