Bye for now and hello I'm back

102 6 4
                                    


"Oh Klay, mag-iingat ka ah, 'wag kang pasaway kay Fidel.."

"Luh Ma! Grabe ka sakin ah, ako po yung anak mo dito oh.."

"Hahaha biro lang anak, basta mag-iingat ka.. Fidel, ikaw na ang bahala kay Klay. Alagaan at mahalin ninyo lagi ang isat-isa."

"Opo mamá. Makakaasa po kayo na magiging mabuting kapareha ako ni Klay. Sa ngalan ng mga namayapa kong magulang ay nangangako po ako sainyo na aalagaan at mamahalin ko ang anak ninyong si Klay."

"Oh Elias, ikaw na muna ang bahala kay mama ah! Babalik pa rin naman kami from time to time so umaasa ako sayo bilang kapatid."

"Opo ate! Makakaasa ka po! Mag-iingat po kayo ni kuya Fidel. Mamimiss po kita kuya Fidel. Sobrang galing mo po magbasketball kahit one week ka palang natuto."


Isang linggo ang lumipas nang manatili si Fidel sa tahanan ng mga Infantes at sa mga araw na iyon ay napakaraming nangyari, mga bagay na talagang ikinamangha niya mula sa mga kagamitan hanggang sa mga kaganapan sa mundo ng asawa niyang si Klay. Kung kaya madali niyang inaral ang mga bagay bagay na dapat niyang malaman lalo na ang mga pangunahin at importanteng impormasyon ukol sa mundo ni Klay at sa kanilang magiging tungkulin bilang book keeper.

Kasama sa mga naging kaganapan niya sa mundo ni Klay ay ang pagcommute sa iba't-ibang klase ng sasakyan, pagpunta sa eskwelahan ni Klay, sa opisina ni Mr. Torres, sa mga malls at sa mga pamilihan gaya ng Divisoria.
Iyon raw ang mga basic infos na dapat niyang malaman ayon kay Klay.

Tinuruan rin si Fidel ng nakababatang kapatid nitong si Elias kung paano maglaro ng basketball na tunay talaga niyang nagustuhan.

Sa pagpunta nila sa eskwelahan ni Klay ay doon nila nakausap si Mr. Torres at doon ipinaliwanag ng guro ang mga tungkulin at misyon nila ni Klay kaya naman ay hindi iyon ang huling beses na babalik siya sa mundo ng asawa.




"Ganoon din ako sayo Elias, yaan mo pagbalik mo ay maglalaro ulit tayo. Mag-iingat kayo rin kayo ni mamá Narsing."

"Oh Fidel ready ka na bang umuwi sa bahay natin?"

Tanong sa kanya ni Klay.

"Handa na ako Klay. Ikaw ba? Sigurado ka na ba talaga? Na gusto mong bumalik sa aking mundo?"

Tanong pabalik ni Fidel sa asawa.

"I'm one hundred percent sure! Kaya let's go na!!"

Lumapad ang ngiti niya sa naging tugon ng asawa.

"Osya, kung ready na ang lahat ng gamit ninyo ay lumarga na kayo at nang hindi kayo mahirapan o gabihin sa paglalakbay ninyo pabalik though di ko alam pano ang gumagawa iyang portal nyo pauwi.."

"Opo mama, ready na lahat ng gamit...so aalis na po kami.. Mag-iingat po kayo mama...mamimiss ko po kayo ni Elias..I love you both.."

"We love you too anak. Wag mo na ako paiyakin, I'm really trying my best na huwag maiyak dito at babalik pa naman din kayo di ba?"

"Syempre naman po ma. Matatagalan nga lang ng konti dahil sa mga misyon namin ni Fidel as book keepers pero syempre kapag pwede, gora agad ako dito!"

"Good. Wag mong papabayaan at papagurin ang sarili mo anak ah lalo na sa kalagayan mo ngayon.."

"Opo mama.."

Naiiyak na saad ni Klay sa mga naging payo at paalala ng kanyang mama sa kanya. Pinipigil man niya na huwag maiyak ay mayroon paring luha ang kumawala sa kanyang mga mata na agad naman niyang pinahid dahil ayaw rin niyang maiyak ang kanyang mama.

Ang kanilang buhay mag-asawaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt