TEN

4.1K 83 5
                                    

MUKHA ni Brad ang nasilayan ni Mariel nang
magkamalay siya. Nakaupo ito sa tabi ng kama at nakatitig sa kanya.

"B-brad. "

"Ano ang nararamdaman mo?" banayad nitong
tanong sa kanya.

Sinikap niyang alalahanin sa isip ang nangyari at sindak ang rumehistro sa mukha niya nang maisip ang huling eksena bago siya nawalan ng malay.

cNo!" Pahisteryang bulalas niya kasabay ng
pakikiramdam sa katawan.

Hinawakan siya sa magkabilang braso ni Brad at muling ibinalik sa higaan.

"Sshh... walang nangyari sa iyo," mahinang sabi
nito bagaman nakatim ang mga bagang. "Dumating kami ni Vincent sa oras. Umuwi ako nang sabihin ni Javier na masakit ang ulo mo. Dinatnan kong wala sa sarili ang kapatid mo. Mabuti na lang at sa may malapit sa daan ka lang inabutan ni Adrian. Kung nagkataong
nasa gitna kayo ng maisan..." Muling nagtagis ang mga bagang ni Brad. Hndina sinabing inabot ng mga kamay ng binata si Adrian at kung hindi lamang umawat si Vincent ay baka higit pa ang sinapit nito.

"S-sigurado ka? Bakit nang... hihina ako at...
masakit ang mga bahagi ng katawan ko?" May panic pa rin sa tinig niya.

Niyuko niya ang sarili at bago pa siya nakapagtanong ay sinagot ni Brad ang nasa isip niya.

"Binihisan ka ng Mama. At kaya nananakit ang
katawan mo ay dahil nagtatakbo ka at nanlaban. Bagaman namumula pa ang sampal niya sa pisngi mo ay wala na siyang nagawa pa, Mariel."

"Oh, Brad.." at muli siyang umiyak. Sa pagkakataong iyon ay dahil sa relief.

"Hush, love.." Hinaplos ni Brad ang buhok niya
patalikod. "Bakit mo ako pinaniwalang binayaran ka ni Adrian?"

"Damn you, Brad, ayan ka na naman diyan sa
binayarang iyan," paangil niyang sagot kasabay ng paghikbi. "Hindi kita pinaniwala, ikaw ang nagtanim noon sa isip mo."

Nangiti si Brad. "Now I know you're perfectly
alright, Mariel. Anyway, bakit hindi mo ako itinuwid? Ilang beses kong itinanong sa iyo iyon?"

"I don't want to tell you the truth dahil kahit paano  ay para na rin akong binayaran ni Adrian dahil kay Vincent. Isa pa, I'd rather prefer na nagagalit ka sa akin. Pananggalang ko iyon sa... sa... oh, never mind "

"Saan, Mariel?" Nag-uutos ang tinig nito.
"Sa matinding atraksiyon mo sa akin noong una pa man. But I guess, hindi ko naman pala kailangan ng pananggalang dahil kahit ialok ko sa iyo ang sarili ko ay hindi mo ako papatulan. You don't go for married women, di ba?" May balong sarcasm ang tinig niya.

"You're right. But it didn't stop me from loving
you. Walang nakapigil ng damdamin kong iyon. Not even my anger. My morals stopped me from touching you.. from making you mine. At ang dahilan kaya nagagalit ako sa iyo ay dahil hindi ko matanggap na ang babaeng inibig ko'y bayaran."

"Talking about your morals, Mr. Martinez, sinabi
sa akin ni Adrian, na ikaw at siya'y... I mean... tulad din... ni Vincent... "ni hindi niya gustong sabibin ang bagay na iyon na hindí matanggap ng isip niya.

Tinitigan siya nang husto ni Brad. "Naniniwala ka-"

"Sabihin mo sa akin ang totoo."

"Naniniwala ka sa sinabi ni Adrian?" Nanunuri
ang mga titig nito sa kanya, naghahamon.

Umiling siya. "Hindi." Mula sa puso niya iyon.
Hindi siya makapaniwalang papayag si Brad sa ganoong uri ng pagpapakababa.

Huminga ng malalim si Brad. Ginagap ang isang palad niya at dinala sa mga labi nito.

"Fourteen years ang tanda sa akin ni Adrian, Mariel. I was already eight years old pero sabay pa rin kaming naliligo noon sa ilog. Parehong hubad. Wala namang mga tao dahil sakop ng lupa namin ang ilog. Nagtatanong na ang isip ko noon kung bakit lagi siyang nakatitig sa pribadong bahagi ng katawan ko. Hindi ko iyon maintindihan pero nagsimula akong ma-self conscious kaya iniwasan kong magkasama kami sa ganoong paliligo." Nagsalubong ang mga kilay ni Brad nang makita siyang ngumingiti. "Why are you smiling?"

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon