Unboxing the greatest pasalubong

126 7 6
                                    

Agad na tumakbo papalapit sa kanya ang mga kaibigan at mahigpit na yumakap sa kanya isa isa.

"Ate Klay..Nagbalik ka!! Sobrang nag-alala kami sayo."

Saad ni Juli.

"Ate Klay, masaya ako at nakabalik ka na."

"Hahaha halatang namiss nyo nga talaga ako Basilio, Juli. Namiss ko rin kayong dalawa."

"Binibining Klay, sabi na nga ba at magbabalik ka-ngunit may problema.."

"Problema?? Anong problema kuya Hernando?"

Napabitaw siya sa pagkakayakap sa magsing-irog na Basilio at Juli saka lumapit kay Hernando.

"Ah eh.."

Nauutal at hindi nito maituloy ang sasabihin na ikinalito niya kaya hinarap niya ni Elias.

"Elias? Anong problema??"


"Ah Klay, Si Fidel.."

"Anong meron kay Fidel??"





"Nawawala rin kasi si..."




"Nawawala? Sinong nawawala??"

Lahat ay napatingin sa pinagmulan ng boses at iyon ay walang iba kundi ang boses ni Fidel na kasunod si Mang Nando na may bitbit na mga bagahe.

"Nali!!"

Masaya namang napasigaw si Hernando at mabilis na lumapit kay Fidel.

"Sinong nawawala Hernando??"

"Sino pa ba?? Ikaw ang aming tinutukoy! Alam mo ba na ginalugad namin ang buong San Diego pati karatig bayan mahanap ka lang?"

"Syang tunay Fidel. Ano bang nangyari sayo? At saan ka nagtungo?"

Tanong ni Elias kay Fidel.

"Ipagpatawad ninyo kung pinag-alala ko kayo ngunit talagang hindi ko lang natiis na mawalay sa aking asawa kung kayat sumunod ako kung saan siya tumungo."

Paliwanag ni Fidel sa mga kasama.




"Oh Isagani, ikaw? Hindi mo ba kami namiss na iyong Papá Fidel?"

Pambibiro niya kay Isagani.
Hindi nito sinagot ang katanungan ni Klay ngunit nagulat na lamang sila ng bigla silang yakapin ng binata.

"Sige! Kung iyan talaga ang inyong kahilingan na tawagin ko kayong mamá at papá ay pumapayag na ako! Basta huwag lang kayo basta bastang naglalaho. Hindi nakakatuwa ang ganoong klase ng biro!"

"Ikaw ba ay tumatangis Isagani?"

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanila at nakita na lumuluha nga ito.

"Labis akong nag-alala sainyong dalawa. Alam ko naman may pagkamahiwaga si mamá Klay at ang naikuwentong pangungulila noon ni papá Fidel ay tunay kong naranasan ng kayong dalawa ay mistulang bula na naglaho...... Ang akala ko ba pamilya tayo rito? Ngunit bakit bigla na lang kayong nawawala ng hindi man lang nagsasabi??"


Hindi agad nakasagot si Klay sa mga narinig niya kay Isagani. She felt guilty dahil may pinag-alala siyang mga tao at tama lang talaga na bumalik siya para sa mga ito. Isa rin sa mga dahilan niya ay tunay na pamilya na turing niya sa mga ito.

"Pasensya na, Isagani...at sa inyong lahat.
Lahat kayo ay nag-alala at nangamba sa nangyari..Sorry talaga... hindi ako nakapagpaalam sainyo kasi biglaan lang din ang mga nangyari at kahit ako, grabe din yung takot at pag-aalala ko na baka hindi ko na kayo muling makita.."

Ang kanilang buhay mag-asawaWhere stories live. Discover now