FIVE

3.5K 81 3
                                    

NARINIG niyang tinawag siya ni Brad. Pero wala siyang pakialam. Gusto niyang lumayo sa pagkasuklam na nasa mga mata nito. Gusto niyang iligaw ang sarili sa nagtataa sang mga puno ng mais. Gusto niyang sumigaw sa gnawang panggagamit sa kanya ng kapatid
at ni Adrian.

Nakakailang hakbang na siya nang abutan siya nito. Hinawakan siya ni Brad sa braso ngunit nagpumiglas siya.

"Bitiwan mo ako!"

"At saan sa palagay mo ikaw pupunta? Isang
kilometro na ang layo natin mula sa bahay," wika nito na hindi binibitiwan ang braso niya.

"Kahit saan basta malayo sa iyo.. dito... sa inyong lahat!" At tuluyan na siyang napaiyak.

"Oh, shit!" Patalikod nitong sinabi na tumingala sa langit. Ang araw ay nagsisimula nang magbigay ng init. "Don't go female on me, Mariel. I can't stand women who use tears as weapon.." wika nito na ang mga kamay ay nasa balakang like some lord over his lowly servant.

Nanlisik ang mga matani Mariel. "Then leave me alone, Mr. Righteous! Hindi ako umyak para gamitin sa iyo. I just .. I just ... oh, I hate you!" Halos sumisigaw na siya sa sama ng loob, in anger, in frustration. Hinatak niya ng malakas ang braso sa pagkakahawak ng binata.

Nabitawan siya ni Brad at paupong bumagsak sa tuyong lupa nang mawalan ng panimbang.
Mabilis din siyang dinaluhan ng binata subalit pagalit niyang sinangga ang mga braso nito.

"Tumigil ka, Mariel! Kumikilos kang parang bata," may iritasyon na sa tinig nito.

"I do not know why I have to put up with you and your insults, Brad. Ano ba ang pakialam mo sa akin? At ano ba kung binayaran ako ni Adrian? At kahit na magkano pa ang ibinayad sa akin, siguro naman ay hindi sa mana mo kukunin ni Adrian ang ibabayad niya!" Sagalit niya'y hindi na niya alam na ipinahihiwatig niya sa lalaki na binayaran nga siya ni Adrian.

Bigla ang pagtatagis ng mga bagang nito na
nakatunghay sa kanya. If eyes could kill, namatay na siya sa mismong oras na iyon.

"At kailan ang divorce ninyong dalawa?Pagkatap0s na maisalin ng abogado ang kalahati ng plantasyon at iba pang ari-arian sa kanya? At pagkatapos ay ano? Ipagbibili niya ang plantasyon?"

She was so shock and angry na wala na siyang
pakialam kung ano ang patutunguhan ng pag-uusap na iyon. Anyway, hindi naman siya nakatitiyak na hindi nga pinlano ni Adrian iyon.

Baka tama nga si Brad, Adrian will divorce her
pagkasalin sa mana.

Mabuti naman kung ganoon. She'll be glad to
death. Bayad na si Vincent sa utang nito at makakalaya na siya sa walang kuwentang pag-aasawang ito.

But things will never be the same again.

"You will have to ask Adrian about it. At wala
akong pakialam kung kailan iyon. The sooner, the better," aniya in a resigned voice. Itinaas ang mga paa at niyakap ang mga binti at ipinatong ang mukha niya sa mga tuhod. Parang batang pinahid niya ng likodng palad ang mga luha sa pisngi.

"Just as I thought," patuloy nito na tila naririnig na niya ang pagtatagis ng mga bagang. Yumuko ito at hinawakan siya sa mga balikat at marahas na itinayo.

"Bit--tiwan mo ako!"

"And how much will it cost me if I'll ask you in my bed?" He asked softly but dangerously.

Napatanga si Mariel. Wala sa loob na napatitig sa binata, lips slightly parted in amazement. Tama ba ang narinig niya?

Did this man really think na isa siyang bayarang babae?

Itinaas niya ang isang kamay upang sampalin ito subalit nahawakan ni Brad ang braso niya.

"Do not resort to violence, Mariel," pagalit din
nitong sinabi. Ibabalik ko sa iyo ang gagawin mo."

ALL-TIME FAVORITE: Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon