THREE

3.7K 83 7
                                    

ISANG marahang katok ang nagpabalikwas kav
Mariel. Sumnod na narinig niya ang inabi ng katulong na nakahanda na ang hapunan sa loob ng kalahating oras.

Mabilis na pumasok ng banyo si Mariel upang
maligo. Nahinto siya sa may vanity mirror. Mga gamit panlalaki ang naroon. Mula sa malaki hanggang sa maliit.

Bukas ay aayusin niya ang sariling gamit sa tabi ng mga iyon. At nakadama siya ng kakaiba nang maisip na side by side ay magkakasama ang mga gamit nila ni Brad. Hindi ba dapat na ang mga gamit nila ni Adrian ang magkasama, tutal sila ang mag-asawa?

But of course, it will be soon. Hindi nga ba at kay Adrian ang silid na gamit niya ngayon?

Nagkibit siya ng balikat at ini-lock ang connecting door at nagsimulang maghubad upang maligo.

Pinagmasdan ang hubad na katawan sa malaking salamin. Mangingiti ba siya o ikukunot ang noo? More than a month of being married and still a virgin. Will Adrian claim his rights on her body?

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang
gagawin niya sa sandaling mapagpasiyahan na ni Adrian na ma-consummate ang pag-aasawahan nila. Ang walang malisyang paghawak-hawak nga lang nito sa mga braso niya noong nasa Nevada sila ay gusto na niyang ipagsiksik sa tabi.

Huminga siya ng malalim at binuksan ang shower at itinuloy ang gagawin. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya ng sleeveless summer dress na kulay dilaw. It made her appear much younger.

Pinatuyo niya sa blower ang maikling buhok.
Pagkatapos ay bumaba.

"You looked refreshed, hija," si Donya Ramona na sinahubong siya nang pumasok siya sa dining room.

Si Brad na nakaupo sa kabisera ng mesa ay hindi tumitinag. Nalimutan o sadyang kinalimutan ang etiquette.

"Nakatulog ho ako..."

"Dahil sa pagod sa haba ng biyahe. Dito ka na
maupo sa kanan ni Brad."

Walang kibong naupo siya sa itinurong upuan ni Donya Ramona na patuloy sa pagsasalita upang mapalagay siya. Gutom siya at masarap ang ulam pero sa hostility na nakikita niva sa mukha ng bayaw niya'y parang naglaho ang gana niya.

"Kumain ka ng marami, Mariel. You're very slim."

Inabutan siya ni Brad ng pagkain sa kaswal na
paraan. Umusal siya ng, 'thank you.'

"Bukas, hija, ay ipapasyal ka ni Brad sa plantasyon.." patuloy ni Donya Ramona.

Hindi sinasadyang nag-angat siya ng ulo upang sulyapan ang bayaw at nakita niyang nagdilim ang mukha nito sa sinabi ng ina.

"I doubt if she will enjoy the tour, Ma. Sa nakikita natin ay tipong hindi sanay ang bago ninyong manugang sa buhay dito sa asyenda," si Brad na maliban sa pagsulyap ay nagpatuloy sa pagkain. “Baka ni hindi niya matukoy kung alin ang tabako at bawang. She's a city girl, hindi ba ninyo nakikita?" Naroon ang bahagyang pang-iinsulto sa tinig ni Brad.

Napapikit siya. Ano ang ginawa niya at sa
pakiramdam niya'y kinasusuklaman siya nito?They have just met.

Nagkibit ng balikat si Donya Ramona. "Ganoon
pa man ay kailangang makita niya ang plantasyon, hijo. Maaari mong ipaliwanag kay Mariel ang paraan natin ng pagtatanim at pag-gagatud ng tabako."

Nag-angat ng mukha si Mariel at nginitian ang
matanda. "Ikagagalak kong makita ang buong
plantasyon, Tiya Ramona. Hindi pa ako nakakita ng ganito kalawak na pataniman dito sa Pilipinas..."

"Oh, sure, naiintindilhan namin iyon," agap ni Brad sa hindi nagbabagong tono.

"...pero sa California ay nakapag-tour na ako sa pinakamalaking plantasyon doon ng mga gulay at orchard..." dugtong niya na tila hindi nagsalita si Brad.

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveWhere stories live. Discover now