Kabanata 15

7 1 0
                                    

Ano ang Pangalan ng Unibersidad Nila?

Sa pagpapatuloy ng pagkakasakay namin sa tren ay hindi nagtagal sinabi na ni Margaret ang rason kung bakit bigla na lamang siya pumasok sa bagon namin kahit na hindi niya kami kilalang tatlo nina Blue at Pink. Wala na kasi siyang ibang pagpipilian maliban na sa dalawang bagay sapagkat lahat ng mga bagon ay may umuokupa na. Nakakahiya naman kung sa walkway siya tatayo sa buong panahon ng biyahe. Ang daanang ginamit namin kanina habang naghahanap ng bakanteng bagon na ookupahin ay iyon ang walkway. Kaya, kahit na nahihiya at natatakot na mapagsungitan ay ikinibit balikat na lang niya ang mga negatibong isiping iyon at tinapangan ang loob sa pamamagitan ng pagpasok sa isa sa mga bagon kahit na okupado na ang lahat ng mga ito.

Alam ni Margaret kung anong alter world creature ang mayroon siya. Ang maliit na nilalang na parang fairy na kumausap sa kanya sa paglabas sa maze ay binanggit ang tungkol kay Fabgrace. Isa nga itong legendary na ang kapangyarihan ay sobrang napakalawak at napakalakas.

Sa kadahilanang ayaw kumawala ni Fabgrace sa paggiging scarf ni Margaret sapagkat gusto raw ng alter world creature na ito ang perfume niya, kaya para ma-visualize namin ang totoong wangis ng nilalang niya ay ilalarawan na lang daw niya ito sa amin.

Si Fabrace ay isang may kalakihang bola na may mga mahahabang tela na nagsisilbing mga pakpak nito. Nang makita ni Maragaret si Fabgrace sa maze ay natunghayan niya kung gaano kagusto ng nilalang na ito na magpaikot-ikot. Dagdag pa niya, para daw itong isang gymnast na may hawak na dalawang ribbon at napulido na ang sining sa graceful na performance na tinatawag na 'ribbon'.

Tumagal pa ng ilang sandali ang pag-uusap namin bago naputol iyon nang mapansing papabagal na nang papabagal ang takbo ng train. Marahil siguro malapit na kami. Ngunit bago pa namin maipagpatuloy muli ang usapan, tila hindi na ito matutuloy nang may narinig naman kami sunod na nagsalita.

"Everyone, please be ready for we are now about to arrive at our destination. Make sure you have everything in your possession before egressing your respective wagon. That's all."

Ang tinig na napakinggan namin ay nanggaling sa speaker na nakalagay sa isa sa mga sulok na mayroon sa kisame ng tren. Dahilan sa sabik nang makita sa wakas ang paaralan namin na sabi ni Pink ay baka mala-kastilyo ang estruktura ng mga gusali nito ay tila nabaon na lang sa limot ang naudlot naming usapan at inihanda na ang mga sarili at mga alter world creatures sa paglabas sa bagon. Ilang sandali pang paghihintay at sa wakas narinig na naming muli ang tinig na nagmumula sa speaker.

"We already here. You may now egress from your respective wagon."

Nang marinig namin iyon ay agad na kaming nagbalak na lumabas mula sa inokupang bagon. Ngunit tila hindi lang kami ang grupong sabik nang makita ang paaralang papasukan namin. Kasi naman, hindi pa kami tuluyang nakakalabas sa aming bagon ay nasaksihan namin kung paano mabilis na mag-iba ang senaryo sa walkway na mula sa walang tao ay agad itong pinuno ng mga kasing edad namin na may kasamang alter world creatures at nagmamadali. Ngunit, kahit na gaano ko pa kagusto na mapunan na itong kuryusidad na mayroon sa utak ko tungkol sa kung ano'ng magiging hitsura ng unibersidad na papasukan namin sa pinakamabilis na paraan, bago ko pa tuluyang mabuksan ang pinto at maisiksik ang sarili ko sa madla sa labas, napatigil ako sa binabalak nang may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko. Hinarap ko para malaman kung sino ito at ipinagtaka kung bakit niya ito ginawa. Okay pa sana kung si Pink ang makikita ko, ngunit bakit ako pinigilan ni Margaret?

"Ah, e..." nag-aalinlangang wika niya na tila hindi alam kung ano ang ipangsusunod doon. Ako naman ay maiging naghintay kung may maririnig pa akong iba sa kanya. Nang sa wakas ay nagsalita na siyang muli, "Sorry." Sabay bitiw ng kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa braso ko. Pagpapatuloy niya, "Hintayin na lang natin na humupa ang madla sa walkway bago lumabas."

Alter World Series 1: The Magical WorldKde žijí příběhy. Začni objevovat