Chapter Twenty One

717 9 0
                                    


   ISANG ARAW ay nakatanggap ng tawag si Xyrus mula kay Fatima at pinapapunta ito sa bahay nila dahil nagwawala na naman si Keila. They were in the middle of making love that day when he received the call and Rayanne is so pissed off.

Hindi agad siya nakapunta sa bahay nila Fatima dahil tinapos muna niya ang ginagawa kasama ang kasintahan at nang matapos sila ay muling nakatanggap si Xyrus ng tawag na dinala na sa hospital si Keila dahil naglaslas ito ng pulso.

"Damn, I'm sorry." Hinging paumanhin niya kanila Fatima nang makarating sa ospital. "Hindi ko lang talaga maiwan si Rayanne."

"Xy, please..." Fatima cried. "Keila needs you. Just this once, please."

"Alam niyo naman na hindi gusto ni Rayanne si Keila," singit ni Edryl na nakahalukipkip. "Huwag niyo naman ibigay kay Xyrus ang responsibilidad na tulungan si Keila na gumaling. I understand that Keila needs a serious help at this moment but Xyrus has a life. Sisirain pa ba natin yung pamilyang binubuo niya? Nandito naman tayo para kay Keila."

"Ed," pigil ni Mika sa asawa.

"No, hon. I need to say this, okay?" tugon nito at muli silang hinarap. "Kaibigan ko din si Keila at handa akong tulungan siya para gumaling siya. Hayaan niyo nang lumayo si Xyrus dahil mas lalo lang titindi ang obsession niya dito kung magpapakita pa ng care 'tong si Xyrus sa kanya."

Napatayo si Fatima sa kinauupuan. "How can you say that? She's depressed Edryl and she might kill herself like what she did today! Best friend ko si Keila!"

"Stop it," singit niya sa mga 'to. "I am responsible for what happened to Keila."

"What do you mean?" Saturn asked. Napahilamos naman siya ng mukha gamit ang kanyang kamay at napayuko.

"She went to see me last week and I've said too much. Nasaktan ko siya sa mga sinabi ko kaya siya napunta sa sitwasyon na 'to. I want to help her too."

"Xyrus—"

"Ed, it's okay," he smiled. "Nakausap ko naman na si Rayanne eh."

Edryl groaned in annoyance. "Whatever," anas nito bago nag walk out. Napayuko na lang ulit siya. He got his cousin's point with this argument but Xyrus thinks he is responsible for this. Siya ang huling nakausap ni Keila bago ito isugod sa hospital at sinisisi niya nag sarili dahil sa nangyari. He just want to make things up with Keila.

"She doesn't want us around her," pagbubukas muli ni Fatima ng usapan. "Kahit kasama namin siya sa bahay ay ayaw niya kaming kausapin. She's calling your name and cries all day and night."

He sighed. "I'll talk to her later."

"Kung hindi lang kasi niya inaway si Rayanne eh," napaikot ng mata si Mika. "We're sorry for dragging you to this, Xyrus. Hihingi din kami ng sorry sa girlfriend mo."

"It's okay."

"She's awake," singit ni Saturn. Sabay-sabay naman silang pumasok sa kwarto at nagliwanag ang mukha ni Keila nang makita siya. Paglapit pa lang niya sa babae ay agad na itong yumakap sa kanya. Naasiwang kinalas niya ang yakap ng dalaga at naupo sa hospital bed nito.

"Can we talk?"

"Okay," she smiled widely.

"Why did you tried to kill yourself, Kei?"

"I-I don't know," umiwas ito ng tingin. "I-I think it will be better if I end everything. Kasi 'di ba sagabal lang naman ako sa inyo? Nobody loves me, no one wants a trash like me."

COITUS AGENCYWhere stories live. Discover now