Kabanata 16

5 1 0
                                    

Isang Payak at Mabilisang Selebrasyon

Matapos ang tagpong iyon kung saan kinausap kami ni Aldicarl Acksi, ang head master ng unibersidad na tinatawag na 'Frikswelp', ay lumapit na kami sa mga taong tinatawag ang kanilang sarili na 'Frikswelpian'. Ipineresenta ng mga ito ang isang malapad at mahabang hapag na puno ng mga nakakatakam na pagkain. Dito, may nakita akong iba't ibang luto ng iba't ibang uri ng karne katulad ng steak, fillet, at coq au vin; iba't ibang inumin katulad ng wine, smoothie, lemonade, at shake; at iba-ibang desert katulad ng cake, marmalade, salad, at tart. Kasama sina Blue at Pink, isa-isa na kaming pumili ng mga natitipuhan namin. Tungkol naman kay Margaret, hindi namin alam kung saan na ito napunta. Malamang nasa paligid lang ito, ngunit hindi lang namin nakikita. Sabay sa nakakaganang musika na nanggagaling mula sa tumutugtog na orkestra, ang pagbusog ng mga sarili namin.

"O, ang sarap nitong lemonade, a," may pagkabiglang wika ni Blue nang unang matikman ang laman ng baso na kanina ay binuhusan niya ng napiling inumin. Dahil sa kuryosidad sapagkat sarap na sarap talaga siya sa iniinom-- sa kadahilanang pareho kami ni Pink na kinuhang inumin na plain lemonade-- ay sinabihan ko si Blue kung pwedeng matikman ang iniinom niya para malaman kung ano ang lasa. Pumayag naman si Blue at agad na ipinasa sa akin ang baso. Kinuha ko ito at humigop at nasarapan nga sa lasa. Sa kabilang banda naman ay siguro na-curios din si Pink sa lasa ng iniinom ni Blue kaya kumuha siya ng bagong baso at nagpasalin nang kaunti kay Blue. Hindi naman naging maramot sa kanya si Blue kaya nalagyan ang baso niya.

"Ang sarap nga, ano ang tawag sa inumin na ito?" tanong ko. Pagkatapos na tikman ang iniinom ni Blue ay sumang-ayon naman si Pink sa akin, "Oo, tama si Red. Ano ang flavor nito?"

"Ahm..." napapaisip na wika ni Blue. Pagpapatuloy niya, "Pwedeng si Red lang ang sagutan ko?"

Agad naman akong napatawa sa narinig. Tiningnan ko si Pink at nakita itong sumimangot.

Tugon ni Pink, "Sige lang. Gumanti ka. Lumalaban ka na ngayon, ha."

Natatawang nagsalita si Blue, "Ay sus, Pink. Ikaw na babae ka ang hilig mo talagang gumanti. Ito na sasabihin ko na. Kita n'yo itong kulay red-pink na laman ng baso ko? May tatlong halos kaparehong kulay na inumin doon sa pinagkunan ko. Hanapin n'yo lang sa apat na nandoroon ang may label na 'Papaya Lemonade' at iyon ito."

Dahil sa winikang ito ni Blue ay agad kaming nagkasundo ni Pink sa isang bagay. Nakisuyo ako kay Blue na pakibantayan muna ang mga plato namin ni Pink sapagkat babalik kami sa pinagkunan namin ng mga inumin para kumuha ng inuming kagaya ng sa kanya. Pumayag naman siya at nagsabing magpapadala ng isa ring baso kagaya niyon. Um-oo naman ako kaya ngayon ay magkasama kami ni Pink na nilalakbay ang gilid ng mahabang hapag.

"Pink, may napapansin lang ako sa iyo paminsan-minsan," pasimpleng wika ko.

"Ah, oo, batid ko iyon," tugon niya at napatawa. Pagpapatuloy niya, "Namumula ako paminsan-minsan kapag kinakausap ni Blue."

"Hindi naman sa nanghimasok, Pink. Ngunit, may nararamdaman ka ba kay Blue?"

Mula sa paglalakad, agad na napahinto si Pyrena. Dahil sa ginawa niyang ito ay ako rin napahinto. Tiningan niya ako na para bang tinitimbang pa ang mga bagay-bagay kung may karapatan ba akong malaman ang susunod niyang sasabihin.

Ngunit nang naibuka na ni Pink ang bibig niya para sagutan ang tanong ko-- kung oo o hindi na may nararamdaman siya kay Blue-- ay walang salitang lumabas doon sapagkat narinig naming nagsalita ang headmaster.

"I hope everyone is having a good time. Three more minutes and you will see a spectacular performance that has been critically crafted by our own Frikswelpian. Incoming first years, you will be liking this!"

Alter World Series 1: The Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon