Teka wait lang

106 6 4
                                    

"Mr

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Mr. Torres...

...A-ano pong ginagawa ninyo rito?"

Walang ibang maisip si Klay sa gulat na totoong si Mr. Torres nga ang tinutukoy ni Mang Nando kaya kahit tunog walang pakundangan ang nabitawan nyang katanungan ay wala na syang magagawa dahil nasabi nya na ito.

"Parang nagulat yata kita sa pagbisita ko sayo dito Ms. Infantes? Wala man lang bang kamustahan? Iyan talaga tanong mo saakin?"

"H-ho? Ah-eh, hindi naman po sa ganun, Akala ko kasi hindi na po kayo magpapakita saakin.."

"Well, akala mo lang yun..So anyways.. Kamusta ka naman Ms. Infantes? Mukhang maganda ang naging takbo ng buhay mo dito sa loob ng libro.."

Ani ng matandang guro kay Klay.

Gusto sana niyang sagutin ng masaya at maayos naman ang buhay niya rito pero parang iba ang feeling niya sa pagpunta nito rito. Hindi ito ang tamang oras para makipagchikahan ng ganung klase ng usapan.

"Sir .. Galit ba kayo sakin?"

Tumitig lang ito sa kanya. Napalunok naman siya sa katahimikan nito. Hindi pa din ito sumagot bagkus ay lumigid sa kabahayan at sinisipat ang bawat kagamitan at parte ng kanilang kabahayan.

"Galit? Ako? Sayo?"

Ulit nito sa katanungan niya.

"O-opo .."

Alanganing tugon ni Klay.
Pa suspense naman tong si Mr. Torres saad niya sa sarili.

"Bakit naman ako magagalit sayo Ms. Infantes? Matapos mong di ako siputin nung araw na dapat magkikita tayo? O matapos mong baguhin ang takbo ng kwento sa libro at di lang pala yun, gumawa ka rin ng sarili mong love story...parang wala naman dahilan para ako ay magalit sayo.. hindi ba?"

Napangiwi lang si Klay sa mga sinabi sa kanya ni Mr. Torres, sa mga sarkastikong sinabi nito sa kanya.

Galit nga 'to sagot niya sa sariling katanungan sa kanyang utak.

"But to be honest noong una. . yes, oo but then I realized na kahangahanga ang mga ginawa mo, na kahit padalus-dalos ka sa iyong mga desisyon ay hinangaan ko ang katapangan mo Ms. Infantes. In short at sa terminology ninyong mga kabataan..naloka ako."

Hindi alam ni Klay ang magiging reaksyon nya sa mga sinasabi sa kanya ng dating guro pero kinakabahan siya sa biglang pagsulpot nito sa kanilang tahanan.

"Eh sir, maliban sa pagalitan ako ano po ba talaga ang totoong sadya ninyo?"

"Kahit kelan ka talaga bata ka oh. Well, hindi na ako magpapaligoy ligoy sayo Ms. Infantes. I'm here para iuwi ka sa inyo."

Natameme si Klay sa sinabi ni Mr Torres.
Tama ba sya ng rinig?
Teka wait, iuwi?

"Ho?!"

Gulat na tugon ni Klay.

Ang kanilang buhay mag-asawaWhere stories live. Discover now