Kabanata 4

59 12 0
                                    


Ang Mabangis na Engkwentro

Kahit na gaano ko kagusto na muling ipagpatuloy ang pagtakbo palayo sa gubat na ito na puno ng kababalaghan, subalit dahil sa lobo itong kaharap ko kasalukuyan-- isa sa mga mababangis na hayop na mayroon sa mundo-- ay pinigilan ko na lang ang sarili na gumawa ng mga hindi kinakailangang galaw.

Matalas ang pandama nitong lobo. At kung mahihinahuna ng mabangis na hayop na kaharap kong tatakas ako-- ako na kanyang nakikitang maaaring lapain at kunsumihin-- kahit na tumakbo pa ako sa aking pinakamabilis na magagawa kailanman, ay kaya pa rin akong maabutan nitong naglalaway na nilalang.

Ngunit paano nga ba ako makakatakas palayo sa hayop na ito?

Nanatiling nasa kinaroroonan, ang ginawa ko ay akin nang sinimulang mag-iisip ng plano para ligtas na makatakas sa mabangis na nilalang. Ang kasalukuyang kinaroroonan namin ay isang gubat. Ibig sabihin, maraming puno sa paligid. Kahit na ito ang natural na tirahan ng hayop, pwede kong magamit ang lugar na ito para sa aking ikakalamang. Pwede akong magtago sa bawat puno at pahirapan ang lobo sa paghahanap sa akin.

Nagagalak na may ideyang agad na pumasok sa isip ko kahit nandoon na ang matinding takot, ngunit nang pinaplantsa ko na itong plano ay parang may mali na naghihintay sa aki'y na mapagtatanto. Parang may kulang sa binabalak kong hindi pa naikokonsidera.

Naghahanda't nakamasid sa akin, ngunit nang mapansin ng lobo na tila ginagamit ko ang aking utak para matakasan siya, naging maagap ang nilalang sa pagpapaalala sa akin na hindi ko siya mauutuan.

Agad na nahinto ako sa pag-iisip ng plano nang makitang sinimulan na ng lobo na humakbang palapit sa akin. Isang hakbang... dalawa hakbang... tatlong hakbang... at pagkatapos niyon ay huminto ito. Ginapangan ng mas pinatinding takot dahil sa naging galaw ng hayop, kaya imbes manaig sa akin ang survival instincts ko, ay agad nang nanaig sa loob ko ang kawalang pag-asa at napapaisip na lamang na dito na magtatapos ang aking buhay. Mula kasi sa kinatatayuan ng lobo papunta sa akin ay pwedeng-pwede na niya akong malundagan at masimulan nang lapain.

Nag-aabang sa sunod na magiging galaw ng nilalang, ngunit ewan ko lang kung ikakagalak ko ang sunod na nasaksihang naging aksyon ng lobo. Ikakagalak ko ba ito sapagkat dahil sa ginawa niya ay hindi pa ako mamamatay ilang sandali buhat ngayon, o mas ikakatakot dahil sa posibleng ginawa ng lobo ay maaaring pagpipiyestahan ako ng maraming kauri niya?

Pagkatapos kasing humakbang palapit sa akin ang naglalaway na nilalang ay itinutok sunod nito ang kanyang ilong sa kulay pula at bilog na buwan. Ilang segundo makalipas iyon ay nagsimula na itong umungol. "Awoo!"

May nabasa akong libro napatungkol sa ganitong ugali ng lobo. Kapag kasi itinutok ng hayop ang kanyang ilong sa full moon at umungol na nang umungol, ilang minuto lamang ang hihintayin at darating na ang mga kasamahan niya. Kung sa isa nga ay lubos ko nang kinatatakutan, paano pa kung dumoble ang bilang nito ng ilang beses mamaya?

Katapusan ko na nga ba mamaya? Ngunit marami pa akong pangarap. Hahayaan ko lang ba na hindi na iyon matutupad dahil lamang sa kaharap ko ang mabangis na hayop na ito? Paano ang mga naghihintay sa akin sa pag-uwi ko? Ang aking mga magulang, ang aking bunso. Bibiguin ko na lang ba ang kanilang pag-asa na muli pa nila ako makikita? Redmon Eliseo Doragon, nawala at hindi na nakabalik kaya napagdesisyunang ideklarang patay. Ngunit, ngunit, buhay pa ako kasalukuyan at may lakas para mapigilan ang mangyari sa aking kamatayan...

Ano ba, lumaban ka. Lobo lang iyan, kaya mo ito!

Napagtanto na mayroon pa akong pagkakataong makaligtas para lamang hayaan ang lobong itong pati na ang mga kasamahan niyang lapain ako mamaya, patuloy na naririnig ang pag-ungol ng lobo, ang ginawa ko ay sinimulan nang tumakbo palayo sa nilalang. Ewan ko kung saan ako dadalhin nitong aking naging desisyon. Basta ang alam ko ay mas mainam na ito kaysa tumayo lamang doon at hintayin na lang na maganap ang katapusan ng buhay ko sa piling ng mga hayop na gutom sa dugo at laman.

Alter World Series 1: The Magical Worldحيث تعيش القصص. اكتشف الآن