Ang aking puso. Ang aking hininga.

228 6 3
                                    


Fidels POV.

Napabuntong hininga si Fidel.
Kailan ba matatapos itong pag-iimbertaryong kanyang ginagawa? Ilang araw na niyang tinatrabaho ito ngunit napakarami parin ang dapat ayusin. Paano ba namang hindi? Ilang taon ba naman ang lumipas ng mapabayaan niya ang kanyang mga pinamamahalang negosyo noon.
Napapikit siya ng mariin at hinilot ang pagitan ng kanyang mga kilay.
Maya maya pa ay napukaw ang kanyang atensyon at nakarinig ng tawanan kung kaya ay tumayo siya sa kanyang kinakaupuan at sumilip sa durungawan ng kanyang oficina.
Sa ibabang hardin ay nakita niya si Klay...ang kanyang asawa.
Masayang nakikipaglaro at nakikipagtawanan sa mga bata na tila isa ring musmos. Maliban sa pagiging kaagapay ni Basilio sa itinayo nilang munting klinika at tinuturuan din ni Klay ang mga batang anak ng kanilang mga kasambay na sumulat at bumasa.
Sadyang napakabuting tao.
Nagtagpo ang kanilang mga tingin.

"Fidel!"

Tawag nito sa kanya. O kay gandang pagmasdan ang kagandahan nito, tila isang lambana. Nakakahumaling.
Napakapit si Fidel sa kanyang dibdib. Anong ligaya ang kanyang nadarama. Ang babaeng kanyang pinangarap lamang noon ay tunay nang ipinagkaloob sa kanya ngayon.
At sa mga kaganapan ngayon kung minsan ay naninibago parin ang pakiramdam ni Fidel. Para bang napakabilis ng mga pangyayari. Una, ang manaig sila sa misyong mapaalis at masupil ang mga mapang-abuso't tiwaling mga dayuhan na tuluyang nagpalaya sa kanilang bayan.
Pangalawa, ang hindi niya inaasahang pagkabawi sa kanyang mga naiwang ari-arian at ilan sa kanyang mga negosyo na pamana pa ng mga yumao niyang magulang. At higit sa lahat ang pag-amin ng babaeng kanyang minamahal na ni sa panaginip ay hindi niya aakalaing aalukin siya ng kasal.
Tunay na kakaibang babae.
Kung kaya hindi na siya nagdalawang isip pa.

Flashback~

Naghiyawan at nagsigawan sa saya ang lahat ng pumayag siya sa alok na kasal ni Klay. Kabaliktaran man na dapat siya ang humingi ng mga kamay nito ay hindi na iyon naging mahalaga pa pagkat si Klay ay kakaibang babae. Ang babaeng nagpabago ng kanyang pananaw sa buhay at gumising sa alab na ipaglaban ang bayan. Ang nag-alis ng kulay sa kanyang mundo nang ito'y lumisan ngunit siya ring muling nagsindi ng naupos niyang paniniwala at muling nagpainit sa nanlamig niyang damdamin.

Ang aking puso.
Ang aking hininga.
Ang aking Binibining Klay.

"Kung ganoon ay tara na at tayo'y maghanda na sa gaganaping kasalan dito sa ating kuta!" Sigaw ni Hernando. Nagmadali ang lahat ng kanilang kasamahan at halos natataranta na, Sa isang iglap nawala sa kanyang paningin si Klay, ang sabi ay tinutulungan ito ng mga kababaihan ayusan at bihisan pagkat hindi raw sila makakapayag na hindi magsusuot ng traje de boda si Klay. Siya naman ay tinulungan ni Hernando at Elias. Mabuti nalang ay mayroon siyang naitabing maayos na barong.
Matapos ang isang oras na preparasyon ay tumungo na silang lahat sa lugar ng kanilang pagtitipon. Naroon siya kasama si Elias, Hernando, Basilio, Isagani at Padre Florentino at hindi rin nagtagal ay nagpakita na Klay kasama si Juli at Lucia. Kung sino man ang nakaisip na pasuotin si Klay ng traje de boda ay tunay na nagpapasalamat si Fidel.
Ang puro at puting kasuotan ni Klay ay nagpapadagdag sa natural na kagandahang taglay ng dalaga. Sa totoo ay simple lamang ito ngunit para kay Fidel, siya'y nagnining at wala ng hihigit pa.

"Fidel Naliwanagan Delos Reyes y Maglipol, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Maria Clara Klay Infantes na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya
sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
"Opo Padre."
"Ikaw, Maria Clara Klay Infantes-"
"Opo Padre! Yes na yes po ako Father!"
Nagtawanan ang kanilang mga kasamahan sa pagmamadaling pagsagot ni Klay.

Ang lahat ay nagdiwang at ang lahat ay masaya sa naganap na kasalan na inabot ng takip silim. Isa isa ng nagligpit at nagsisibalikan na sa kani kanilang mga kubo. Nagpaalam narin sila Basilio, Juli pati narin sina Padre Florentino at Isagani. Si Klay naman ay nauna na sa kanilang kubo samantalang nagpaiwan siya saglit upang kausapin ang mga nakatakdang magbantay ngayong gabi upang magbigay ng bilin.

Nang matapos ang trabaho ay umuwi narin siya sa kanyang kubo, kanilang kubo.
Nasa tapat siya at tinitigan ang pinto.

Kapag pumasok ako sa pintong ito, magsisimula na ang aming buhay mag-asawa at nasa likod ng pintong iyan si Klay, ang aking asawa.

Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit napahinto.

Dapat ba ay kumatok muna ako? Ito naman ay aking kubo. Hindi Fidel, hindi nalang ito sayo....Tama, dapat ay kumatok muna ako.

Pagsang-ayon niya sa sarili. Kakatok na dapat siya ngunit muli niyang pinigil ang sarili.

Ano naman ang sasabihin ko? Paano ko siya babatiin? Magandang gabi Klay. o Magandang gabi aking asawa.
Asawa.
Sa tuwing maiisip niya na asawa na niya ang babaeng pinakamamahal ay para bagang kinikiliti ang kanyang kalamnan. Napahawak si Fidel sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang pag-init ng mga ito. Nagpabalik balik, atras abante sa kinatayuan nito. Kinagat ang ibabang labi upang itago ngiting hindi mapagilan.. nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan, napadalawang tingin siya.

"E-Elias? Kanina..kanina ka pa ba riyan sa..ahm..sa kinatatayuan mo?"
"Ngayon ngayon lamang kapatid."
"Ah ganon ba? mabuti naman at hindi mo nakita-
"Nakita ang alin? Ang pagkandirit mo na parang inasinang bulate? Hindi mapakali at tila ninenerbiyos-
"Ninenerbiyos? Sinong ninenerbiyos? Ha! Mukang nakamarami ka ata ng nainom na serbesa Elias at nagkakandaduling ka na ata?"
"Mukang IKAW Kapatid ang kailangang lumaklak ng serbesa." pagbabalik nito sa kanya, may kasama pang pagngisi na halatang nanunudyo.
"Aba'y animal."
Natawa lamang si Elias.
"Ano ba dahilan at naparito ka?"
"Nais ko lamang iabot saiyo ito upang magamit ninyo ni Binibining Klay sa inyong pagtulog, iyon ay kung.. may balak kang patulugin ang iyong asawa."
Nanlaki ang mata ni Fidel kasabay ang pamumula ng mukha mabuti na lamang at madilim na.
Oo nga pala.
Ngayon ang unang gabi nilang mag-asawa ibigsabihin ay-
Mas namula pa ang kanyang mga pisngi dahil sa mga naisip niyang..
"Fidel."
Putol ni Elias sa kanyang pag-iisip.
"Ikalma mo ang iyong sarili. Kung ano man yang ikinagugulo ng iyong isipan tandaan mo lagi mong pangingibabawin ang pag-ibig."
"Elias.."
"Masaya ako para sayo kapatid. Masaya ako para sa inyong dalawa ni Binibining Klay."
Sinserong saad nito.
"Maraming salamat kapatid."

Nang gabi ring iyon lahat ng pangamba at alinlangan ni Fidel ay naglaho sapagkat kasama at hawak kamay nilang nilakbay ni Klay ang daan patungo sa hardin ng paraiso. Parehas nilang nakamit ang kasiyahang nagmula sa kanilang pagmamahalan sa pagsasanib ng kanilang mga katawan, diwa, kaisipan at kanilang mga puso.

End of Flashback

Pasado alas nueve na at tambak parin ang mga papeles na kanyang ginawa ngunit sa isip ni Fidel dapat niya itong ipagpasalamat dahil sa mga ito ay mabibigyan niya ng magandang buhay ang kanyang asawa pati narin ang itatayo nilang pamilya... ngunit kailangan din niyang magpahinga.
Tumayo na siya at lumakad patungo sa kanilang silid tulugan.
Tulog na kaya si Klay? Marahil.
At syang tunay dahil pagkakita niya rito ay mahimbing na itong natutulog. Marahan siyang kumilos upang magpalit ng kanyang pantulog at nang matapos ay dahan dahan siyang humiga sa tabi ng asawa. Habang sinisilayan niya ang mala anghel nitong kagandahan ay hindi niya maiwasang malungkot,

Patawad mahal ko kung nakatulog ka na namang ng mag-isa sa iyong sarili lamang.

Pinagmasdan niya ang mukha ng kanyang esposa. Marahan hinawi ang mga bumagsak na buhok sa likod ng tenga nito.
Hindi niya maiwasang mapangiti at kiligin.
Tunay na kaibig-ibig.
At kanyang dinampian ang mga labi nito ng isang magaang na halik.

"Fidel? andyan kana?" Pikit matang sabi nito sabay yakap sa kanya.
"Sorry nakatulog nako, inantok na kasi eh."
"Ayos lang mahal ko, sige na at bumalik kana sa iyong pagkakahimbing."
"Mmm."
Niyakap rin niya ito ang ipinikit na ang mga mata.
"Goodnight Fidel, mahal kita."
Muli siyang napadilat sa narinig.
"Goodnight at mahal din kita aking Klay."
at mrahan niyang hinalikan ang noo nito.









Pwede ba Fidel matulog kana! Huwag mo ng gambaliin pa ang pagtulog ng iyong asawa. Mahimbing at malalim na ang kanyang tulog. Ikalma mo ang iyong sarili.
Pagkikipagtalo ni Fidel sa sariling isip.

Ang kanilang buhay mag-asawaWhere stories live. Discover now