Chapter Ten

1K 20 0
                                    


   MATAPOS ang gabing naganap sa pagitan ni Rayanne at Xyrus, napansin ng dalaga ang pagiging clingy at close ni Xyrus sa kanya. She thought that he's just acting weird but he's not. Palagi itong nasa opisina niya para ayain siya mag-lunch at paminsan ay dumadalaw ito sa condo niya at hindi niya alam kung paano nito nalaman kung saan siya nakatira gayong wala naman siyang sinasabi dito.

Hindi pa din nawawala sa kanila ang magharutan lalo na kapag nasa penthouse sila ng binata. They would make out when there's no work and they'll cuddle all night. Ilang beses na siyang nago-overnight sa penthouse nito at meron na siyang mga damit na iniiwan doon.

"Why don't you just move in with me?" pangungulit nito sa kanya.

Umikot naman ang mata niya. "Wala naman tayong relasyon."

"Meron kaya," anito na kinataas niya ng kilay. "You're my sexy student and I'm your hot instructor."

"It doesn't mean na pwede na kong lumipat sa bahay mo 'no."

"We can improve our sex play when you live with me."

"Excuse me?" nanlalaking mata niya na kinatawa ng isa. Anong sex play ang sinasabi nito? Sa pagkakaalala niya ay hanggang foreplay lang silang dalawa.

"But, do you see yourself giving up that virginity to me?" tanong ng binata.

She sighed. "Hindi na mahalaga kung kanino ko bibigay ang virginity ko. Sa ngayon ang tanging gusto ko lang ay matuto at ipakita sa magiging next boyfriend ko na kaya ko na ibigay ang mga pangangailangan niya."

"Naipapakita mo naman na sa'kin ah."

"Loko!" tumawa siya.

"So, you want to spend the night with me later? May ituturo ako sayong bago."

"Ano?"

"It's a surprise. Pumayag ka muna," anito at nginisian siya. Pinaningkitan niya 'to ng mata. Alam niyang kalokohan na naman ang gagawin ng lalaking 'to.

"Fine. Ngayong gabi lang ha."

"Bukas din."

"Nope."

Matapos ang masayang lunch ni Rayanne kasama si Xyrus ay hinatid na siya muli ng binata pabalik sa opisina niya. Wala pa man din ay nae-excite na siya sa kung anong gagawin ng lalaki sa kanya. Xyrus never failed on making her sexual experience pleasureable and satisfying. Sobrang memorable sa kanya ng bawat ginagawa nilang dalawa at hinding-hindi niya makakalimutan ang mga araw na 'to kahit na matapos ang usapan nilang dalawa.

Usapan?

Speaking of which, she remembered that they didn't agreed on anything about this student-instructor thing. Basta na lang siya pumayag sa alok nito na walang kontratang pinipirmahan o kasulatan na may hangganan ang lahat ng 'to. It feels like she's an actual fuck buddy of the agency's boss. Ano ba naman 'to ay ngayon niya pa naalala? Naisip niya na i-open na lang mamaya kay Xyrus ang tungkol dito.

"Blooming ka sis," puna ni Violet sa kanya nang madalaw ito sa opisina niya.

"Thanks."

"May nagpapaligaya na ba sa iyo?"

Napa-iling siya. "Wala, 'no."

"Naka-move on ka na?" intriga pa ng babae. Hindi naman siya umimik. Naka-move on na nga ba siya? Hindi niya alam ang isasagot pero hindi niya na namimiss pa si Saint mula nang mas maging close silang dalawa ni Xyrus. Hindi na din niya naiisip ang ex-boyfriend kahit na hindi sila mag-kasama ni Xyrus.

COITUS AGENCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon