Chapter Seventeen

805 10 0
                                    


   HINDI ALAM ni Rayanne kung paano ba niya ie-explain ang kilig na nararamdaman dahil walang salita ang kayang tumumbas sa pakiramdam niya ngayon. It was like having a crush for the first time. Her heart was beating wildly and her palms were cold because of nervousness whenever Xyrus looks at her admiringly.

Ang sarap sa pakiramdam na may isang taong nagpapakilig sa kanya ngayon. Hindi na niya kaya pang pigilan ang pagkahulog ng loob niya sa lalaking unti-unting pumapasok sa puso niya. Whatever will happens from now onwards, Rayanne will never be afraid to take a risk again. Masaya siya sa piling ng binata at ayaw niyang mawala ang kasiyahan na meron siya ngayon. She's assuming something from their relationship and what they have right now might be more than just friends. Rayanne is hoping that Xyrus will be the one who can make her happy for the rest of her life. Ngayon pa lang ay sobra na siyang napapasaya nito at kaya nga siya pumayag na maging instructor ang binata dahil sa loob-loob niya ay umaasa siyang si Xyrus na ang para sa kanya.

"Girl, may plans ka ba sa weekend?" tanong ni Violet nang dalawin siya nito sa opisina niya.

"I think may pupuntahan kami ni Xyrus. Bakit?"

"Clubbing tayo!"

"I'll try to come. Kung hindi naman ay sa susunod na lang tayo," aniya. Ngumisi naman ang kaibigan sa kanya bago ito naupo sa visitor's chair sa harap ng mesa niya.

"Ikaw ah. In love ka na 'no?"

She blushed. "Papunta na doon."

"Papunta? Eh halatang-halata na po sa mukha mo na in love ka. 'Wag nga ako 'te!"

Napa-buntong hininga naman siya. "I don't know, okay? I'm so happy with Xyrus, girl. Hindi ko alam kung pareho ba kami ng nararamdaman ngayon pero," impit siyang napatili. "Feeling ko high school ulit ako!"

"Jusko. In love na nga si Rayanne!" masayang sagot ng kaibigan at hinawakan ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. "Tuloy mo lang 'yan girl. Alam mo hindi ka mahirap mahalin. You're sweet and every man will dream to have a wife like you."

"T-thank you."

"I'm happy for you."

Hindi naman maalis ni Rayanne ang ngiti sa labi dahil sa sinabi ng kaibigan. Gusto niya nang sumaya ang buhay pag-ibig niya kaya hindi na siya magdadalawang isip na subukan i-work out ang kung anong meron silang dalawa ni Xyrus. She can feel that he feels the same way for her too and she'll take that chance to make this relationship be official.

"Pagdasal mo siya," suhestyon ng kaibigan. "There's no impossible with God and you know that. Kung sa tingin mo ay si Xyrus na ang lalaking para sa'yo ay sabihin mo sa Diyos at kung si Xyrus talaga ang gusto Niya para sa'yo, walang hadlang ang makakapigil na pagtagpuin kayo."

"Oh my gosh, Violet. Hindi ko alam na ganyan katindi ang paniniwala mo."

"I'm just saying the truth, Rayanne. With God everything is possible."

Napagpasiyahan ni Rayanne na dumaan sa Quiapo Church pagtapos ng shift niya. Nagtataka pa si Xyrus nang ayain niya ito sa simbahan nang sunduin siya nito nang gabing iyon. Gusto niyang Diyos na mismo ang gumabay sa kanya sa buhay pag-ibig niya. Ayaw niya nang magkamali at masaktan ulit.

"It's weird," said Xyrus. "Ang tagal ko nang hindi nakakatapak sa simbahan. Kaya siguro nagkanda-letse letse ang buhay ko."

Hindi niya naman mapigilan na matawa. "Maybe now is the time that you pray to God."

"Yeah, I will," he answered and turn his gaze to her. "I have a reason to pray."

"Ano?" tanong niya pero ngiti lang ang sinagot ng binata sa kanya.

COITUS AGENCYWhere stories live. Discover now