Ang kanilang buhay mag-asawa: Extra Chapter

114 6 4
                                    

"Ah!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ah!"

Napabalikwas si Fidel sa malakas na hampas sa kanyang dibdib at agad na napabagon.

"Fidel , bilis! Nasusuka ako!"

Mabilis na kumilos si Fidel para kunin ang plangaganita sa kanilang kasilyas at iniabot agad sa asawang si Klay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mabilis na kumilos si Fidel para kunin ang plangaganita sa kanilang kasilyas at iniabot agad sa asawang si Klay.

"Blaggrfghrgh!"

Sakto pag-abot niya ay ang pagduwal nito.

Hinawakan niya ang buhok nito upang hindi mahirapan at humarang sa mukha ni Klay. Hinaplos haplos nya rin ang likod nito nang kahit papaano ay maginhawaan ito...sana.

"Ayos ka lamang ba mahal ko?"

Pinunasan ni Fidel ang mga butil ng pawis na namuo sa noo ng asawa at hinawi niya ang mga buhok na kumawala sa payoneta nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pinunasan ni Fidel ang mga butil ng pawis na namuo sa noo ng asawa at hinawi niya ang mga buhok na kumawala sa payoneta nito.

Sa mga nakaraang araw ay patuloy ang tinatawag ni Klay na morning sickness na ilan lamang sa mga senyales ng kanyang pagbubuntis ngunit kung titignan mo ay hindi pa mahahalata na nagdadalang tao ito pagdating sa pisikal nitong itsura.

Ang sabi sa kanya ni Klay ay anim o pitong linggo pa lamang ang bata at mala arándano o blueberry palang ang laki nito kung kaya ay hindi na niya muna ito pinagduduty sa klinika.

Mabuti na lamang din ay nakinig ito sa kanya at sa tagubulin na din ni Basilio ay pumirmi muna ito sa kanilang tahanan. Araw-araw naman siyang pinupuntahan ni Basilio at Juli para kamustahin ang kalagayan nito at para narin balitaan siya ng mga kaganapan sa klinika.

Ang kanilang buhay mag-asawaWhere stories live. Discover now