Kabanata 12

37 4 0
                                    

Hey, everyone, I hope you all doing fine. Kaunting tiis na lang matatapos na 'tong kinakaharap nating lahat. Here's the new chapter for you :D

-----

Masayang Magkaibigan

"O, mukhang may kaibigan ka na pala, Redmon. At biruin mo iyon, mukhang malaki ang posibilidad na maging magkaklase pa kayo," rinig kong wika ni Miss Limurtyl na ngayon ay nasa likuran ko na sapagkat hinarap ko sina Pink at Blue. Napakasaya ng  mga ito.

Sabay sa paglingon ko ay ang pagtugon ko, "Opo, Miss, mga kaibigan ko po sila. Kakikilala ko pa lamang sa kanila kanina doon sa pila. Nga po pala, Miss, maiwan ko na kayo. Magkukwentuhan muna kami ng mga kaibigan ko."

Tumango muna si miss Abegail Limurtyl bago ko narinig ang berbal niyang pag-sang ayon. "Sige, magkwentuhan muna kayo. Sa tingin ko ay may mahigit isang oras pa bago tuluyang matapos ang entrance exam. Mamaya ay aalis na tayo para pumunta sa paaralang papasukan n'yo."

Agad naman akong napaisip sa narinig. Ano? Mahigit isang oras pa? Akala ko mga minuto na lang ang nalalabi. Ganoon na lang kasi ako ka-time consious na maabutan ng deadline sa loob ng maze. Siguro mabagal lang talaga ang takbo ng panahon sa loob ng lugar na iyon.

"Sige po, at maraming salamat po," tugon ko. Mula ang pansin kay Miss Limurtyl ay muli kong ibinaling ito sa mga kaibigan ko. May itinuro si Blue na isang bakanteng bench para doon kami pumwesto at makipagkwentuhan. Sumunod naman ako sa kanila at pagkarating namin sa mahabang upuan ay agad naming ginawang komportable hindi lang ang mga sarili kundi pati na ang mga alter world creature na aming nakuha. Si Blue ay nasa kanang dulo ng bench at nakalapag sa kandugan niya ang kanyang alter world creature, si Pink naman ay nasa kaliwang dulo ng bench at ang kanyang creature ay namamahinga sa kanan niyang balikat. Ako naman ay nasa pagitan nila at ang alter world creature ko na maliit na dragon ay nakaupo sa tabi ko sa kanan. Ang backpack naman na ipinagtataka kong nasa akin pa rin, itinabi ko sa kaliwang gilid ko.

"So, kumusta para sa inyo ang exam?" tanong ni Pyrena o Pink sa amin.

"Iyon, pinagod nang husto. Parang gusto ko nang matulog." tugon ko habang nag-uunat ng kalamnan.

"Hoy, huwag ka munang matutulog," paalala sa akin ni Bernus o Blue. "Gaya ng sabi ng babaeng kausap mo kanina, isang oras na lang at aalis na tayo. Tungkol naman sa exam, pinagod din ako niyon ngunit kaunti lamang. Pero hindi kita bubuhatin kapag nakatulog ka riyan, Red, ha? Haha!"

"Edi ako ang bubuhat sa kanya kapag nakaidlip siya," tugon ni Pink na halatang disgusto sa narinig mula kay Blue. Kanyang pagpapatuloy, "Bukod pala sa pahamak ka ay makasarili ka rin. Pagod ang kaibigan natin, ngunit wala kang konsiderasyon!"

"Hay nako, ito na naman siya. Kanina pagkalabas ko sa maze ay siya naman ang naunang kumausap sa akin. Ngunit ngayon kinakalaban na naman niya ako. Ano ka bang babae ka? Parang may saltik ka e!"

Ngunit bago pa sila tuluyang mag-away dalawa ay inagaw ko ang ilang sandaling katahimikang namuo sa pagitan nila-- habang sila ay masamang nakikipagtitigan sa isa't isa-- sa pamamagitan ng pagtatanong, "Guys, maitanong ko lang. Bakit iisa lang din ang pulang bulaklak sa inyong mga garland?"

Mula ang tingin kay Pink ay agad akong hinarap ni Blue. Tugon nito, "Ah, ang sa akin sa tingin ko ay rasonable naman kung bakit."

Agad ko naman siyang binigyan ng tinging may pagtataka bago tinanong nito: "Bakit, ano ba ang nangyari sa iyo sa loob ng maze?"

"Ang nangyari sa akin..." tugon ni Blue at hinatid siya ng sinabi sa ilang segundong katahimikan. Muli siyang nagsalita, "Wala namang napakakaibang nangyari sa akin sa loob ng maze, marahil nga iyon ang naging dahilan kung bakit magiging magkaklase tayo. Naligaw kasi ako sa loob na nakailang beses akong nagpaikot-ikot sa isang partikular na dako roon. Ang ginawa ko ay humingi ng yarn sa pamamagitan ng imahinasyon ngunit ang ending ay naligaw pa rin ako. Ang alter world creature ko kasi mahilig sa yarn na kapag mahaba na ang naitatastas ko sa lupa ay ipinuputol niya ito at itinatago. Nakita ko siyang pinaglalaruan ako nang iniwanan ko ang yarn at nagtago sa isa sa mga pader. Nahuli ko siya at para agad na kaming makalabas sa maze, muli akong nag-'Imagining my imagination'. Humingi ako ng teleporter papunta sa pinakamalapit na exit door. At ayon, lumabas ako sa 'fireo'. Kagaya n'yong dalawa."

Alter World Series 1: The Magical WorldWhere stories live. Discover now