Chapter 4

256 9 0
                                    

Bridget's Point of View:


Sa unang araw ko dito sa university ay hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa buong school. Malaki ito kumpara sa school na napuntahan ko noon at marami ring facilities. Hindi ko akalain na sa unang araw ko dito ay makakakilala ako ng mga taong bully. Hindi naman nawala ang bully sa school kaya naman hindi na bago sa akin, kaya kong lumaban. Tinignan ko ang canteen dahil malaki ito at halatang mamahalin ang mga pagkain. 


"Hi." Napatingin ako sa isang babae na nasa harapan ko. "Uh... wala bang nakaupo dito? Pwede maki-share?"


"Oo naman!" I chuckled but deep inside, masaya akong may kasama ako sa malaking lamesa na ito. 


"Okay, thank you!" Umupo s'ya sa harap ko at nilapag ang bag niya. Pinanood ko s'yang gawin 'yun at napangiti ako. "What's your name?"


I smiled. "Bridget. Ikaw?"


She smiled. "Harmony."


Napangiti ako at tumango. Sabay kaming um-order ng pagkain at napasinghap ako ng bayaran niya ang pagkain ko using her credit card. Ngumiti lang s'ya sa akin at dahil maraming tao ay hindi ko s'ya nakausap.


"Huy, nakakahiya naman. May pera naman ako dito, hindi mo kailangan bayaran ang pagkain ko," nahihiya kong sabi. 


"No, it's okay with me. Kagaya mo, bago lang rin ako dito at wala pa akong masyadong kilala. I want to be friends with you... I feel like we can get along," nakangiting sabi niya. "Go, enjoy the food." Tinuro niya ang pagkain at ngumiti.


"T-Thank you..." mahinang sabi ko. 


Habang kumakain ay napatingin ako sa hindi kalayuan na lamesa. Nakita ko ang pamilyar na mukha at napalunok ako nang makita ang customer doon sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. Marami s'yang kasama ngunit napansin ko si Scarlet na tahimik na nakaupo.


"They're the richest family here in our school," sabi ni Harmony. Napansin niya siguro ang tinitignan ko. "Scarlet and Killian are the richest people here in our town because of her huge family. No one dared to come closer with them, nasanay sila na masungit at masama ang ugali ng magkapatid. I doubt that."


"Ngayon ko lang sila nakilala," sabi ko. 


"Madalas talaga ay nasa rooftop sila dahil may ginawa silang dorm doon na tanging sila lang ang pwede. Given the fact na mayaman ang pamilya nila... they still remain humble pero hindi kasi maiwasan na laging napupuna ang dalawa dahil akala nila masama ang ugali," sabi ni Harmony. 


Tumango ako at tinignan sila na masayang kumakain. Pagkatapos naming kumain ay agad rin kaming bumalik sa room at nakalimutan kong kaklase ko si Scarlet sa isang major subject. Nakinig ako sa teacher at dahil unang araw pa lang, walang masyadong lesson at puro paalala lang tungkol sa requirements. 


"Our subject in this class is Earth and Life Sciences. It's a major subject, which is why I need you to read books about this subject because I might give a surprise quiz," sabi ng aming prof. 

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon