PROLOGUE

6.9K 110 10
                                    

Lake Tahoe, Nevada

IBINABA ni Mariel ang sun goggles sa mukha niya at itinaas ang ski pole upang kawayan ang kapatid na nasa last slope nito.

Gumanti ng kaway si Vincent at sinenyasan siyang bumalik na. Nakangiti niyang nilapitan ang kapatid na tila walang kapaguran. Mahusay itong skier kung ihahambing sa kanya na ang pinipili ay ang gentler slopes
o iyong madaling ruta.

"Tired so easily?" nakangiting bungad nito. Itinukod sa niyebe ang ski pole.

"Okey na ako, Vincent. Alam mo namang hindi
kita kayang tagalan," nakangiti ring wika niya sa kapatid. "Babalik na ako sa hotel."

"Let's go then," anitong nauna nang humakbang.

"You don't have to. Kaya ko namang umuwing
mag-isa..." Hindi niya gustong awatin ang kapatid sa pag-i-skiing pa nito.

"Pagod na rin ako. Isa pa'y may mahalagang bagay tayong pag-uusapan, my dear little sister," seryosong wika nito.

"Sounds important..." aniya na sinundan ng tanaw ang likod ni Vincent at sinikap na makaagapay dito.

"Sa hotel na natin pag-usapan."

Sa loob ng kotse ay walang kibuan ang
magkapatid. Si Mariel ay may agam-agam sa dibdib.

Tatlong araw na mula nang dumating siya dito sa Nevada. Alam niyang hindi siya papupuntahin dito ni Vincent kung hindi mahalaga ang dahilan.

Taun-taon ay entitled siya sa isang out-of-the-country vacation. Subalit sa taong ito ay pangalawang beses na niyang paglabas ng Pilipinas, at sa pagitan lamang ng pitong buwan.

"I'll give you thirty minutes to shower and dress. Hihintayin kita sa restaurant sa ibaba," wika ng lalaki nang nasa tapat na ng silid ni Mariel.

Isang tango ang naging tugon ng dalaga sa kapatid. Pagkatapos ay nagtuloy na si Vincent patungo sa sariling hotel room. Kinuha ni Mariel ang susi mula sa shoulder bag at binuksan ang pinto ng silid niya.

Nag-shower siya at nagbihis ng square pants and silk blouse. Matapos maglagay ng kaunting make-up ay bumaba na.

"You're ten minutes late," ani Vincent na hinila ang upuan sa tabi nito upang paupuin siya.  "Malapit na kitang sunduin," may himig ng iritasyon ang tinig nito.

"You're very impatient today, Vince. Bakit ba?"
malambing niyang sabi kasabay ng pag-upo. "Kung ang sasabihin mo lang sa akin ay mag-aasawa ka na, well, I'm telling you na matagal ko nang hinihintay iyon."

Hindi sumagot ang binata at sinenyasan ang
maitre'd. Ni hindi siya tinanong kung ano ang gusto niya. Ito na mismo ang nagbigay ng order nila. Pagkaalis ng waiter ay mataman niyang tinitigan ang kapatid.

"Now what?" Itinaas niya ang dalawang braso sa mesa, itinukod doon ang baba niya't nginitian ang kapatid. "Pilipina rin ba ang babaeng ito o foreigner?" patuloy niya sa panunukso.

"You're right. Tungkol sa pag-aasawa ang
sasabihin ko sa iyo. Pero hindi sa akin."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa tinuran nito.
"Kanino?" curious na tanong niya.

"I'll tell you later. Pero gusto kong ipaalam sa iyo na may problema ako... at kailangan ko ang tulong mo." Matiim na napatitig sa kapatid ang dalaga.

Hindi niya kailanman naringgang nagkaproblema si Vincent. Siya ang laging ganoon. She's twenty two at matanda si Vincent sa kanya ng labindalawang taon.

Noong maliit pa siya'y tagapagtanggol niya ito sa mga classmates niyang bully. Pag may suliranin siya'y ang kapatid ang lagi niyang takbuhan. At noong mamatay ang mga magulang nila'y si Vincent din ang lagi niyang karamay.

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu