Kabanata 11

39 8 0
                                    

Saang Pinto Lumabas si Redmon?

Nananatiling nakasakay sa bisikleta, pagkalabas na pagkalabas ko sa maze ay agad kong ipinagtaka ang nakita ko. Sino ba naman kasing naturingan ang hindi magkakaroon ng ganitong reaksyon sapagkat hindi niya lubusang inaasahang may mangyayaring ganito?

Kagaya kong nakasakay rin sa bisikleta at hinihingal, ang pito pang ako na kalalabas lang din sa maze. Ang lahat ng ibang ako ay nasa aking kaliwa na kung tama ang hinala ko ay nakatayo ako sa paanan ng pintong pinakauna sa kanan. Sa pinto na kung tama ang pagkakaalala ko ay pinangalanan ni Steve the Gatekeeper na 'Fireo'. Ngunit sa pagpapatuloy ng pakikipagtitigan ko sa mga kawangis ko, may tanong na namuo sa isip ko. At ito ay: sino sa aming walo ang orihinal?

Mula ang pansin sa pito pang ako, inilipat ko ang paningin sa paligid. Ang mga exit doors ng maze ay nakaharap pala sa isang kapatagan. May mga puno, talahib, halamang namumulaklak, at mga kakaibang nilalang kagaya ng dragon na nasa tabi ko, ang nagkalat sa paligid. Bukod iyon sa mga taong kasalukuyang natigilan nang makita ang walong magkaparehong mukhang sabay na lumabas sa maze. Hindi ko rin sila masisisi, sapagkat ako rin-- bukod sa pagtataka-- ay ikinabigla rin ang nakita. Bumaba ako sa bisikleta at pagkatapak ng dalawang paa ko sa lupa ay agad na naglaho ang de-padyak na sinakyan ko at ang coat na suot ko. Itinuwid ko ang tindig at tinanong ang sarili ng ganito: ano na sunod?

Nanatiling nakatayo, may isang maliit na lumilipad na nilalang ang lumapit sa akin at bumulong. Sa matining na boses nito ay ito ang narinig ko, "Ikaw pa lang ang nakakagawa ng clone para makapasa pa exam. Isang matalinong pag-iisip! Ngayon, huwag mo na lang intindihin iyang mga clone mo at simulan mo nang tunguhin ang dalawang naka-armor na parang estatwa sa unahan mo."

Pagkarinig ko sa itinutukoy ng parang fairy na kasalukuyang nakapwesto sa kanang tainga ko, agad kong ipinukol ang paningin sa unahan ko. Ilang hakbang mula sa kinaroroonan ko ay may dalawa ngang naka-armor na nilalang. Habang ang isa ay parang lalaki na nakatayo lamang nang tuwid, ang isa naman sa kasama nitong parang babae ay may hawak na maraming garland ng puting bulaklak. Kung para saan ang mga garland na iyon, may kaunti akong ideya.

Patuloy na nakatingin sa harap, tinanong ko ang maliit at lumilipad na nilalang, "Paano kung clone lang pala ang kausap mo ngayon at ang tunay na ako ay nasa iba pang pitong ako?"

Tugon naman nito, "Iyan nga rin ang tinanong ko nang makita ko ang walong ikaw na lumabas sa lahat ng pinto. Pero nang mapansin ko ang dragon sa kaliwang uluhan mo na wala ang iba mong kawangis, nagkaroon ako ng malakas na hinala na ikaw nga ang totoo sa iba mo pang kawangis."

Mula ang pansin sa kausap, napatingala ako sa uluhan ko. Pasimpleng pinapagaspas ang kanyang pakpak, nang makita niya sigurong napatingin ako sa kanya ay tumingin din siya sa akin. Kahit ngayon pa lamang ako nakaengkwentro ng dragon para magbigay ng konklusyon tungkol sa pag-uugali nito, masasabi kong ang saya ng nilalang na ito na ako ang nakahanap sa kanya.

"Maitanong ko lang, maliit na nilalang," wika ko. "Ano na ang gagawin namin sa mga nahanap naming mga nilalang sa maze?"

"Ahm, hindi ko pa maibubunyag kung ano nga ang eksaktong gagawin n'yo riyan. Pero ang masasabi ko lamang, ang dragon na iyan ay ang isa sa mga nilalang na mailap mong makukuha sa loob maze. Mamaya, makaklaruhan ka rin kung ano ang sunod na gagawin n'yo sa mga iyan. Sa ngayon, pumunta ka na sa mga naka-armor at nang mabigyan ka na nila ng garland."

Hindi naman ako nag-aksaya ng segundo na at pagkatapos ng pagsasalita ng maliit na nilalang ay sinimulan ko nang ihakbang ang kanang paa ko. Ngunit sa pagkakataong nagawa ko na ang kauna-unang lakad pa-abanse, muli akong napalingon sa kaliwa nang mahagip ng peripheral ko ang kasalukuyang nangyayari sa isang kwangis ko na pinakamalapit sa akin. Humakbang din ito. At dahil doon ay napatingin na ako sa kaliwa, at doon ay nakita ko rin ang iba sa mga kawangis ko humakbang. Nang may napansin ako.

Alter World Series 1: The Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon