TWO

4.2K 87 4
                                    

MALAYO pa si Mariel ay natanaw na niya ang sign post, Hacienda Ramona. Kumaliwa siya at tinunton ang mabatong-daan. Sapaligid ng daan ay ang malawak na taniman ng tabako na kaygaganda ng tubo. Pagkatapos sa kanan niya'y walang katapusang taniman ng mais na ang dulo'y hindi niya maabot ng tanaw.

Ganoon din kalawak ang taniman ng mga bawang. Ang asawa niya'y totoong maykaya sa buhay. Maliban pa sa kaunting negosyo nito sa ibang bansa na kung anuman ay hindi nito pinagkaabalahang sabihin sa kanya. Maging si Vincent ay walang ibinigay na impomasyon.

Hindi rin naman siya interesado at sunud-sunuran lamang sa sinasabi nito.

Matapos ang sampung minutong pagtakbo ng kotse ay isang malaki at magandang bahay ang natanaw niya. Yari sa adobe at malalaking narra. Isang antigong bahay na tipikal sa bayang ito. Napapaligiran ito ng sari-saring magagandang halaman. Mga namumulaklak na halaman at may mga orkidyas na iba't iba ang kulay ng halaman at may mga orkidyas na iba't iba ang kulay. Sa tingin niya'y alaga ng mapagpalang kamay ang mga halaman.

Tatlong sasakyan ang natatanaw niya sa garahe. Isang pick-up truck na luma na at marahil ay ginagamit sa plantasyon. Isang four-wheel drive Strada pick-up na kulay salmon at silver, at isang modelong Land Cruiser.

Isang nakasombrerong matandang lalaki ang
lumapit sa kanya nang pumarada siya sa likod ng mga pick-up. binaba niya ang windshield.

"May sadya ho ba kayo kay Mr. Martinez, miss?"
magalang na tanong ng matandang lalakina nag-alis ng sombrero.

Nagsalubong ang mga kilay ni Mariel. May Mr. Martinez ba?  Ang alam niya'y biyuda na ang stepmother ni Adrian ayon dito. May pitong taon nang namamatay ang ama nito.

Nag-alis siya ng bara ng lalamunan bago nagsalita. “Ako si Mariel. Mariel Belmonte Martinez, ang asawa ni Adrian. Inaasahan ako ni Donya Ramona." aniyang itinuon ang mga mata sa bahay.

Isang ngiti ang pinakawalan ng matanda. "Naku, magandang hapon ho sa inyo, ma'am! Halina ho kayo at kaninang umaga pa kayo hinihintay ni Donya Ramona," Ang matandang lalaki na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kotse niya.

Umibis siya. Napakasarap i-stretch ang mga binti pagkatapos ng kulang anim na oras na biyahe mula Maynila.

"May mga bagahe po ba kayo?"

"Nasa trunk ng kotse ang iba." Nilingon niya ang likuran ng kotse na kung saan naroon ang isa pa niyang bag. Pagkatapos ay lumakad siya patungo sa patio. Nang biglangbumukas ang pinto at sumungaw ang isang matandang babae na marahil ay nasa singkuwenta mahigit ang edad. Ito marahil ang stepmother ni Adrian. Tantiya niya'y bata lamang kay Adrian ng sampung taon.

"Mariel...?" Alanganing salubong ng matanda
kasabay ng paghagod ng tingin sa kanya.

Inilahad niya ang kanyang kamay. "Ako nga ho.
Kumusta po kayo..."

Inabot ng matanda ang kamay ni Mariel kasabay
ng pagyakap sa kanya. "Nakarating ka rin sa wakas, hija. Kanina pa kita hinihintay."

"Na-flat-an ho ako sa daan kaya medyo natagalan ako at hindi ako gaanong makapagpatakbo nang matulin dahil baka lumampas ako sa itinuro ninyong daan." paliwanag niya.

"Ang nasa isip ko nga ay baka naligaw ka. Halika
sa loob, hija," nilingon nito ang matandang lalaki. "Ipasok na ninyo ang mga gamit ni Mariel, Mang Pasyo."

Inakay siya ng matandang babae papasok sa loob ng bahay. "Maupo ka, hija." Itinuro nito ang isang antigong upuang nara na may sulihiya sa gitna.

Mga antigong kasangkapan ang laman ng
kabahayan. Mula sa ilawan hanggang sa malalapad atbmakikintab na sahig na narra. Sa tagiliran ay naka-display ang isang lumang makinang panahi na panahon pa yata ni Padre Damaso. Isang lumang ponograpo na nasa tabing mesa at mga kung anu-ano pang antigong mga bagay na sa pakiramdam niya'y pumasok siya sa isang time machine at nasa panahon siya ng mga kastila.

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant