Chapter 7

208 7 0
                                    

Killian’s Point of View:

“We got a call from an important person, sīcārius. May bago kang pupuntahan sa isang lumang theater na kung saan, kukunin mo ang asawa ng isang mayor.”

“Copy.”

I quickly left the chair and got dressed. I wear dark denim, a black turtleneck, and a black leather jacket. I took my black bonnet, and I also got my coping blade and spear point knives. I slowly left the room and immediately went down the stairs. I quickly got out and immediately went to my motorcycle. Pumunta kaagad ako sa lumang theater kung saan nandoon nakatago ang asawa ng isang mayor.

“Sigurado ka bang pupunta dito ang lalaking ’yon?”

“Sigurado ako. Asawa niya ang hawak natin at kapag hindi s’ya pumunta dito ay alam niya ang mangyayari sa asawa niya.”

Tinignan ko ang lugar medyo madilim at ginawang tambayan ng mga sindikato ang lugar na ‘to. Nakita ko ang maraming lalaki sa gilid, nag-iinuman. On the other side was the table full of guns and whatever sharp things they could use later. I whistled and grinned.

“Sino ‘yon? Tingnan niyo! Baka ‘yan na ang mga tauhan ng mayor!” sigaw ng isang lalaking may pulang panyo sa ulo. 

They marched one by one with their weapons. I waited in the dark and saw one nearby, which I immediately pulled and elbowed his neck. I grabbed the man and stabbed his shoulder and pulled the other man’s other hair. I kicked a man coming to my side and threw the man I was holding at him. Lumabas ako at lahat sila ay nakatutok ang mga baril sa akin kaya mas lalo akong ngumisi sa likod ng maskara na suot ko. 

“¿Cómo estás? ¿Estás listo para un espectáculo?” I smiled at them. 

Translation: “How are you? Are you ready for a show?”

“Putang ina ano? Minumura mo ba kami?” sigaw ng isa. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at kumunot ang noo. Halatang badtrip. “Tang ina malilintikan tayo kay boss neto! Hulihin niyo na ‘yang kung sino man 'yan. Bilis!”

I laughed and immediately waited for them to approach me. I prepared my fist and unleashed a powerful blow on each one. I immediately wore my brass knuckles and punched them on their faces and noses. Walang kahirap-hirap kong napatumba ang ilan sa kanila. Tinignan ko s’ya at dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya at sinisigurado ko na nararamdaman niya ang bawat bigat sa bawat hakbang ko. 

“D-dyan ka lang!” nanginig ang boses niya. “Papatayin ko ang babaeng ‘to!”

He dragged a woman with her hands and mouth tied. I raised an eyebrow and sighed tiredly. I’ve seen this in the movie. He will hold the woman in front of him as a threat. Ang baril ay nakatutok sa ulo ng babae. I sighed and put my arms across above my chest.

“Ma’am?” Kumaway ako ng kaunti at lumakad. Tinignan niya ako. “Close your eyes, please.”

She closed her eyes and nodded her head. I smiled even more and I got my knife in my pocket. Tinutok ko sa kanya ‘yon at sa isang iglap, bago niya iputok ang baril ay tumama na sa noo niya ang matulis na hawak ko. 

“You’re safe now, madam.”

Nakauwi s’ya nang maayos sa asawa niya. Binayaran ako ng mayor ng higit tatlong million para sa serbisyo ko. I put it at my bank account para sa building na ipinatayo namin sa iba’t ibang lugar. I came home very tired, and thankfully the house was quiet. I walked into my room and immediately went to my bathroom to take a bath. Then I immediately dressed in boxers and lay down on the bed to sleep because I still have school tomorrow. 

“Killian, wake up,” mahinang boses ang narinig ko.

“Mommy… maaga pa po!” iritadong sabi ko at tinakpan ng unan ang tainga ko. 

“If you wouldn’t wake up in five minutes, I’m going to train you so hard—”

Mabilis akong bumangon at narinig ko ang malakas na tawa ni mommy. Kamot ko ang ulo ko at agad na naglakad papunta sa banyo. Rinig na rinig ko pa din ang tawa ni mommy sa labas. Every now and then, she always trains us dahil pakiramdam niya may hindi pa kami natutunan. We trained at Spain pero iba pa rin ang training namin kay mommy. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng school uniform at mabilis na kinuha ang gamit ko. 

“Kuya, we’re getting late. Bilisan mo na!” sigaw ni Scarlet sa labas ng pinto. 

“Okay,” sabi ko. Lumabas ako ng kwarto dala ang mga gamit ko at sabay kaming naglakad pababa ng hagdanan. “Sasali ka pa rin sa band?”

“As a main vocalist? Hindi na,” sabi niya. “Nasa dance club ako dahil 'yun ang hilig ko. Ikaw?”

“I’ll stay with my band,” I simply said. 

Sabay kaming kumain for breakfast without daddy. Nang matapos ay agad kaming lumabas pagkatapos magpaalam kay mommy na day-off. Sumakay ako sa kotse ko at agad na pinaandar papunta sa school. I wonder if Bridget will obey me. Natawa ako at napailing sa naisip ko.

“Killian, bro!” si Clinton sa malakas na boses at agad na naglakad papunta sa akin. “Kumusta na pala si Kuya Ryan?”

“Nasa hospital. Pinagalitan ni mommy kaya ayon, doon s’ya titira kay lola,” sabi ko. “Hindi s’ya nakikinig akala niya ata sasantuhin s’ya sa fraternity.”

“Hindi pwede sa fraternity ang mahina. Mapapahamak ang kapatid mo,” sabi ni Zev.

Napailing ako. “Mommy will talk to him. Hayaan na natin.”

Pumasok kami sa school at naabutan na may komisyon sa gitna. Kumunot ang noo ko at agad na nakita ang pamilyar na buhok. I saw Bridget talking to some group of girls kaya naman agad kaming pumunta sa gilid para manood. 

“Aaminin kong may kasalanan ako kung bakit natapon ang shake pero ang gawin akong utusan mo, hindi ko matatanggap,” sabi ni Bridget. Kalmado ang aura niya sa harap ng babae.

“Mahal ang uniform namin dito sa school. Nabasa rin ang necklace ko at ang bag ko, maging ang sapatos ko. Why don’t you obey me?”  sabi ng babae. “Isa pa narinig ko na scholar ng school na ‘to so, ibig-sabihin nangangailangan ka rin ng pera.” 

Bumuntong hininga si Bridget na akala mo pagod ng makipag usap. “Alam mo? Una sa lahat, mayaman ka at kayang-kaya mong bumili ng uniform. Pangalawa, walang problema sa scholar ng school na ‘to. Pangatlo, patahimikin mo na ako dahil marami pa akong ginagawa.”

Ngumisi ako at kalmadong pinag-krus ang magkabilang braso ko. I watched how she calmed herself in the middle of their conversation. The other girl chuckled, halatang napahiya sa sinabi ni Bridget na nakasimangot. 

“Are you insulting me?” galit na tanong niya. “Bakit nagagalit ka? Kasalanan mo kung bakit—”

She shook her head. “No. I’m describing you. Leave me alone.”

Napasinghap ako at namangha sa ganda ng pagkakabitaw ng salita. Natawa rin ang mga pinsan at kaibigan ko kay Bridget na kinuha ang bag niya sa sahig. I watched her walk away with her hair bouncing while walking. Napailing ako at kinagat ang labi habang nakatingin sa kanya na kalmadong naglalakad na para bang pagmamay-ari niya ang daan. Na walang pwedeng umaway sa kanya dahil kayang-kaya niya. 

“Look who's smiling…” Jamillah whispered to me. Napawi ang ngisi ko at kumunot ang noo.

“What are you talking about?” tanong ko. 

“I know your type when it comes to girls, Killian. Gusto mo ‘yung mature, mas matanda sa ‘yo, at higit sa lahat, palaban na babae,” nakangiting sabi niya. Ang mga mata niya at tila nang-aasar kaya umirap ako. “Mukhang nahanap mo na ang babaeng ‘yon. Not bad, she can tame you.”

“Shut up, Jamillah!” inis kong sagot. "Hindi ko s'ya magugustuhan.”

“Huh? Wala naman akong sinabi. Huy, nag-a-assume—”

I walked away and erased the thought of liking her.

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon