SEVEN

3.6K 83 7
                                    

ISANG linggo na siya sa plantasyon. Marami sa mga oras niya'y ginugol sa pagtulong kay Brad sa pag-aasikaso sa mga naggagatud ng mga dahon ng tabako.

Bukod sa lihim na pagsulyap-sulyap sa kanya ni Brad ay pormal ang pakikitungo nito sa kanya.

Nag-i-enjoy na sana siya sa kanyang trabaho kung hindi lang sa nararamdaman niyang sakit ng dibdib na araw-araw silang nagkikita at nagkakalapit ni Brad pero malayo pa rin dahil hindi niya maipahayag ang damdamin niya rito.

And how could she be foolish na magtaglay ng
damdamin para rito gayong bayaw niya ito.

Alas sais na'y naroroon pa sila at pinangangasiwaan ang pagpapasok ng mga natuyong tabako sa loob ngnkamalig. Nagdidilim ang langit at nagbabadya ang malakas na ulan.

"Madalang ito sa tag-init," ani Brad na tinulungan ang tauhan sa pagpasok sa huling sako.

"Huli na ito, Brad," anang tauhan na lumabas mula sa bodega.

Nagsimulang pumatak ang ulan. "Sige na, Pacio. Umuwi ka na bago ka abutan ng malakas na ulan."

Tumango ang tauhan at nagpaalam, saka sumabay na sa mga kasamang nagmamadaling umuwi. Isinasara ni Brad ang kamalig nang tuluyang bumagsak ang ulan.

"Brad, dali!" sigaw ni Mariel. Malayo rito ang
pick-up. "Aabutan tayo ng malakas na patak!"

"Sumilong kả at mapapasma-" Ganting sigaw nito na nahinto dahil inabot na ng ulan si Mariel at patakbong sumilong sa kinaroroonan niya kipkip ang ilang bundle ng dahon.

"You, little idiot, alam mong nagsisimula nang
pumatak ang ulan kanina tapos ngayon ka lang sumisilong!" pagalit nitong sinabi nang maktang nabasa siyang talaga.

"Huwag mo akong sigawan!" ganting sigaw niya. "Patakbo na ako sa pick-up pero nakita ko ito." Itinuro niya ang bitbit na ilang bunton ng mga dahon ng tabako.

Napapikit si Brad. "Hindi ko ikalulugi iyang
kapirasong iyan kung mababasa. Mas mahal ang gamot  sa pulmonya!"

Naningkit ang mga mata ni Mariel sa inis dito.

Malakas ang hangin at malalaki ang patak ng ulan. Mula Sa pagkainit-init na panahon ay nabasa ang tigang na lupa. Ang sama ng amoy ng alimuom ng lupa.

"Hindi ako hihingi ng kahit isang sentimo sa iyo
Brad Martinez, para pambili ng gamot ko!"
Pagkatapos ay biglang naghalukipkip. Giniginaw siya.

Umikot ang mga mata ni Brad. Muling binuksan ang kamalig.

"Pumasok ka sa loob. Maginaw dito at maanggi. Kukunin ko ang pick-up," utos nito. Totoong may bubong pa rin sa area na iyon pero umaabot ang anggi dahil sa malakas na hangin.

"Di, ikaw naman ang nabasa. Sira ka ba?
Mumurahin mo ako pagkatapos ay magpapapasma ka."

"Sanay ako sa ganito, Mariel."

"Wala akong nalamang sanay sa sakit, Mr.
Martinez. Hihinto rin ang ulang iyan. Biglang buhos at biglang hihinto, ganoon. Maghintay na lang tayo."

"Pumasok ka sa loob ng bodega at maginaw dito," utos nito at hinila siya papasok.

Hindi gustong sumunod ni Mariel pero tama ang binata. Giniginaw siya. Sa loob ay naupo siya sa isang silyang kahoy na nasa likod ng mesang katamtaman ang laki na siyang ginagamit pag nagpapasuweldo ng mga tao. Si Brad ay sa bunton ng mga sako ng tabako naupo.

Tinitigan muna siya ng binata bago nito hinubad ang sariling pangtrabahong polo.

"Hubarin mo iyang pang-itaas mo at isuot mo ito. Mapupulmonya ka riyan sa basang blouse mo."

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon