Chapter Fourteen

959 13 0
                                    


    Unang araw nila Rayanne at Xyrus sa Batanes ay nilibot nila ang magandang tanawin sa Vayang Rolling Hills kung saan makikita ang dulo ng Pilipinas. The whole place is quiet as it was surrounded by mountains. Ang tanging ingay lang na maririnig doon ay ang bawat hampas ng alon sa mga batong pumapalibot sa isla.

"Bakit hindi mo sinama si Sera?" tanong ni Rayanne.

"It's our date, hindi natin kailangan ng third wheel."

"Ang sabihin mo, hindi ka makakapag-manyak sa'kin pag sinama mo ang pamangkin mo," sagot niya at tinanggal ang kamay nitong pumipisil sa pang-upo niya. Nginisian naman siya ni Xyrus bago niyakap ang braso sa balikat niya.

Buong araw ay namasyal silang dalawa ni Xyrus bago sila umuwi sa bahay bakasyunan. Hindi pa nila tapos ang pamamasyal at kinabukasan naman ay pupuntahan nila ang sikat na Homoran Blue Lagoon.

"Best spot for outdoor sex daw iyong lagoon," kwento ni Xyrus. Kakauwi lang nila mula sa pagpunta sa Honesty Café na sikat sa Batanes dahil walang bantay ang tindahan at ang mga customer na mismo ang magiiwan ng pera doon. Manghang-mangha sila dahil napaka-honest nga naman ng mga tao at turista na pumupunta do'n.

"Let's try it?" Rayanne smiled.

Naningkit naman ang mata ng binata habang nagtatakang nakatitig sa kanya. "I never thought that you'll agree that fast," may himig ng paghihinala sa boses nito. "Damn baby, are you just tricking me on having sex in the lagoon? Tapos ay bibitinin mo ko? I don't like your smile."

"Grabe siya!" humalakhak ang dalaga. "You're overthinking too much. Epekto ba 'yan ng kape ng Batanes sa utak mo?"

"Nagtataka lang kasi ako. Palagi kang hindi pumapayag kahit make out lang ay pahirapan pa. Tapos ngayon ikaw pa magaaya sa'kin? Shit!"

"Can't you just thank God that I asked you to try having sex in the lagoon?" asik ng dalaga. Agad naman ngumiti si Xyrus at humalik sa labi niya.

"Thank God."

"Uncle Xyrus!" sabay silang lumingon nang pumasok si Sera sa silid na tinutulugan nila. "Can I make sama tomorrow sa date niyo ni tita Rayanne?"

"Hindi."

"Why?" tumulis ang nguso nito.

"Date namin 'to, okay? Akala ko ba gusto mo na ko magkaroon ng love life?" sagot ng binata na kinatingin ni Rayanne. Nagtataka na naman siya kung anong sinasabi nito. Siya ba ang tinutukoy nitong love life niya?

"Oo."

"Eh 'yon naman pala, eh. Kaya 'wag kang makulit, okay? Don't worry I'll treat you to shopping when we go back to Manila."

Nanlaki ang mata ng dalaga. "Yay! Pero si tita Rayanne ang gusto kong kasama at si tita Fatima. Miss ko na din kasi si Zephyr. Okay lang ba tita?" baling nito sa kanya.

"Sure. Gusto din kita mas makilala, Sera."

"Omg, I like you na talaga tita Rayanne," sagot nito at inayos ang mahabang buhok. "Babalik na po ako sa kwarto ko. Gawa na kayo ng baby. Bye!"

Nang makaalis si Sera ay napa-ngiti si Rayanne. "I like your niece. Parang nagkaron ako bigla ng little sister."

"Wala ka bang kapatid?"

Umiling siya. "Wala. Miracle baby lang nga ako. Hindi kasi pwedeng magkaanak si Mama dahil sa sakit niya sa ovary pero himala na nabuo ako. Kwento pa nila ang daming complications noong pinagbubuntis ako ni Mama. But look at me now."

COITUS AGENCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon