Kabanata 10

33 5 0
                                    


Sa mga nakaabot sa chapter na ito, maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa! Sana mag-comment din kayo ng welcome para may comment din ako, hihi. Anyway, this is the longest chapter I have written so far. 3.4k at pinigilan ko na ang sarili kong gawin itong 3.5k.

Love lots guys!

Naipasa Niya ba ang Entrance Exam?

Inilibot ko ang aking mga mata sa lahat ng direksyon na sa tingin ko ay maaaring panggalingan ng tinig na  narinig ko. Sa aking harapan... sa aking kanan... sa aking kaliwa... at sa aking likuran. Ngunit sa bawat pagkakataon na ibinabaling ko ang paningin ko sa iba't ibang banda, kabiguan lamang ang nakukuha kong kasagutan sa kung sino itong tumatanong sa akin ng aking pagkakilanlan. Nagkalat na mga matatayog na pader na pinupulutan ng mga hedge vines, bukod doon ay wala na akong nakitang iba na maaaring magsalita. Nagtataka kung saan nanggaling ang napakinggan, binuo ko ang pasya na lakasan na lamang ang boses para marinig ng nagtanong sa akin ang tugon ko sa tanong niya kung sino ako.

"Ako si Redmon Eliseo Doragon, kumukuha ng entrance exam." At pinasundan ko ito ng tanong, "Akala ko ako lang isa ang nandirito sa maze kasalukuyan. Sino ka at bakit nandirito ka rin?"

Dahil sa kakaibang tunog na napakinggan kanina-- iyong pag-ping-- hindi ko napansin na nakatukod na ang isa sa mga tuhod ko sa cobblestone. Nananatiling nasa ganoong posisyon, hindi nagtaggal ang paghihintay ko at narinig ko na rin ang tugon ng misteryusong tinig.

"Tama ka ng sinabi mong ikaw lamang ang nag-iisang nandirito sa maze. Redmon, ako si Nexus Lombard. At hindi kagaya mo na buhay at may laman, ako naman ay isang espirito lamang. Kaya hindi mo ako nakikita."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Tanong ko, "So bale, multo ka?"

Nananatiling nakatukod ang isang tuhod ko sa cobblestone. Narinig ko muna siyang tumawa bago sinagot ang tanong ko. Ang sabi niya, "Redmon, tila mali ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko. Kahit na walang laman ang multo, ito'y nakikita mo. May porma itong kawangis ng taong may laman. Ang sa kaso ko naman, ako'y isang tinig na nagsasalita lamang. At isa pa, nananakot ang mga multo. Redmon, tinatakot ba kita?"

Ang tanong na iyon ang naghudyat sa aking tumayo na mula sa pagkakatukod ng isang tuhod sa sahig. Napatingala ako sa itaas sapagkat naisip kong marahil nasa uluhan ko lamang ang nagsasalita. Kahit na hindi ko nakikita ang pinagmumulan ng tinig, dahil sa tila ang lapit nito sa akin, kaya nasabi kong nasa itaas ko lamang siya.

Sinagot ko ang tanong niya, "Kanina nang una kitang narinig na kinausap mo ako. Doon ay natakot ako."

"Ngunit ngayon?" panibagong tanong niya.

"Ngunit ngayon ay napanatag na ang loob ko. E, bakit pa ako matatakot? Hindi mo naman ako masasaktan dahil sa espirito ka lang naman, 'di ba?"

Ngunit nang muling nagsalita ang tinig, ipinagtaka ko kung bakit niya nilihis ang usapan at hindi sinagutan ang tanong ko. Imbes na oo o hindi ang maririnig kong sagot niya , panibagong tanong ang bibinigay niya sa akin, "Redmon, gusto kong malaman, ano'ng kapangyarihang mayroon ka?"

Kinutuban na maaaring hindi mapagkakatiwalaan itong tinig na nagsalita, o baka may balak siyang hindi maganda sa akin, nagdesisyon akong sagutan ang tanong niya nang may pagsisinungaling. Sabi ko, "Ang kapangyarihan ko ay nakapokus sa dark magic."

Dahilan sa tingin ko ay mapapanganib ang buhay ko kapag inamin kong hindi ko pa alam ang kapangyarihan ko, napagpasayahan kong agad na mag-isip ng isa. Basi sa narinig ko kanina kay Steve the Gatekeeper, may walong main elemental forces na itinuturo dito sa alter world. Sa walong iyon, dark magic ang mas mainam na isagot sa espiritong ito. Kung apoy, tubig, halaman, kuryente, lupa, yelo, at mind magic, ay hindi tatalab ang mga iyon sa tinig na ito sapagkat wala siyang laman. Sa dark magic kasi ay mag-aalinlangan pa ang espiritong ito kung ano ang mas magandang gawing pakikitungo sa akin.

Alter World Series 1: The Magical WorldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ