Chapter 10

237 3 0
                                    

Bridget’s Point of View:

“Nice! College na rin tayo sa wakas!” Sigaw ni Harmony.

Months had passed first year college na rin ako. Pangarap ko lang ito noon dahil medyo kapos kami sa pera ng Tito Rome at wala rin kaming tirahan noon. Ilang beses akong bumalik sa school dahil paulit-ulit ang problema namin sa pera hanggang sa nakakita ako ng trabaho dito sa Maynila at ‘yon ang coffee shop. 

“Our first subject is all about Early Childhood Education and Care. This subject focuses on the principles and practices of providing quality care and education for young children.”

Sa unang pagpasok sa college ay desidido na talaga ako sa course na kinuha ko. I decided to enroll in BECEd or Bachelor of Early Childhood Education. Gusto kong maging teacher dahil gustong-gusto ko ang mga bata. Na kahit mahirap, gagawin ko para sa pangarap ko. 

“It aims at the holistic development of a child's social, emotional, cognitive and physical needs in order to build a solid and broad foundation for lifelong learning and wellbeing.”

Naalala ko pa rin ang kuryosong tingin ni Mrs. Sandoval sa akin. Nagtataka ako bakit ganun ang tingin niya sa akin? Kilala niya ba ako? Ngumuso ako at nakinig na lang sa prof namin. Nagsulat ako ng mga subjects at requirements na kailangan dalhin at pag-aralan. 

“As a teacher, this is stressful yet, worth it sa huli. Gusto kong maging matatag kayong lahat, okay? Simula pa lang ’to ng pag-aaral niyo. Wala pa sa kalahati. Wala pa sa gitna.” Ngumiti ang prof nila. 

“Yes, Sir Arnel.” Sabay-sabay na sabi nilang lahat.

Tumango si Arnel. “Okay, class dismissed.”

Tumayo kaming dalawa ni Harmony. I also met Nadia—the transferee. Naging magkaibigan kaming tatlo kaya naman masaya akong magkaroon ng mga bagong kaibigan na makakasama ko. Ang tanging close ko lang sa mga pinsan ko ay si Lydia. Lumabas kami ng classroom at naglakad habang nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa. 

“Pupunta nga raw dito ang mga Buenaventura. Malapit na rin ang school fest kaya nakapili na ba kayo ng sports?” tanong ni Nadia.

“Arnis ang napili ko. Ang cool kasing tingnan kaya gusto kong subukan,” nakangiting sabi ko. 

“Nasa tennis ako. Kasama ko si Scarlet,” sabi ni Harmony. 

Tumango si Nadia. “Cheerleader naman ako ng pambato namin sa basketball.” Huminto si Nadia kaya nagtaka kaming napatingin sa kanya. “Oh My God! Kilala niyo ba si Lucius?”

Tinignan ko ang tinitignan niya. Isang matangkad na moreno ang nakita namin sa hindi kalayuan. Gwapo, ka-level ni Killian na halos sambahin na rin ng mga babae dito. Tinignan ko s’ya at ang bracelet sa pulso niya. Parang nakita ko na ’yon?

“Nabalitaan kasi namin na may din-date s’yang model pero base sa investigation namin… parang si Scarlet naman ’yon! Look at his bracelet… ’di ba?” Kinikilig ang boses ni Nadia. 

“Oo nga ’no! Baka sila talaga? Lowkey?” Nakangising tinignan ni Lydia si Lucius na kasama ang mga kaibigan.

Napailing na lang ako sa pinag-uusapan nila at agad dumiretso sa canteen. Malaki ang canteen nila at naka-organized ang mahabang lamesa at upuan para sa mga estudyante. Amoy na amoy ang pagkain na niluluto at rinig na rinig mo ang mga nagkakalansingan na kutsara at tinidor sa canteen.  

“Oh, Bridget?” Natamaan ni Killian ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. 

“Ikaw pala,” sabi ko. Tinuro ko ang pila dahil s’ya naman ang nauna. “Ikaw na, mamimili pa ako ng pagkain.” 

Empire Series 2: The Empire's SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon