ONE

4.5K 91 1
                                    

"OH, NO!" aniya habang marahang itinabi ang kotse. Kung bakit ngayon pa na-flat ang gulong nito. Pinatay niya ang ignition at bumaba ng kotse.

Tiningnan niya ang hulibang gulong sa kanan.
Nanlumo siya. Ano ba naman ang malay niyang magpalit ng gulong? Luminga siya sa paligid paghahanap ng vulcanizing shop. She is going north at sa ganitong highway, natitiyak niyang hindi mawawalan.

Bumalik siya sa sasakyan at hinugot ang susi.
Pagkatapos ay kinuha niya ang shoulder bag at tiniyak na naka-lock ang mga pinto ng kotse.

Binaybay niya ang daan sabay ng paglinga sa paligid. Nakakailang hakbang na siya nang makakita ng hinahanap. Mabilis siyang lumapit at kinausap ang naroong tao na matap os kumuha ng gamit ay sumunod sa kanya.

Only to find out na kahit ang spare tire niya ay
butas din.

Sumandal siya sa gilid ng kotse habang pinapanood ang tao na inaalis ang gulong sa hulihan.

"Gaano katagal bago matapos iyan?"

"Kasama na ho iyong spare tire ninyo, ma'am humigit kumulang sa kuwarenta minutos," sagot ng lalaki.

Tumango siya. Muling luminga sa paligid. "Wala bang restaurant dito?"

Nilingon ng lalaki ang pinanggalingan nila. "Sa
unahan ho kaunti ng shop ay may isang restaurant. Medyo disente ho at may mga biyaherong kumakain," impormasyon nito.

Muli siyang tumango. Sinigurado kung naka-lock ang kotse at lumakad patungo sa sinasabi ng lalaki.

Hindi ito gaanong kalayuan mula sa vulcanizing shop. Tama ang sinabi ng lalaki na medyo disente. Salamin ang mahabang bintana at ganoon din ang pintuan. May mangilan-ngilang nakaparadang sasakyan sa tapat nito.

Itinulak niya ang pinto at pumasok siya. Maraming tao sa loob dahil alas-onse pasado na. Halos puno na ang mga mesa maliban sa dulo na may dalawang bakante.

Pahakbang na siya patungo roon nang napunang ang mesa sa may katabing pinto at tapat ng bintana ay bakante. Marahil ay kaaalis lang ng umokupa ng mesa.

Humakbang siya patungo ro0n at naupo. Kung
napuna mnan niya ang kutsara at tinidor na nakabalot sa napkin ay hindi na niya pinag-ukulan ng pansin.

Luminga siya at kinawayan ang isang waitress na agad namang lumapit.

"Ano po ang order ninyo, miss?"

Nilinga niya ang pader sa likod ng counter kung saan nakasulat doon ang menu in red paint.

"Coffee at chicken sandwich na lang, please..." aniya. Tumango ang waitress at muling bumalik sa counter.

Bumuntong-hininga si Mariel. Tinanaw ang labas ng bintanang salamin. Sa oras na biniyahe niya'y may dalawang oras pa bago siya makarating ng Hacienda Ramona.

Biglang kumulimlim ang mukha niya nang maalala ang ginawang pagpapakasal kay Adrian Martinez two months ago. Ang lalaking halos doble ang agwat ng edad sa kanya. Forty years old na ang kaibigan ng kapatid niya na pinagkakautangan nito ng malaking halaga.

Magandang lalaki at macho pero wala siya kahit na kaunting pagtingin dito. Kinamumuhian niya ang bawat pagdantay ng kamay nito sa braso niya noong araw ng kanilang kasal.

At ang nakapagtataka ay ang pagpapaubaya nito sa kanya sa sariling silid sa hotel sa panahong nasa Nevada siya.

Adrian was polite, sweet and thoughtful. Sa araw ay magkasama sila sa pamamasyal. Skiing, shopping at minsan ay isinama siya sa casino. Subalit hindi interesado sa kanya si Adrian sexually. Nagtataka man ay labis niyang ipinagpasalamat iyon.

Noong una'y inisip niyang pinagbibigyan lang siya ni Adrian dahil alam niteng kontra-gusto ang pagpapakasal niya rito. Pero lumipas na at lahat ang mabigit sa isang buwan ay nabuo na sa isip niyang hindi interesado ang asawang ma-consummate ang pagiging magkabiyak nila.

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveWhere stories live. Discover now