Chapter Twelve

1.1K 16 0
                                    


    "KEILA?" gulat na saad ni Xyrus matapos makilala ang babaeng yumakap sa kanya. "Kailan ka pa dumating?"

"Kahapon lang," anito at yumakap sa kanya. "Oh, I missed you so much Xyrus. I've been waiting for too long to hug you like this."

Naka-ngiwing hinawakan naman ni Xyrus ang balikat ng babae tsaka ito nilayo sa kanya na pinagtaka ni Keila. "I'm happy to see you, too," sagot niya at lumapit kay Rayanne tsaka umakbay. "Babe, this is Keila, college friend ko."

"Hi," pilit ang ngiting bati nito kay Keila.

"Who is she?" umarko ang kilay ng babae kay Rayanne. Halatang hindi ito nasisiyahan sa nakikitang pag-akbay niya sa dalaga.

"Kei, girlfriend ni Xyrus 'yan," singit ni Mika na tila kinikilig. "Bagay sila 'no?"

"Girlfriend?" mataray na tanong ni Keila. Nagtatakang tumingin naman si Xyrus sa babae. He knows that Keila loves her when they were still in college and she told him that she'll wait until he loves her back. Pero sampung taon na ang lumipas mula nang umamin ang babae sa kanya, impossible namang hanggang ngayon ay may gusto ito sa kanya.

But Keila's feelings for Xyrus never changed. Ang inaakalang pagmamahal kay Xyrus ay hindi pag-ibig; he was an obsession that she wants to have. Sa paglipas ng panahon ay mas tumindi ang pagnanais nitong makuha ang lalaki.

"Why is she glaring at me?" bulong ni Rayanne kay Xyrus ngunit nginitian lang niya ang dalaga bago hinila palayo doon. Agad naman sumunod si Edryl sa kanya nang senyasan niya ito.

"Man, I think her presence will ruin the atmosphere here," tukoy niya kay Keila at tinignan ito. Nahuli niyang nakatingin din ang dalaga sa kanya tsaka ngumiti ng makahulugan.

"Hindi naman natin siya puwede paalisin, bisita siya ni Fatima."

He sighed. "We'll leave."

"What? Kakarating niyo pa lang."

"Ano bang meron Xyrus?" singit ni Rayanne sa usapan nila. "Why are we going to leave?"

"Obsessed kasi si Keila kay Xyrus," kwento ni Edryl at bumuntong hininga. "Hindi kasi siya pinatulan ni Xyrus noong college at tumindi ng sobra-sobra yung pagkagusto niya dito."

"That's creepy," komento ni Rayanne. "It's okay if Xyrus wants to leave kaso nakakahiya naman kay Fatima."

"Can you stay for a while? Kahit thirty minutes lang."

Napipilitang tumango na lang siya. Kahit na ayaw niya nang manatili dito ay wala siyang magagawa. Xyrus pulled Rayanne towards the hammock in the patio and sit there. Tumabi naman sa kanya ang dalaga at hinilig ang ulo sa balikat niya tsaka sila tahimik na dumuyan.

He's finally moved on. Ayan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa utak nang ma-realize na wala na ang nararamdaman niyang pagkaulila at sakit tuwing nakikita si Fatima. Wala na ang pagsisisi sa kalooban niya ukol sa mga maling desisyong ginawa at napatawad na din niya ang sarili sa ginawa niyang pag-angkin sa isang pamilyang hindi kanya.

He deserved to be happy, that's true and happiness begins when he fully forget everything that happened in the past. Masaya na siya ngayong napalaya niya na ang puso mula sa mapait na sinapit ng buhay pag-ibig niya.

"What are you thinking?"

"I'm just happy," he smiled. "I finally moved on, Rayanne."

Mahinang natawa ang dalaga. "That's good to hear, Xyrus."

COITUS AGENCYWhere stories live. Discover now