Balik Real World

126 6 5
                                    

Nang magmulat ng mga mata si Klay ay nasa loob na sila ng opisina ni Mr. Torres.
Sa dati niyang eskwelahan.

Inikot niya ang kanyang paningin.
Ito nga ang office ni Mr.Torres sa loob ng PLM.

Inikot nya pa ng isang beses ang mga mata.

Nasa real world na ulit siya.
Nakauwi na si Klay sa totoong mundo niya.

Sa totoo lang ay hindi niya alam ang mararamdaman pero aminado sya.
Aminado syang namiss nya ang real world.

Namimiss nya yung convenience ng real world.

Yung mga pagkaen, yung mga jeep, electric fan, yung aircon. Yung kuryente, wifi, 7/11, yung mga malls.
Lahat.

Lalong lalo na ang mama at ang kapatid nya.

Nakauwi na nga siya...

Pero teka wait!

Si Fidel!

Hinanap niya ang guro at nakitang nakaupo na ito sa upuan sa office table nito..

"Sir!"

"Oh? Welcome back Ms. Infantes."

Nilapitan niya ang mesa nito.

"Sir! Bat ganyan kayo?"

Panimula niya.

"Pala desisyon naman kayo lagi. Noon, basta nyo nalang ako dinala sa loob ng libro tas ngayon basta basta nyo nalang din akong kukunin pauwi."

Dire diretsong saad ni Klay.

"Bakit Ms. Infantes hindi ka ba masayang nakauwi ka na?"

Napailing siya.

"Sir, hindi yun yun eh! Paano po si Fidel? Hindi man lang kami nakapag-usap ng asawa ko. Kailangan kong bumalik doon! Hahanapin nya ako, for sure nag-aalala na yun sakin! At isa pa, baka may time lapse na namang mangyari! Magkaiba yung takbo ng oras dito sa sa loob ng libro. Baka..baka pagbalik ko dun-"

"Ms. Infantes pwede ba kumalma ka!"

Putol ng guro sa kanyang pagkataranta.

"Paano po ako kakalma sir! Bigla nalang kayong nagdesisyong iuwi ako!!"

Hindi na napigilan ni Klay ang emosyon at napasigaw na siya sa galit.
Agad naman niyang napagtanto ang maling nagawa sa harap ng matandang guro.

"So-sorry sir. Hindi ko po gustong masigawan kayo."

Paghingi niya ng paumanhin sa ginawang pagsigaw.
Huminga ng malalalim ang matandang lalaki..

"Haaay.... Alam mo Ms. Klay, magpahinga ka na at umuwi na muna sa inyo, baka makasama pa iyan sa kalagayan mo.."

"Ho?"

Kunot noong tugon ni Klay.

"Umuwi ka na muna sa bahay ninyo at saka na tayo mag-usap. Inaantay ka na iyong mama at kapatid. Nasa baba ang kotse ko, ihahatid ka ng driver ko sa inyo."

"Si Mama at Elias.."

Napaisip si Klay.
Syempre gustong gusto nya na ring makita ang mga ito.

Bagsak ang mga balikat ay sumang-ayon na lang si Klay.
Wala mang naging sagot ni isa si Mr. Torres sa mga katanungan niya ay umoo nalang siya.

Nakaramdam na din siya ng biglang pagod.

Hinatid siya ng matandang guro sa ibaba sa harap ng eskwelahan.
Nakita niya ang sasakyan at ang driver nito na naghihintay sa kanya.

Nang makalapit ay pinagbuksan siya ng pintuan nito.

"Tatawagan na lang kita sa makalawa para mag-usap tayo at marami akong ipapaliwanag sayo..at para masagot na din yang mga katanungan mo. ok?"

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon