EPILOGUE

6K 153 24
                                    

"NAPAKAGANDA mo, sis," masuyong wika ni
Vincent kay Mariel. Your face is glowing with
happiness. Mahal mo talaga si Brad, ano?"

"Mahal na mahal, Vince. At mahal din niya ako. At ipinagmamalaki ko siya. Ang uri ng pag-ibig niya. Hindi niya sinamantala ang kahinaan at pagmamahal ko sa kanya," nasa mga mata niya ang pagmamalaki at pag-ibig.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Vncent. Pagkatapos ay tinitigan ang kapatid. "Sana'y patawarin mo ako, pet. Alam kong mali ang ginawa ko but it doesn't mean that I don't love you. I do, pet. Paniwalaan mo iyan."

"Naniniwala ako... Vince... and I love you, too,"
sinikap niyang huwag muling umiyak. "In one way or another ang ginawa mo ang dahilan upang magkatagpo kami ni Brad, di ba?" Pilit niyang pinasigla ang tinig.

Nangiti ang lalaki. Ginulo ng bahagya ang
nakalugay niyang buhok. "I guess you're right, pet."

"Paano ka? Ano ang plano mo?"

Nagkibit ito ng balikat. "These past few months
bago ako bumalik ng Pilipinas ay nakikipagkita na ako sa mga doktor, Mariel. Baka pagbabalikko doon ay magpapa-rehabilitate ako. Hindi naman ganoon kagrabe ang naging epekto sa akin ng drugs. At si Adrian.." Huminga ito ng malalim. "Hindi ko gusto ito, Mariel, pero alam mo kung bakit hindi ko magawang tumanggi."

"Oh, Vince..."

"Huwag mo akong alalahanin, love. I'll be fine."
Dinampian nito ng halik sa pisngi ang kapatid.
Pagkatapos ay sinulyapan ang bayaw na papalapit. Humiwalay ito mula sa mga bisita. Kahit paano'y maligaya ito dahil nasa mabuting kamay si Mariel.

Nag-file ng divorce sina Adrian at Mariel. Bumalik ng Nevada si Mariel kasama si Brad. And months later, the divorce was granted--non-consummation of marriage.

At ang araw na ito ang pinakamaligayang sandali sa buhay nina Brad at Mariel. Their wedding day. Isang buwan pagkatanggap ng divorce paper.

Inakbayan ni Brad ang asawa. "Tears, honey? On our wedding day?"

"Your wife is a crying baby..." Ngumiti si Vince na pilit itinatago ang lungkot sa mga mata. "Babalik din ako ng Maynila ngayon, Brad. Bukas ang flight ko pabalik ng Nevada. I just came to attend your wedding. I wouldn 't miss it for the world. Matatagalan siguro bago tayo muling magkita, pet. At inaasahan kong sa pagbabalik ko'y may tatawag na sa akin ng Uncle." Kinamayan nito ang bayaw. "Take good care of my baby, Brad."

"I love your sister, Vince, higit pa marahil sa
pagmamahal mo. At naipangako ko na kani-kanina lang that I will love her and cherish her, and protect her until my last breath," masuyong nilingon nito ang asawang nagpapabhid ng mga mata.

Ngumiti si Vince. "Time to go, pet." Hinagkan
nitong muli sa pisngi si Mariel at saka lumakad patungo sa rented car. Inihatid ito ng tanaw ng mag-asawa hanggang sa makaliko sa driveway.

Itinaas ni Brad ang mukha ni Mariel. "Hindi dapat magkapuwang ang lungkot sa mukha mo, honey. This is our wedding day." Dinampian nito ng halik ang mga labi niya.

"This is the happiest moment of my life, Brad.
Nalulungkot lamang ako para kay Vincent.."

"Pinili niya ang buhay na gusto niyang lakaran,
darling. In one way or another ay maligaya siguro siya roon.

Tumango si Mariel.

"Let's get out of here fast," ani Brad na hinila siya patungo sa nakaparadang Strada na siya ring bridal car nila.

"S-saan tayo pupunta? Ayun ang Mama at
kinakawayan tayo." Nilingon niya si Donya Ramona na may mga bisitang kaharap at kumakaway sa kanila.

"Kaya nga aalis na tayo, eh. Hindi mag-aalisan
iyang mga bisitang iyan. At ang mga taga-asyenda, tiyak na hanggang ikatlong araw ang celebration."

Isinakay nito ang asawa sa pick-up at pagkatapos ay umikot sa driver's seat.

"Pero Brad, saan tayo pupunta?" Nagtataka pa
ring tanong niya. "Huwag mong sabihing aakyat tayo ng Baguio?"

Umiling si Brad na ini-start ang ignition. "Sa isang private beach sa San Fernando tayo pupunta, regalo ng isa sa ating mga sponsors," bumababa na sa driveway ang sasakyan at nagbigay ng daan ang mga bisita na kumakaway sa kanila.

"Maaari tayong mag-night swimming mamaya and possibly make love under the moonlight," patuloy ni Brad habang tinatanguan at nginingitian ang mga nadaraanang tao.

"You're crazy, Brad. Public place iyon..."
natatawang wika niya.

Apologetic ang mukha ni Brad nang lumingon sa kanya. "Pasensiya ka na, honey, nasa plantasyon na lahat ang pera natin, I cannot even afford a hotel accommodation in Baguio."

"I love you, Mr. Brad Martinez. At kahit na saan tayo ay hindi mahalaga sa akin. Ang importante ay kasama kita."

"And I love you, Mrs. Martinez." Ginagap nito
ang palad niya at dinala sa mga labi.

“At pagbabayaran mo sa gabing ito ang sinabi mo sa aking baka kapareho din ako ni Adrian..."

"Brad! Sinabi ko iyan many months ago. Natatandaan mo pa ba iyon?" Natatawang lingon niya rito.

"Hindi ko nalilimutan iyon. And you will pay for
that at lahat ng mga buwang ipinanabik at ipinagtiis ko sa iyo.." anito, his eyes glinting with passion and love.

Nagkibit siya ng mga balikat kasabay ng
mischievous smile. "Oh, well, I'm only willing to pay. Pero sana'y singilim mo rin sa akin pati interest, darling," nanunuksong sagot niya.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Brad.

Galing ako sa norte last week at ginamit ko ang magandang tanawing nakita ko sa daan lalo na ang pataniman ng mga tabako, mais at bawang. Kung may kulang man o mali sa description ko ng plantasyon, my apologies.

MARTHA CECILIA

**WAKAS **

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveWhere stories live. Discover now