Muling pagkikita ng mag-asawang Fidel at Klay

126 8 5
                                    

"So let's go Mr. Fidel?"

Tumango lang si Fidel sa sinabi ni Mr. Torres at sumunod siya rito.



Muli ay kinuha nito ang bilog na orasan sa bulsa ng pantalon nito at ipinakita sa kanya.

Napansin ni Fidel ang mga kamay sa orasan na tila unti unti ay bumibilis sa pag-ikot at biglang may lumitaw na lilang liwanag at nasilaw ang kanyang mga mata.




Napapikit si Fidel.








Pagdilat niya ay nakaramdam siya ng matinding pagsakit ng ulo at pagkahilo.
Napahilot siya ng kanyang sintido.



"Ayos ka lang Mr. Maglipol? Ganyan talaga sa umpisa, masasanay ka rin sa katagalan."

Ani ni Mr. Torres

"Ayos lang naman po ako Mr. Torres nabigla lang po. . . ako."

Pag-angat niya ng paningin ay talagang nabigla siya sa mga nakita.


Nasa ibang lugar na sila at kakaiba ang nasisilayan ng kanyang mga mata.
Wala na sila sa silid ng kanyang opisina bagkus ay nasa kalagitnaan ng tila malawak na parke kung saan ay may napakaraming tao.


Umikot siya sa kanyang kinatatayuan upang suriin ang paligid.


Ang mga tao may kakaibang mga kasuotan at halos lahat ay may hawak na telefono gaya ng kay Klay.

Ang mga damit ng mga ito ay hapit sa mga katawan at ang iba ay.....napakaigsi.

May grupo ng kabataan na tila maligayang naglalakad at parang walang kasamang nakatatanda.

May mga grupo ng kababaihan na may magagarang kasuotan. Hindi ito nakasaya at tila naka calzoncillos lamang.
Agad na iniwas ni Fidel ang tingin sa mga kababaihan na halos kita na ang buong pagkatao.

Ngunit may iba namang kababaihan na hindi ganoon reveladora ang pananamit pero mas maiigi pa ding huwag ng tumingin sa mga ito.

"Kung hindi luwa ang mga piernas, ay kita na ang mga pecho! Dios mio."

Aniya.

Isang dako naman ay napansin niya ang kasuotan ng mga kalalakihan ay naka pantalones ngunit ang iba ay umaabot lang sa mga tuhod at maluluwag, ang pang itaas ay may maiigsing manggas.

"Mukhang presyo."

Saad niya.




Beeeeepppp!!


Halos mapatalon si Fidel sa gulat.


Nakakita naman na siya ng mga motorwagen sa Londres ngunit kakaiba ang mga automobile dito sa mundo ni Klay.
Makikinis, makukulay at kayang...magkapagsakay hindi lamang ng apat na tao, kung hindi ay lagpas lima.

Kahanga-hanga.

Ang mga imprastraktura ay talaga namang natatangi.
Kay tataas na para bang abot langit sa tugatog.

"Oh maligayang pagdating sa mundo namin ni Ms. Infantes, Ginoong Fidel."


Napatingin siya sa matanda.


"Ito po ba mundong pinanggalingan ni Klay?"

"Oo ito ng... at mapapadalas na ang pagpunta mo dito Mr. Fidel. Well, hindi lang ito pati sa iba pang multiverse. Pagpumunta ka sa office ko ipapaliwanag ko sayo ang iba pang detalye sa pagiging book keeper..
.Ay teka Mr. Fidel at may tumatawag saakin. Sasagutin ko ng ito. Diyan ka lang at huwag kang aalis, mahirap mawala dito sa Maynila."


Ang kanilang buhay mag-asawaWhere stories live. Discover now