Kabanata 9

39 6 0
                                    

Dapat Maipasa ang Entrance Exam!

Tanaw ang deserto at misteryusong lugar sa aking unahan, mula sa paanan ng gate, akin nang sinimulang humakbang papasok sa maze. Isang hakbang... maging matapang ka, Redmon; dalawang hakbang... magtiwala ka sa sarili mo; tatlong hakbang... isa ka sa mga pinili, tadhana na mismo ang gumagabay sa iyo para masapit ang yugtong ito. Positibo na maipapasa nga ang Entrance Exam, ngunit nang binabalak ko pang daragdagan ang tatlong hakbang na nagawa ko na, hindi muna iyon natuloy nang ikinabigla ko ang narinig mula sa likod ko. Parang mga metal na nagkukuskosan sa isa't isa, iyan ang pagkakahalintulad ko sa kasalukuyang naririnig. Nagtaka kung ano iyon, dali-dali akong lumingon sa likod.

Mabagal na gumagalaw, sa kagalakan ko ay ang gate lamang na pinasukan ko ilang segundo pa lamang ang nakakalipas ang nagsisimula nang sumara. Akala ko ang tinatawag na nilang alter world creature ang nag-aabang na susunggab sa akin mula sa likod ko ang aking narinig. Napangiti dahil sa aking pagkanerbyuso, muli ko nang itinutok ang tingin sa unahan.

Gaya ng aking nakita sa parang mapa ng maze na ipiniresenta ni Steve the Gatekeeper kanina, katulad na katulad nitong kasalukuyang kinaroroonan ko ang mga palcement ng mga matatangkad pader na may mga malalagong hedge vines. Walang walkway o pwedeng malakaran sa lahat ng mga direksyon maliban na lamang sa isa na nasa aking unahan. Sa tantya ko, mga labinlimang hakbang ang haba ng walway na ito. Kalmado, muli ko nang ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sa ikapitong hakbang ko ay napatingala ako sa itaas, kasi naman, mula rito ay dito na nagsisimulang maging malamig ang paligid. Dulot siguro ito ng makapal na ulap na mayroon sa aking uluhan. Siguro inilagay ng mga nangagasiwa sa entrance exam ang kaulapan sa itaas para sabihan ang mga test takers na walang ibang paraan para makalabas sa maze maliban sa paglalakad. Hindi ka puwedeng magpahimpapawid para makita mo agad ang kalahatan ng maze para iyong mabilis na matapos ang pagsusulit.

Ilang hakbang pa ang dumaan at sa wakas ay natapos ko nang lakaran ang walkway. Simula rito, dito na nagsisimulang maging komplikado ang maze. Marami na kasing mga pader ang hindi nakakonektado at dahil dito marami ka nang makikita na pwedeng malakaran. Tatlong walkway sa harap ko, apat sa kaliwa ko, at apat din sa kanan ko. Huminto muna ako at napaisip kung saan mainam na tutungo. Mag-isa sa misteryusong lugar na ito, nang sa gitna ng aking pag-iisip ay may naalala ako.

Kanina kasi nang ipinakita ni Steve the Gatekeeper ang mga ilaw na ibinunyag niyang mga alter world creatures ito, may napansin ako sa mga ilaw na iyon. Kung tama ang hinala ko, actual placement ito ng mga alter world creatures nga lang hindi mo tiyak kung saan mo kukunin ang nilalang na laan para sa iyo sa lahat ng mga iyon. Kung magkagayon nga, malaki ang posibilidad na makikita ko ang para sa akin sa dako nitong maze na kung saan halos nagkukumpulan ang mga liwanag na iyon.

Mula sa pagkakahinto ay muli ko nang ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ako lumiko sa kanan, ganoon din sa kaliwa. Patuloy lamang ako sa paglakad nang diretso at tinungo ang partikular na walkway na alam kong mas magpapalapit sa akin sa bahagi nitong maze kung saan marami ang ilaw: sa pinakapusod.

Hindi kagaya ng klimang mayroon sa labas nitong maze, habang papaloob nang papaloob pa ako sa lugar na ito-- dulot ng mga ulap sa aking itaas na hinaharangan ang pagpasok ng sikat ng araw-- ay nagiging mas madilim pa ang lugar. Madilim at malamig.

Dahilan sa duda ako na mananatiling makakayanan ko pa mamaya ang lamig at dilim sa pagpapatuloy ng paglalakad ko, napag-isip-isipan ko nang subukan ang iniutos sa amin ni Steve the Gatekeeper na gamitin lamang ang imahinasyon kung may kailangan kami. Muli akong huminto, humugot ng malalim na hininga at sinimulan nang magsalita.

"Imagining my imagination: Give me coat and a source of light!"

Kumurap ako at pagkatapos niyon ay may nasaksihan akong ito na sa tingin ko ang sagot sa hinihingi ko.

Alter World Series 1: The Magical WorldWhere stories live. Discover now