Kabanata 21

2 0 0
                                    

Ang paglalakbay pagkatapos ng unos

Ilang sandali na rin ang lumipas nang simula kong sundan si Fabrace. Siya itong alter world creature na parang bolang kristal at may dalawang tela sa magkabilang gilid. Kung tao lang ito ay kanina ko na rin napagtanto na bukod sa nagsusuplada ay nagmamaktol din ito sa akin. Paano ba kasi, panay ito sa pagsasalita na parang nagrereklamo.

"Fab, fab, grr. Fa!" wika nito na kung may kakayahan lang akong intindihin iyon ay sana hindi na ako nalilito sa kung ano ang gusto nitong ipahiwatig sa akin. Bakit kaya parang grabe ang galit nito sa akin.

Kasalukuyan ay nasa may kaliblibang bahagi kami ng aming siyudad. Mapuno at madamo sa lugar na ito na nagpaalala sa akin sa tagpo roon sa private properly na napasok ko sa ilegal na paraan. Alter world creature din ba ang nakita ko roon? Iyong ibon na nababalutan ng apoy at nag-iiwan ng parang silver dust sa dinaraanan nito. Kung magkagayun ay ano kaya ang pangalan niyon? Legendary rin ba siya katulad ni Fabgrace? Ano kaya ang kapangyarihan ng nilalang na iyon?

"Achu!" bigla kong naisambibig nang makaramdam ng pangingiliti ang ilong ko dala ng lamig na unti unti nang nanunuot sa katawan ko. Dahilan para bumahing ako. Kanina pa kasi ako basa dala ng ginawa sa akin ng kasalukuyang sinusundan kong alter world creature.

Si Fabgrace na nakarinig niyon ay napatigil sap pag-abanse at nilingon ako nito at tinawan. Nanlaki ang mga mata ko sa natuklasan. Binalak kong magsalita para sabihin na siya ang may kasalanan kung bakit para akong lalagnatin ngayon. Pero hindi iyon natuloy nang muling pumula ang mga mata niya. Bigla akong kinabahan dahil nagpapahiwatig ito na may gagawin na naman siyang peligro.

"Grace..." wika nito ay hindi nagtagal ay may napunta sa akin na isang kapirasong tela. May kalakihan ito na pwedeng ibalot sa buo kong katawan. Dahil sa nilalamigan na ay wala na akong pandidiring naisip sa kung baka sino ang nagmamay-ari nito at agad na ipinunas sa katawan. Nang matapos ay ipinatong ko ito sa likod. Pinagmasdan lamang ako ni Fabrace at nang mapansin na tapos na ako ay muli na itong nagpatuloy sa pag-abanse.

Dahil sa palalim na rin ang gabi at ang kaninang bumalik na masiglang buwan ay unti-unti na rin nawawalan ng ilaw ay mas lalo kong pinag tutunan ng pansin ang bawat hakbang ko. Baka kasi magaya ako sa nangyari doon sa akin sa private properly. Nadapa. Ano na lang ang sasabihin ng mga mararatnan ko roon sa bahay na uuwi ako na bukod sa basa ay marumi rin?

"Fabgrace, saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Halos labinlimang minuto na rin siguro ang nakakalipas nang simula ko siyang sundan. Ngunit ngayon ay wala pa rin akong ideya kung saan siya patutungo.

Patuloy lamang sa palutang-lutang na pag-abanse, gaya ng inaasahan ko ay wala akong may narinig na sagot sa kanya. Ewan, bakit ko pa siya tinanong. Nagpatuloy lang ang nilalang sa pag-abanse at ganoon din ako. Medyo naliligaw na ako pero bahala na.

Kalaunan sa paglalakbay naming ni Fabgrace...

"Red!" parang tunog palahaw na wika ng isang tao. Kung babasehan ang lakas nito ay hindi kalayuan ang pinagmumulan nito mula sa kinaroroonan namin ni Fabgrace. Agad na nanindig ang mga balahibo ko dahil sa narinig. Kilala ko kasi ang may ari ng boses. Pero bakit nandirito din siya sa parehong lugar kung nasaan kami ngayon ni Fabgrace?

Dahil sa gusto kong malaman ang eksaktong kinarooonan ni Liza ay inilibot ko ang paningin sa paligid.

Pagpapatuloy nito, "Ikaw na talaga ang pinakawalang kwentang tao na nakilala ko sa mundo! Napaka utak talangka ka!"

Napaigting na lang ang panga ko sa napakingan. Gayunpaman ay hindi ako sumagot at patuloy lang siyang tinunton.

"Nakapabobo mo! Napaka-insensitive! Napaka-selfish! Napaka-pangit!"

Sa huling isinambitla niya ay tuluyan ko na siyang natunton. Gayunpaman ay hindi ko ipinakita ang sarili sa kanya. Ikinubli ko ang sarili sa napakalaking puno at doon ay pinagmasdan siya. Matahimik kong pinagmamasdan siya nagsasalitang mag-isa.

"Kung sa nakinig ka lang sa akin ay sana alam mo na ang totoo. Nagkalinawan na tayo. Naayos ang dapat naayos. Nagkabati. Kaso hindi eh. Utak talangka ka kasi. Napakawala kang utak. Ang sarap mong bugbugin!"

Bugbugin: dahil sa salitang ito ay nagpabalik sa isip ko ang nilalang na sinundan ko para makarating sa tagpo na ito. Ngunit paglingon ko sa likod ay hindi ko na siya makita. Ang makapangyarihang bolang nilalang ay hindi ko na makita.

Saan ka na Fabgrace? Maari kayang nabulabog siya sa mga pagsigaw ni Liza kaya ito biglang naglaho? Bahala na siya, kaya na niya ang buhay niya. Itong babaeng palahaw nang palahaw mukhang hindi kaya ngayon ang sarili niya.

Sa loob ng maliblib na lugar na ito ay makikita ang isang nakabagsak na malaking troso. Makikita rito ang umiiyak at panay palahaw na si Liza. May kung anong kirot ang agad na umantig sa puso ko sa kasalukuyang tanawin. Ganoon pa man ay hindi ko muna ipinaalam ang presensya ko sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid sa kanya. Baka mamaya ay ipapakita ko na rin ang sarili kapag may magandang pagkakataon. Mamaya na.

"Paano ko sasabihin ang totoo eh sa bawat mga winiwika ko ay sumasabat ka. Hay naku Red, napakautak bahaw mo! Ngayon sirang sira na ako sa iyo dahil sa mga pagsabat mo! Bobo, bobo! Mag-co-college ka pa niyan? Huwag na. Bobo, bobo! Kunin ka na sana ng lupa!"

Napalunok na lang ako ng laway dahil sa mga pasunod-sunod na patutsada sa akin ni Liza. Grabe na talaga ang galit niya sa akin. Pero bakit kaya gumaganito na siya ngayon? May dapat pa ba ako malaman bukod sa mga pinangsabi niya sa akin kanina?

"Simula nang mga bata pa talaga tayo, wala ka nang kwenta. Parati akong nasasangkot sa gulo dahil sa iyo. Makinig ka kasi. Iyon lang naman ang gusto ko. Makinig ka. At sa pakikinig mo na iyon ay tiyak sana naayos pa itong relasyon. Mahal pa kasi kita. Mahal pa. Sa tingin mo ba makikipagkita pa ako sa iyo kung mas guguluhin ko pa lalo ang nasira nang relasyon natin. Utak ba, Red? Nasaan ba ang utak mo! Naiwan mo ba sa ilalim ng araw noong bata pa tayo. I hate you!"

Kahit na napakabigat ng sitwasyon kasalukuyan ay hindi ko mapigilan ang sarili at mapangiti dahil sa narinig mula kay Liza. Oo, noong mga bata kami ay palagi akong nasasangkot sa gulo. Siya ay nadadamay roon ay ipinagtatanggol niya ako. Sinasamahan makipag-away at lumait sa mga kalaban. Kaya nga siguro doon pa lang ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Naalala niya pa pala ang mga bagay na iyon.

Nagpatuloy ang palahaw ni Liza na hindi nalalaman na nandoroon ako at nakikinig. Hindi ko pa nakikita ang tamang panahon para ipaalam ang presensya niya. Mamaya na, gusto ko pang makinig.

"Hindi bale na. Marami pa namang pagkakataon. Magkakatagpo pa ulit tayo. Hindi naman magtatagal at magbubukas na ang klase. Humanda ka sa akin doon sa Alt—"

Sa huling sinalita ni Liza ay doon na ako mas naging interesado mas makinig pa. Ngunit nang mapapakinggan ko na ang kasunod na katagang isasambit niya ay hindi na natuloy dahil may biglang tumunog. Nanggagaling ito sa bulsa ni Liza.

At hindi nga nagkamali ang hinala ko nang binunot na niya palabas ang smart phone niya. May tumatawag sa kanya. Sinagot niya ito.

"Hello po, Lo?"

At nang lumipas ang mahabang sandali at hindi ko naririnig ang tinig ng nasa kabilang linya ay napagtanto ko na naka handset mode tawag at hindi speaker mode. Nanatili lang akong nadoroon.

"Ah, opo, pauwi na. Walang kwenta po ang pag-uusap namin."

Alam ko na ako na ang pinag-uusapan ni Liza at nang tinatawag niyang Lo. Malamang Lolo niya ito.

Nagkapalitan pa ng iilang linya ang dalawa bago nagpaalam si Liza sa kausap na uuwi na. Nagsimula nang maglakad ang babae at dahil sa gusto ko siyang makauwi nang ligtas ay sinundan ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alter World Series 1: The Magical WorldWhere stories live. Discover now