Ang kanilang buhay mag-asawa: Extra chapter 2

133 4 2
                                    



Maagang nagising si Fidel upang handaan ng almusal ang asawa niyang si Klay.
Ilang araw nadin ang nakalipas ng makabalik at makauwi silang muli sa San Diego ay bumalik naman ang lahat sa normal. May kakaunti mang pagbabago dahil ngayon ay dinadala na sa sinapupunan ni Klay ang kanilang magiging anak, na tunay na nagpapa excite kay Fidel. Nakakaranas ng paminsan minsang morning sickness si Klay pero maliban doon ay normal naman ang pagbubuntis nito sa araw-araw na ipinagpapasalamat ni Fidel.

"Senior Fidel, handa na po ang hapag.."

"Gracias Mang Nando. Tatawagin ko lang si Klay nang kami ay makapag-almusal na."

Saktong pagbalik niya sa kanilang silid tulugan at kababangon lang ni Klay.

"Fidel.. San ka nanggaling? Bat wala ka sa tabi ko?"

Patagong kinilig si Fidel sa sinabi ng asawa. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang pisngi.

Lumapit at tumabi siya rito.

"Did you miss me already? Naghanda lang ako ng ating almusal para paggising mo ay makakaen ka kaaagd mahal ko."

"Aww ang sweet naman ng asawa ko."

Yumakap sa kanya ito at niyapos siya ng maigi.

"Syempre naman, hindi mo na lang ako asawa ngayon bagkus isa na rin akong ama. Ama ng batang dala dala mo saiyong sinapupunan."

"Talaga naman, apakaswerte ko sa asawa ko. Di lang magpamahal, ulirang ama pa."

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya at tumitig ng malalim sa mga mata niya habang nakapulupot ang mga kamay sa likod ng ng kanyang leeg.

"Ops at huwag nating kakalimutan, Makisig, magandang lalaki na mapagmahal sa kanyang asawa at ulirang ama sa kanyang magiging anak."

"Hahaha ay oo nga pala. May super pogi and hot and cuuuuuuuuuuteeeee husband."

Pagkasabi nito ay tunay nagulat na lang si Fidel sa sumunod na ginawa sa kanya ni Klay.
Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagsinghap nang bigla na lang siyang halikan ng asawa sa leeg. Napalunok siya ng makapal sa ginagawa sa kanya ni Klay.

Hinawakan nito ang buhok niya mula sa likod para tumambad ang leeg nito habang inilapat niya ang labi balat niya, sa ibaba lang ng tenga ni Fidel. Napasinghap siya nang dumampi ang dila ng asawa sa leeg na nagpatindig ng kanyang. . .mga balahibo sa kanyang batok.

Hindi na napigilan si Fidel ang mapaungol sa napakasarap na sensasyong ipinapadama sa kanya ng pinaka mamahal niyang asawa.

"Ahh Klay.."

Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya kay Klay habang patuloy lang ito sa paglasap ng kanya leeg.

"Ahh Klay... Ahh-ray.. Klay?"

Napakunot ng noo si Fidel sa naramdaman niya.

"Ah! Klay! a-aray! Klay?!"

Kusa siyang napabitaw sa asawa at napahawak sa parte kung saan ay kinagat siya ni Klay.

"Ay sorry! Haha nanggigil lang ako. Masakit ba?"

"Hi-hindi naman..medyo lang."

"Sure??"

Alanganing ngumiti si Fidel at tumango lang. Ngumiti lang ng matamis sa kanya si Klay sabay pinupog siya ng halik sa buo niyang mukha. . .at saka lumabas ng kanilang kwarto.

Naiwang si Fidel sa loob ng silid, nakaawang at bibig. Tulala sa nangyari.




Nang matapos makapag-almusal ay nagbihis na si Fidel.

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon