Chapter Twenty Seven

786 11 0
                                    


      NAIIYAK na niyakap ni Rayanne ang inang si Analisa nang pumasok ang mga magulang niya sa suite room kung saan siya nagaantay para sa pagpunta niya sa simbahan. Her mother cried and hugged her tight before she kissed her cheek. Ang ama naman niya ay nakatayo lang di kalayuan sa kanila at naka-ngiti siyang pinagmamasdan.

"Napaka-ganda mo Rayanne."

"Salamat po, Mama."

"Kamukhang-kamukha mo ang Mama mo noong kinasal kami," ani Ronaldo tsaka lumapit sa kanya. Niyakap siya nito bago humalik sa ulo niya. "Time flies so fast. Tandang-tanda ko pa noong una kitang masilayan at mayakap sa bisig ko, anak. Ngayon, ikakasal ka na."

"Pa..." her eyes got teary.

"Ikaw pa din ang prinsesa ko kahit na magiging reyna ka na ni Xyrus. Remember that you can always call me if you need something, okay?"

Tumango siya at ngumiti. Muli niyang niyakap ang ama. "Thank you for everything, Pa, Ma. Wala ako dito ngayon kung wala kayo. Thank you for taking care of me and shaping me to the person I am now. Mahal ko po kayo."

"Mahal ka din namin, Rayanne," saad ng ina at sumama sa yakapan nila.

Ilang saglit pa ay tinawag na sila ng organizer na bababa na para pumunta sa simbahan. Napili nila Xyrus na ikasal sa Quiapo church kung saan una nilang pinagdasal na makatuluyan ang isa't-isa. It may sound cliché but that place is a witness of their confession to the Lord.

"Ready ka na ba?" tanong ng Papa niya. Kinakabahan napatango siya at ngumiti bago sila sabay na lumabas ng suite room.

The photographers took pictures of her while she walk down the hallway. Sumakay sila pababa sa lobby at muling kinuhaan ng litrato hanggang sa makasakay siya sa wedding car na magdadala sa kanya sa simbahan. Hawak niya ang kamay ng magulang niya na pinagigitnaan siya. Hindi niya maitago ang saya na nararamdaman dahil kitang-kita sa malaking ngiti niya kung gaano siya kasaya sa mga oras na iyon.

Rayanne can't wait to meet the man that she'll be with for the rest of her lives. Hindi niya na maantay na matawag na asawa ang lalaking minamahal. After all the things they've been into, Rayanne and Xyrus strongly fought their love for each other.

Pagdating sa simbahan ay agad bumaba si Rayanne sa kotse at pumwesto sa nakasarang pinto ng simbahan. She fixed her wedding gown that her mother wore when her parents got married. Kahit na makaluma ang style ng disenyo ng gown ay iyon pa din ang sinuot niya.

"Are you ready?" her mother asked.

"Kinakabahan lang po pero sobrang saya ko."

"Ganyan din ang pakiramdam ko noong kinasal kami ng papa mo. Enjoy and cherish this day Rayanne. Minsan lang 'to mangyari sa buhay ng isang tao at huwag na huwag mong kakalimutan i-enjoy ang pinaka-importanteng okasyon sa isang babae."

Napa-ngiti siya sa sinabi ng ina. "Yes, Ma."

Nang bumukas ang pinto ay napa-hinga ng malalim si Rayanne. The song Tenerife Sea by Ed Sheeran played and it brought tears to Rayanne's eyes. Agad siyang napatingin sa lalaking nasa dulo ng altar at nagaabang sa kanya at doo'y kusang tumulo ang mga luha niya.

She'll never forget how she met Xyrus Montenegro. Hindi niya makakalimutan kung paano na lang ito unti-unting pumasok sa buhay niya at hinuli ang puso niya. Rayanne never thought that Xyrus will be the man who will make her dreams come true. Walang sinoman ang kayang humigit sa sayang binigay sa kanya ng lalaking minamahal.

Nang makarating sa altar ay nahalata niya ang namumulang mata ng lalaki na patunay na galing ito sa pag-iyak. Lumapit si Xyrus sa kanya at napa-ngiti siya nang halikan nito ang noo niya.

COITUS AGENCYWhere stories live. Discover now